Part of Me

42 3 0
                                    

Part of Me

By: Annarose

Prologe:

Julie Belle Mendoza

From the heart:

Isa akong simple at masayahing teenager. Ang Daddy ko ay isang engineer sa ibang bansa. Ang Mommy ko naman ay isang teacher.

Dalawa lang kaming magkapatid. Ako at ang nakababata kong kapatid na si Jelly. Kahit na hindi kami kasing yaman ng iba ay masasabi kong napakasuwerte ko. Dahil sa mapagmahal at masayang pamilya ko.

Ang Daddy ko, kahit na sa malayo sya ay ramdam pa rin namin ang pagmamahal nya. Lalong lalo na ang mommy ko.

At ang isa pang pinagpapasalamat ko, ay ang bestfriend kong si Josh...

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

"Goodmorning Tita May! Si Jolen po?" bati ni Josh sa Ginang na abala sa paghahanda sa hapag kainan. Inilapag nito ang pritong itlog at tocino sa lamesa.

"Magandang umaga rin sayo hijo. Ang aga mo naman yata ngayon Josh? Di ba't sabado ngayon? Wala kayong pasok ni Jolen." ani ng ginang

"Hindi ho ba nasabi ni Jolen sainyong may fieldtrip kami ngayon?" Josh

"Ngayon na ba yun? Wala syang nabanggit sa akin."

"Ganun po ba? Tsk! Jolen talaga." umiiling-iling na sabi ni Josh.

Saglit namang tumigil ang ginang sa ginagawa nito at hinarap sya.

"Pagsabihan mo nga yang kaibigan mo Josh na wag masyadong pagurin ang sarili nya sa mga school activities nya. Pati tuloy ang pagpapaalam sa akin nakakaligtaan na nya, aba'y talo na yata ako ng isang yun sa paramihan ng inaalala. Kausapin mo sya para sa akin Josh. Sigurado akong pakikinggan ka ng anak ko." seryosong sabi nito.

Totoo ang sinabi ng Tita May nya. Naging napaka abala na nga ni Jolen simula ng maging president  ito ng napakaraming school organizations. At dahil na rin sa dami ng responsibilidad ng kaibigan ay naging napakabusy na nito. Idagdag pa ang pressure sa pagiging consistent honor student nito.

"Sige po tita. Hayaan nyo at kakausapin ko sya."

"Oh sya sige. Mabuti pa panhikin mo na yun dun sa kwarto nya at baka ma-late pa kayo sa fieldtrip nyo't anong oras na?" utos nito sakanya.

"Okay tita. Copy that!" aniya bago pumunta sa kwarto ng dalaga.

Habang papunta sya sa kwarto ni Jolen ay nakasalubong nya ang nakababatang kapatid nito na si Jelly.

"Hi Kuya Josh. Goodmorning po!" bati nito sakanya. Napangiti naman sya at ibinigay ang chocolate na binili nya talaga para rito.

"Goodmorning too sunshine! Mamaya mo na kainin yan sa school ha? Baka kasi magalit si Tita May pag yan ang ginawa mong breakfast." sabi nya rito na ginulo pa ang buhok nito.

Napahagikhik naman sa ginawa nya ang nakababatang kapatid ni Jolen bago nakangiting sumagot kay Josh.

"Aye eye captain!" anito

"Good girl! Sige puntahan ko lang muna yung tulog mantika mong ate." paalam ni Josh rito

"Okay!"

Part of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon