Sweet Secret Identity
Ano ba ang pakiramdam mo kung ika’y walang halaga sa mga magulang mo? Lagi nalang ang kambal mong lalaki ang atensyon ng mga magulang nyo at akalaing friends mo, Dahil nandyan sa kanya ang lahat. Smart and talented. At dyan rin nakasalalay sa kakambal mo ang kompanya ng mga magulang nyo. Eh pano ka?
Ano’ng gagawin mo kung magkakaroon ka ng problema, na ikaw ang sisisihin ng iyong pamilya at lahat ng responsibilidad ikaw ang sasalo? Siguro doon mo malalaman ang lahat tungkol sa kakambal mo at dun mo rin makakamit ang true love mo.
Tunghayan natin ang napaka romantic story ni Melody. Oo yan ang pangalan nya. May reklamo ka? Dito magsisimula ang kaniyang istorya…
Chapter 1
“Melody!!” tawag ni kuya sa labas ng kwarto ko.
Melody Hermona ang pangalan ko 17 yrs old, kasing taas ng kakambal ko at ang nasa labas ay ang kakambal kung si Melon.
Joke! Si “Michael” ang pangalan ng kakambal ko. Even though we’re identical twins. Marami kaming pagkaka-iba, in other words opposite ko sya. Matalino sya at ako mang-mang. (Wow? Mang-mang talaga Ms. AUTHOR? Sakit nun ah..Joke Poh!! Hehe ^__^v) Talented naman siya at ako—
“Melody!!” ay kabayong bakla!
Hindi ko pa nga na tapos introduction natin eh! Tawag kana ng tawag. Sige… last nalang to… so ako ay walang talent. Ayaw ko kasing mag laro mas gusto ko pa mag basa ng ebook. Sige. Dito lang muna.. kung may itatanong. Comment lang ho.
“Melody naman oh!! Ibalik mo na sa akin yung laptop ko!” sigaw nya ulit.
Kinuha ko kasi yung laptop nya sa kwarto nya at dinala ko sa room saka ni lock ang pinto para maka pag fb ako na walang sagabal. Buti pa sya my laptop at saka cellphone pero ako… wala kahit ano!!
Ni log out ko na ung fb ko at pumunta sa pintuan dala ang laptop. Binuksan ko ang pinto at nandyan si Mommy kasama ni Michael galit ang expression nila sakin. Pagkatapos….
PAAAKKKK!!!
Sinampal ako ni Mommy at napahawak ako sa pisngi ko. Muntik nang mahulog ang laptop. Pero kahit na, wala akong pakialam.
“You deserve that Melody! Huwag mung kunin yang laptop ng kakambal mo dahil kailangan nya yun sa pag-aaral nya!! Hindi gaya mo, na ginagamit lang para paglaruan!!!” sabay kuha ng laptop sa kamay ko at binigay kay Michael. “Ulitin mo pa yan at hindi na kita bibigyan ng allowance mo.” Banta ni Mommy sakin.
Ha! Walang Allowance? Eh kahit singko sayo walang binigay sakin eh… si Michael lang ang may allowance dito noh! Kahit malapit ang school ni kuya, hinahatid nyo pah… compare sa akin, malayo na nga naglalakad lang… kaya minsan late ang pagdating. Oo magka-iba ang paaralan namin ni Michael. Nasa Blue Royal University si Michael at ako nasa..let’s say isang pang-Commoner’s school lang.
“Opo Mommy.” Iniwan na ako ni Mommy at ni Michael. Aray! Ang hapdi ng face ko. Tabachochi na Mommy. Hmp.
Minsan gusto kung maging katulad ni Michael. Pero alam ko… hindi yun magkakatotoo.
#################################################################
Melody
Nandito ako ngayon sa cafeteria ng school namin. As always, walang pagkain… walang allowance eh. Kaya ito lang nag hihintay kay Nathalien at Zyren. O yan, nakikita ko na sila papunta sa akin.
“God! What happen? Anong nangyari sa pisngi mo?” gulat ni Nathalien.
“Sinampal ako ni Mommy kaninang umaga dahil kinuha ko ung laptop ng magaling ko na kakambal ng walang paalam. Kaya yun, nasampal tuloy ako.”