Rules are rules.
"I already told you about boyfriend things , Viennae , i told you to stay away to your suitors too. How can you obey my rules? Youre not 18 yet. Youre rushing things Viennae! How could you?!?"
Sabay sampal ni mommy sakin, naramdaman ko ang mainit na tulo ng aking mga luha sa pisngi hanggang tumuloy tuloy na ito, hindi ko na mapigilan. Dahil narin siguro naging mali ako sa puntong ito. Maling mali na pumayag akong magpaligaw at sagutin si Brixx, unti unti natin kase akong nahulog sa kanya. Halos lahat na ata na sa kanya, hinahatid sundo ako, lagi nya akong nililibre sa mamahaling mga restaurant na di ko ikakailang kayang kaya ko naman, mahal nya ako mahal ko sya. Is there something wrong about that?
"Im sorry mom,can i ask you? Is there something wrong about that? I love him, and i know, no! we both know that he loves me too. More than we know. You know mom? Nakakasakal na. Youre always doing this things. Lagi mo na kaming napapahamak. Can you just stop? I dont know if dad is really happy when youre doing this non-sense things. You know mom? Sana sinama na ako ni daddy sa langit kesa yung ginaganto mo ko! Im tired of being dumb-ass . mom? Can i walk out now? " sabay talikod ko sa kanya di ko na inantay ang bunganga nyang magsalita dahil sasabunutan na nya ako. Simula ng namatay si daddy bawal na ako magpaligaw, bawal na magdala ng bestfriend sa bahay, bawal umalis ng bahay kung di importante. May guards, p.a, maids. Etc. Etc.
Umakyat ako at agad ni lock ang pinto kinuha ko na din ang duplicate ng susi ni mommy. Tinago ko iyon ng nahawakan ko ang susi ng kanyang sasakyan . para di na sya makapasok sa kwarto ko at tatalakan nanaman nya ako. Natapos ang aking pag iyak ng pag iyak ng sumikat na ang araw at ang pagkalampag ng mga katulong namin sa giant door na pinagawa pa ni daddy nung nabubuhay pa sya. Haaay. I missed you so much dad.
"Señorita? Señorita?" Tawag ni manang letty sakin at sabay katok.
Binuksan ko ang pinto at nginitian ang 20 years na kasama namin dito sa bahay. Sya ang pinakamatagal na nandito. Kilalang kilala na nya kami. Kaya parang lola ko na rin sya. Mahal ko den sya dahil sya din ang naiiwan sakin noon pag may mga meetings sila mommy at daddy sa ibat ibang bansa para sa company nila.
"Manang. Diba po sabi ko sainyo wag nyo na akong tatawaging señorita pag wala si mommy? Ayoko po. Anak nalang po. Mas nakakagaan ng loob. Kumain na po ba kayo manang? " tanong ko habang nakahawak ako sa dalawang balikat nya at nakangiti sa kanya. Di maitatago sa kanyang mukha na maganda talaga sya nung kabataan nya.
"Mamaya na ako kakain , señ- anak. Kailangan kumain ka muna at pumasok sa eskwela. Gagraduate kana next next month. Maaasahan mo ako na makararating ako sa selebrasyong iyan. " natuwa ako sa kanyang sinabi kaya naglakad kami ng magkahawak ang kamay hanggang sa dining room
"Manang , pwede bang sabayan nyo na po ako sa pagkain? Ang dami dami po kase neto. Parang 50 na tao halos pwedeng umubos dito. Pakitawag naren po lahat ng mga katulong at yung tatlong driver , tas yung kay kuya nardo po tirahan nyo nalang po sya ng makakain nya para pag pasok nya eh, makakain naman po sya. " sabi ko ng makaupo na ako sa higante naming lamesa. Nakakapagod din kase na lagi kang magisang kumain sa lamesang pang 20 na tao ang makakakain e.
"Wag na anak. Ok na kami. Mamaya nalang-"
Di ko na pinatapos ang kanyang mga sasabihin dahil alam kong magpupumilit lang sya na hindi na sya sasabay kasama ang iba pa naming mga kasambahay."Sige na po. Ipapareadi ko na po ang plato ninyo. Di po ako kakin ng di kayo natatapos kumain. " saby ngiti ko at bumaling na ulit ako sa fried rice , chicken , bacon at fresh milk na nakahain na sa table ko.
" sige anak. Salamat" sabi nya ng nakangiti.
"Always welcome manang. "
Kumain kami ng sabay sabay at masaya. Madalas kaming nagtatawanan kapag bumabanat si kuya robert ng kanyang corny na knock knocks nya. At natawa din kami ng naibuga ni maria kay kuya jospeh ang kinakain nyang pancit canton. Halos sumakit na din ang tyan ko sa sobrang tawa. Pero nagulat kami ng biglang sumigaw si mommy sa tapat ng pinto ng dining room
"WHAT ARE YOU DOING VIENNAE? PINAPASWELDO KO SILA PARA MAGLINIS AT MAGSILBI SAYO, SAATIN AT GANYAN ANG GAGAWIN MO?! WHO DO YOU THINK YOU ARE? THEY HAD THERE TIMES FOR THEIR MEALS VIENNAE . DI SILA MAGUGUTOM!"
Dahil sa pagsigaw nya nawala ang ngiti naming lahat sa mga labi. Ibang klase talaga sya. Ibang klase. Kasabay non ang paglabas ng lahat ng katulong at driver namin , mabuti nalang at naubos na nila ang kanikanilang mga pagkain. Di nasayang.
"Oh? Really mommy? Haha. Ganyan ka na talaga. Ibang klase ka talaga mom. You always think for me, and yourself. Nothing more.. Nothing less.. Selfish. " sabi ko ng nanginginig sa inis. Di nya dapat sinagawan ang mga taong nagsisilbi lamang sa kanya kahit papano tao paren namn ang mga iyon.
"Yea. I think for myself and for you. I think for your self. Iniisip ko ang future mo. Iniisip kita. Ikaw lang anak. I never thought youll be thins happy with our maid. Yes. Just a maid. Can make you that happy. Di kita nakitang ganya kasaya araw araw na kasama kita dito sa bahay. When ? Anak when? Kelan kita makikita ng ganyan? " mangiyak ngiyak nyang sinasabi. Nanginginig ako sa mga sinsabi nya. Nasasaktan ako. Ewan ko ba. Pero iba talaga si mommy pag nasasaktan.
"Sorry mom. Papasok na po ako. "
Sabi ko at akmang tatalikod na sana ako ng biglang hinawakan ni mommy ang kamay ko."We'll talk about important things later when youre home later. Take care anak. Iloveyou" sabi nya. Tanging tango na lamang ang naging tugon ko sa kanya. Ano naman kaya yon? Kinakabahan na ako sa mga galaw ni mommy ah.
Nang nasa school na ako diretso agad akong pumasok sa classroom namin at umupo . pumasok si Erika at Mary jean kasunod ko . ang dalawang baliw kong bestfriend .
"Vinny! Ano ? Kamusta na? Ayos na ba kayo ni tita? " nakangiting tanong ni erika habang naglalagay ng lip tint.
"No. May paguusapan kami mamaya after school." Matabang kong sabi
"Nako. Baka naman tungkol nanaman sa lovelife mo yan." Umiirap na sabi naman ni mary jean
"Hindi ko din alam. Wag nalang natin pangunahan." Sagot ko naman sa kanila habang sinusuklay ang mahaba at kuloy brown na wavy curl kong buhok
"Nakakatakot talaga maging vasquez ano? Lahat bantay na bantay , ikaw ba naman ang mag mayari ng school, may sariling company (the vasquez co) ang bango kaya ng mga pabango nila sa viennae co. Tapos may sariling boutique si tita ng damit , may sariling boutique ng flowershop. San ka pa? Kung ako sayo? Masayang masaya na ako. Saplan lang ako e, may ari ng company ng mga pabango, nagkataon pa na muntik na makalaban ng saplan co. Ang mga vasquez , basta ako wala akong alam jan ah. " natatawang sabi ni erika sakin.
"Mga sira. Mayaman nga di naman masaya ang pamilya . " nakapangalumbaba at nakanguso ko namang sagot sa kanilang dalawa.
"Darating ka rin jan sa happy family mo. Kami nga dati puro suaybaguio dito, suaybaguio don. Kalat na apilyido namin pero di kami masaya. Pero nung nakaraan. Kumuha ng maraming mga employees si mommy para daw maasikaso na nya kami ni kuya. Mahirap kaya yung laging company ang inaatupag ng pamilya nyo.baka naman nilalayuan ka ng mommy mo kase kamuka mo yung gwapo mong daddy. " sagot naman sakin ni mary jean
"Sa ngayon kase rules are rules wait until youre 18 babe. Di ka na nya masyadong pakikialaman . " sabi ni erika.
Rules are rules? Sa bagay may karapatan naman syang magbigay ng rules. Di na ako aarte. Oo nalang.
YOU ARE READING
A Deal With My Prince Charming
Teen FictionPaano nga ba kung masyado ng mahigpit ang mga magulang mo? Siguro mahal ka lang talaga nila. Siguro may problema lang sya na hindi nya sinasabi. Siguro ayaw nya lang na mapahamak ka. Siguro kapakanan mo lang ang iniisip nya. Puro siguro..... Paano n...