Get married
Natapos ang klase namin ng isang oras. Tinext ko si brixx na mag intay sakin sa may bench sa tabi ng open field ng school namin.
Ako:
Hey, wait for me at the open field beside the stadium. Im on my way there.
Brixx:
Sure. Kakatapos ko lang ng practice.
Ako:
Ok. Take care. I love you.
Brixx:
I love you so much babe
Di na ako nag reply . ang gusto ko lang ay ang mag ditch ng classes at makasama ko sya ng matagal. Dahil baka kung ano nanaman ang pagawa samin ni mommy. Kaya lagi kaming nagtatago.
"Babeee!! " sigaw nya sa malayo.
Nginitian ko lang sya at lumapit sa kanya. Sobrang gwapo nya. Maputi , matangkad , matangos ang ilong at mapupulang labi. Wala na akong hinahangad . maswerte ako kahit na isa lang akong matangkad na babae, maputi , mahaba ang buhok na kulay brown, brown ang mata, matangos ang ilong at pinkish naman ang labi.
"San tayo? " tanong nya ng makalapit na ako
"Sa kotse mo muna." Sabi ko at hinawakan ang kanyang mga kamay
"Ok po." Sabi nya at pinatunog ang kanyang sasakyan.
Nang makasakay na kami sinarado ko agad ang pinto. At hinila ko sya para mahalikan ko. Hinalikan ko sya malalim at nakakalasing. Mabuti nalang at tinted ang sasakyan. Naglalakbay na ang mga kamay nya sa likod ko at hita ko. Pinabayaan ko lang iyon. Bumitaw ako sa halik pero naiwan sa hita ko ang kanyang kamay.
" siguro sa condo mo nalang tayo at mag order nalang din tayo ng pagkain." Sabi ko sa kanya
"Ok po." Sabi nya at nagdrive na patungong building kung saan ang condo nya. Hawak hawak nya ang kamay ko.
Di ko alam kung ano na ang mangyayare. Kung ano ba ang gagawin ko kung sakaling mawala sya sa buhay ko. Di ko yata kaya. Mahal na mahal ko sya. At alam ko na mutual ang feelings namin. Marami na kaming pangarap. Kahit na kakaumpisa palang namin bilang mag girlfriend boyfriend.
Nang nakarating kami sa condo nya tinanong agad nya ako kung ano ang gusto kong kainin kaya sinabe ko nalang na adobo katulad ng lagi nyang niluluto , habang nagluluto sya pumasok muna ako sa kwarto nya , feel at home talaga ako tuwing nagpupunta ako dito. Lagi nya akong kinukwentuhan tuwing magkatabi kami rito sa kama nya. Walang nangyayari samin. Dati gusto ko sanang may mangyare pero ayaw nya hanggat di raw kami kinakasal , ewan ko pero feeling ko ang swerte ko kase parang wala na atang lalaki na ganon. Halos lahat ng lalaki nag te take advantage , pag nakuha na nila ang gusto nila iiwan na nila buti nalang ibang iba si brixx sa kanila .
"Mahal na prinsesa , handa na ang ating pagkain!" Sabi ni brixx sabay kindat, kakaiba talaga tong lalaking to.
Napangisi nalang ako at sumagot.
"Nandyan na po mahal na prinsipe." Ngiti ko sa kanya
"Wag kang ganyan . baka mamatay ako pag di kita nakasama ng ilang oras , sige ka. " halakhak nya
"Ayaw mo ng sweet ako ganon? " sarkastikong tugon ko naman sa kanya.
"Di naman sa ganon. Sige na kumain na tayo babe. "
Nagkulitan lang kami habang kumakain ng masarap nyang adobo. Buti pa sya marunong magluto. Ako kase Ever since nung namatay si daddy di na ako nagluto. Naaalala ko kase siya , naiiyak lang ako. Ewan ko kung kailan ako matututong magluto kapag kinaya na ng sistema ko. Ang hirap parin kase. Dahil kay ate kaya sya namatay. Kaya medyo inis ako sa ate ko , nasa paris sya mula ng namatay si daddy , dahil nalaman na magpapakasal na dahil buntis sya, yun pala ginawa lang dahilan na buntis sya upang di sila paghiwalaying dalawa. Dahil sa dahilang iyon , inatake si daddy , nung araw naiyon ang aking kaarawan . sobrang sama ng loob ko kay ate at hangang ngayon ay di parin kami naguusap.
Natapos kami ng kain namin at nanood kami ng Just the 3 of us ni john loyd cruz at jennelyn mercado naiyak ako dun sa huling part nung nagpalipad ng eroplanong papel at lumabas si john loyd , sobrang nakakakilig dahil gusto ko rin maging flight stewardess gusto ko sana maging piloto naman si brixx para magkasama kami kaso mas gusto nyang mag business management, dahil sa kompanya ng mama at papa nya. Di naman pwedeng humadlang nalang ako sa pangarap nya. Dapat ay maging supportive ako sa kanya.
Nang pauwi na ako ay humalik na ako sa kanya at akmang lalabas na ng may nakalimutan ako sa Kwarto nya.
"Babe, i forgot something on your room. I will just get it , ok? " sabi ko sa kanya papasok na sana ako ng hinawakan nya ang braso ko.
"Ako na." Sabi nya
"No babe, ako nalang, baka mamiss ko agad ang kwarto mo. Kaya hayaan mo nalang ako." Sabi ko at ngiti nalang ang tinugon nya.
Nang nakapasok ako sa kwarto nya ay hinanap ko agad ang shoulder bag ko ,
"Asan na ba yon? Nahulog ba sa kama yon? " tanong ko sa sarili ko. Hinanap ko ng hinanap ang bag ko hanggang ilalim ng higaan nang nasilip ko ko ang shoulder bag na kulay black ay agad ko itong hinila at may nakita akong loreal na mascara, sakin ba to? Wala naman akong ganto ah? Habang kinukuha ko nakakita rin ako ng loreal red lipstick , dinampot ko ito at nilagay sa shoulder bag ko. Nakakapagtaka lang dahil nakasara ang shoulder bag ko.
Agad akong lumabas. Gusto ko sanang itanong kung kanino yung make up , kaso wag na. May tiwala naman ako kay brixx at alam kong mahal nya ako
Hinatid nya ako sa bahay at tahimik lang ako pagbaba ng sasakyan nya. Nagmamadali rin syang umalis pagbaba ko. Medyo sumikip ang dibdib ko dahil di manlang sya nagpaalam. Biglang alis. Badtrip akong pumasok sa loob ng bahay. At dirediretso ako sa loob nakita ko si mommy na nagbabasa ng dyaryo nagulat ako ng tinawag nya ang pangalan ko.
"Viennae, saang lupalop ka nanggaling? " tanong nya at binitawan ang dyaryong hawak at bumaling sakin.
"Mom. I dont have time to argue. Im so tired." Malamig kong sabi.
"We need to talk. I told you before going school" mahinahon parin nyang sabi.
" kay." Sabi ko at sabay upo sa kulay pulang sofa
"Di ko maipaliwanag ng maayos sayo at di mo rin naman maiintindihan kaya didiretsuhin na kita" sabi nya tumango ako "i want you to get married , or have an arrangement with our cooperators son and-" di ko na pinatapos ang mga sasabihin nya . napasigaw nalang din ako
"WHAT MOM? WHAT THE FUCK? BAKIT? PAANO? PATI BA NAMAN ANG BUHAY PAGAASAWA KO PAKIKIALAMAN MO MOM? " sigaw ko sa kanya at napatayo ako sa kinatatayuan ko.
"Dalawa lang ang pagpipilian mo viannae, ang tumungong italy o magpakasal , yun lang. " natameme ako sa sinabi na mommy literal na napa O ang bibig ko
"Well... I .. Think.. Mom.. You already knew the answer." Sabay walk out. Kinuha ko ang dalawang luggage o maleta
Tinupi ko na rin ang mga damit ko habang nagtutupi ako lumapit si mommy sakin at umupo sa dulo ng royal bed ko at nakatitig sya sakin.
"Anak? Do you really need to do this? " malungkot nyang tanong.
"Mom i dont love anyone else, just brixx mom. Sorry. I really need to do this if thats the last choice. " pilit na ngisi ang pinakita ko. Di ko kayang ngumiti dahil alam kong mawawala sa tabi ko si brixx di ko alam kung kelan ako pwedeng umuwi.
Malungkot akong natapos at tahimik na kumain.
i really dont want to get married....
YOU ARE READING
A Deal With My Prince Charming
Teen FictionPaano nga ba kung masyado ng mahigpit ang mga magulang mo? Siguro mahal ka lang talaga nila. Siguro may problema lang sya na hindi nya sinasabi. Siguro ayaw nya lang na mapahamak ka. Siguro kapakanan mo lang ang iniisip nya. Puro siguro..... Paano n...