PROLOGUE

180 3 5
                                    

"Ahhhhhhh! Ayoko! Ayokong sumama sa inyo!" Humahagulgol na sigaw ni Aya. Hindi malaman ng mga nurse sa hospital kung paano nila pipigilan ang pagwawala nito. Tahimik lang ito kanina, ngunit nang dumating ang mga magulang nito bigla na lang itong nagwala. Kasalukuyan ginagamot ng mga nurse ang mga sugat at pasa nya sa kanyang buong katawan.

"Tumahimik ka babae! Nakakahiya ka! Tumayo ka dyan, iuuwi na kita sa ayaw at sa gusto mo!" Bulyaw dito ng lalaking nagpakilalang ama ng dalaga sabay hila dito. Umiiyak na nagpupumiglas ang dalaga. Pinipigilan naman ng mga nurse ang lalake. "Sir, hindi pa po tapos magamot ang anak niyo." Sabi ng head nurse na awang-awa sa kalagayan ni Aya."

"Hayaan nyo syang mamatay! Wala din namang kwenta ang babaeng yan!" Sabad ng babaeng nagpakilalang ina ni Aya. Nakihila-hila na din ito kay Aya. "Hindi po talaga pwede Mister at Misis. Kailangan po nating hintayin ang nag-admit sa kanya dito." Paliwanag ng head nurse. Iyak pa rin ng iyak si Aya.

"What's happening here?" Naguguluhang tanong ng kadadating lang na binata. Nasa hallway pa lang ito ay naririnig na nito ang sigawan kaya nagmamadali itong pumasok sa kwarto ng dalaga. Dumiretso ito kay Aya at agad niyakap. "Hush, sweetheart. It's alright. I won't let them hurt you again" Alo nito kay Aya. Gumanti naman ng yakap ang nanginginig sa takot na dalaga. "Ahh. Sir, gusto na po nilang ilabas si Ma'am." Sumenyas naman ang binata sa mga nurse na sya na ang bahala at lumabas na ang mga ito. "At sino kang pakielamero ka?!" Galit na tanong ng ama ni Aya sa binata. "Wala kang karapatang makielam kung ano man ang gusto kong gawin sa kanya dahil anak ko sya! Iuuwi ko na sya ngayon din!" Seryosong tumingin ang binata sa ama ni Aya.

"Anak? Wow! At nagagawa mo pa syang tawaging anak pagkatapos mong gawin sa kanya ito?!" Hindi makapaniwalang tanong ng binata. "Aba't! Gago ka huh?!" Galit na galit na bulyaw ng ama ni Aya. Akmang susuntukin nya ang binata ng sumigaw si Aya. "Wag! wag mo syang sasaktan papa!" Nabitin sa ere ang kamao ng may edad ng lalake.

"Aba't! Malandi ka talagang babae ka! Saang bar mo ba nasungkit ang lalakeng yan ha?!" Tanong ng ina ni Aya na kanina pa sinusuri ang lalake. "Hindi kayo bagay! Mas bagay sila Patrice!" Nag-uuyam na sabi ng ina na ang tinutukoy ay ang kapatid ni Aya.

Muling hinila ng ama nya si Aya ngunit pinigilan ito ng ngayon ay galit ng binata. "Wala kang karap---" Hindi na natapos ng matanda ang sasabihin ng muling sumigaw ang binata.

"I have all the right in the world because .......

SHE IS MY WIFE!"

 ___________

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon