Ten

64.3K 1.2K 61
                                    

Chapter 10
Tagaytay

"Let's party party....." Matuling sigaw ni Sosa sa gitna ng stage habang nagsasayaw. Mas malakas pa ata ang tili nito kesa sa maharot na tugtugin sa gitna ng dance floor.

Napapailing nalang ako habang napapasulyap sa kanya na todo ang hampas ng bewang. That's the real Sohaima, my friend. So witty and wild. Galing na din ako sa bulwagan at umindak na tulad niya, ng mapagod ay umupo na muna ako sa table namin.

I was frowning seeing my phone always beeping. Kanina pa kasi iyon nakakatanggap ng text at hindi rin iyon tumitigil sa kaka-ring. As I always did earlier, I avoid it always. Hindi pa kasi nawawala ang pagkainis at pagka disappoint ko sa nangyari kanina, kaya ayoko muna siyang kausapin.

Mag-isa akong umiinom ng biglang may narinig akong bulong bulungan sa kalapit table. Grupo iyon ng mga kababaihan na nakatingin sa akin at nag-uusap. May kutob ako na nakilala nila ako base sa mga tingin nila at reaction. And also I think they're taking any stolen pictures of mine kaya tumalikod ako sa kanila para walang distorbo. Nagpatuloy ako sa pag inom ng red wine, nakailang shot na ako pero wala paring Sosa na dumadating.

Sa pagkainip ay kumuha ako ng isang stick ng sigarilyo na dala ni Sosa at humithit. Uminom pa rin akong mag-isa. Well, hindi naman agad ako nalalasing pag ladies red wine lang ang alak ko. Ilang sandali ay tumayo ako para tumungo sa Cr. I feel like I'm a Lil bit tipsy but I still manage to walk as if I'm on the crowd for fashion shows.

I saw those women envy the beauty I have. And those man seems they eager to get my attention and anytime attack me. Their eyes show lust. Well, don't want to blame them. It's me, my fault why they're lusting over me. The extraordinary looks and exceptional beauty, with seductive clothes and curves that no one else can't ever resist. Thanks for my parent for creating me like I'm one of a perfect human being alive. Nang magsabog siguro ang diyos ng mga magagandang katangian ng isang babae ay ako siguro ang halos nangungunang sumalo sa lahat. Kaya siguro gahaman din ang pag-uugali ko kung minsan.

Nang matapos mag Cr at mag-retouch ng mukha ay lumabas na ako sa madilim na pasilyo patungong table namin ni Sosa. Taas noo akong naglalakad na para bang walang ibang nakikitang tao sa paligid.

"Ugh!" Napaigik ako ng tumama ako sa malapad na dibdib ng isang lalaki. "Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan m-" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng makilala yung taong iyon, kahit may kadiliman sa sulok na iyon ay alam kong siya iyon.

Hindi muna ito nagsalita bagkus ay pinasadahan lang niya ako mula ulo hanggang paa. His dark eyes are alarming my thoughts. Trouble. Parang bigla akong nanliit sa mga titig niya sakin. Makikita rin doon ang pagtitimpi ng galit niya.

"This.is.the.reason.why.not.answering.my.call!?" I gulp. Boses pa lang parang gusto ko ng kabahan.

"P-Paano mo nalamang nalamang nandito ako?" Nakataas kilay kong tanong sa kanya, with that expression I can hide what I really feel.

"That's not necessary to know now!" Malatimbre ang boses nito. "Why. you didn't answer my call? Huwag mo ubusin ang pasensya Red, huh!" Untag nito sa pananahimik ko.

"Why should I? Kung busy ka naman diba? Kaya nga hindi mo rin masagot-sagot ang tawag at text ko, right?" Nakita ko pang nag-igtingan ang mga panga nito sa sinagot ko.

"Then let's go and let us talk to a woman. Kung 'yan pala ang ikinagagalit mo rin sa akin ngayon." He grabs my arms and drags me out of the bar.

"L-Levi! Let me go. Ano ba! Maraming tao dito. You are making a scene! LEVI!" Pilit kong inaalis ang braso ko na hawak niya. But it is not working at all dahil sobrang higpit niyang makahawak.

Red's Affair [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon