Ang Manhid mo kasi! (one shot)

207 1 0
                                    

Josh POV

Bakit ba ang daming taong manhid sa mundo? ang nakakainis pa isa ang babaeng mahal ko sa mga taong manhid dito sa mundong ito. Kahit anong gawin kong pagpaparamdam sa kanya hindi niya pa rin makuha kung anong gusto kong iparating. Ano bang dapat kong gawin?

"Josh!!" may tumawag sakin na kaibigan ko.

Hindi ako sumagot pero binigyan ko lang sya ng "bakit-look".

"Sino yung kasama ni Dianne boyfriend nya ba yun?"

Napakunot ang noo ko, kasama ni Dianne? Boyfriend? Wala naman akong alam na may boyfriend si Dianne at wala rin naman syang nababanggit sakin ah. As far as I know I am the only special guy in her life except her family and relatives.

Sino kaya yung lalaking kasama ni Dianne? Baka naman pinsan lang. Pero wala naman akong ibang alam na pinsan niya na nag aaral dito bukod kay Dwayne.

"Oy tol !!ok ka lang?"

"ha??" ay anak ng teteng, may tao nga pala sa harap ko."Ano nga ulit yun?"

"Sabi ko kung boyfriend ba ni Dianne yung kasama nya kanina."pag uulit nya

"ah. .hindi ko alam eh. hindi ko pa sya nakikita.gueh"

Siguro naman alam nyo na kung sinong tinutukoy ko na mahal ko pero manhid.

Oh I forgot something she also SLOW.

------

Dianne POV

Halooo...ako nga pala si Dianne de Silva,pinsan ko si Dwayne de Silva at friend ko naman si Leslie Salcedo na bida doon sa first one shot story ni ms.author na Book Messages. (haha makapag promote naman.sorry pooo)

Nandito ako ngayon sa garden ng school namin kasama ko yung pinsan ko si Andy. Si Leslie at Aya lang ang nakakaalam na pinsan ko to at syempre pati si Dwayne.

"Insan " tawag ko kay Andy

“oh?”

“Bakit ka nandito? Wala ka bang class?” alam ko kasi may pasok ito ngayon eh.

“Meron” eh?

“Meron pala eh,bakit wala ka sa room nyo?” pasaway din ito eh. Sumbong kita kay tita eh!

“Ayoko tinatamad ako” wow ha, kakaiba talaga itong isang to.

“Ah insan may tatanong ako”

“hmmmm?”

"May nagustuhan ka na ba? I mean nainlove?" pagtatanong ko sa kanya

"Ahmm hindi pa, alam mo naman na hindi pa ko nagkakaron ng serious relationship diba?? " ay oo nga pala bakit nga ba sya pa yung tinanong ko.anubeyen.. Ay patay!!

"bakit mo natanung" tiningnan nya ko ng seryoso. Lagot!!! matanong pa naman ito pag nagtatanong ako sa kanya ng mga ganitong tungkol sa love (TT)

"ah wala naman (^_^)" hala mukhang alam na niya.patay na. Makaalis na lang kaya? Nagiging si Boy Abunda pa naman to.

"hey Dianne don't smile at me. I know there something bothers you."patay na talaga,pag yan nag english kailangan ko ng maging si Honesto.huhu Katakot kasi sya mag English, minsan hindi ko maintindihan hehe

"ah..eh ano kasi"sasabihin ko ba sakanya? dapat kasi hindi na ako nagtanung eh

"WHAT!!" ay tipaklong na nadapa!

“Ay wait lang naman!” grabe naman ito.kasi naman eh bakit kasi natakbo sa isip ko si………

“DIANNE!!”

Ang Manhid mo kasi! (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon