PROLOGUE

13.5K 191 13
                                    

"Please Zach! Wag! You can't do this to me! Magkaka-anak na tayo." Pagmamakaawa ko sa aking asawa habang umiiyak pero imbis na maawa ito sa sa akin ay tinapunan lamang ako nito ng tingin na puno ng PAGKADIRI at PAGKAMUHI. Napakasakit ng mga titig nya sa akin, tagos na tagos ito sa puso ko. Kailan pa kaya nya ako matitignan na puno ng pagmamahal at pag-aalaga?

"Hindi ko iyan anak! Ilang ulit ko bang dapat sabihin sayo na, HINDI KO MATATANGGAP ANG BATANG IYAN DAHIL HINDI.KO.YAN.ANAK! Anak mo iyan sa lalaki mo. Kaya pwedi ba? Lumayas ka na sa pamamahay ko! Nakakadiri ka!" Matigas nitong sabi sa akin na mas lalong nakapag wasak ng aking puso. Lahat ng sinabi nya ay pawang kasinungalingan lamang, kailan ba nya matatanggap na sa kanya ang batang nasa sinapupunan ko. Masakit na marinig para sa isang ina na ang anak mo ay di kinikilala ng kanyang ama.

"Wala akong ibang lalaki Zach! Ikaw lang ang nag-iisang lalaki sa buhay ko, kailan man ay di kita niloko. Anak mo ito Zach! Ilang ulit ko bang dapat sabihin sayo Zach na anak NATIN ito? Nagmamakaawa ako sayo Zach maniwala ka naman sa akin." Kulang nalang ay lumuhod ako sa harapan nya upang paniwalaan nya ako, tuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko tila wala na itong katapusan sa pag-agos. Bakit ba kasi ayaw nyang maniwala sa akin? Walong buwan ko ng dinadala ang Baby NAMIN pero ni minsan ay di nya pinakita at pinaramdam sa AMIN  na mahalaga kami sa kanya, para lang kaming basura sa paningin nya. Sa buong pagsasama namin ay naging tapat ako sa kanya. Ano pa ba ang kulang? Hindi pa ba sapat ang lahat ng ginawa ko para sa kanya para lang maramdaman niya nya na mahal na mahal ko sya at di ko makakayanang lokohin sya? Nanlalambot na ang mga tuhod ko dahil sa sobrang kalungkutan at pagod kaya napaluhod nalang ako sa harapan nya, hinawakan ko ang kanyang mainit at malalambot na mga kamay tsaka muling mahinang nagmakaawa sa kanya.

"Please Zach let me stay? I love you, I love you so much Zach." Wala na akong lakas para makipag-argumento pa sa kanya. Mahal ko si Zach kaya kahit na ipagtabuyan pa nya ako ng pa ulit-ulit ay di pa rin ako aalis sa tabi nya. Di ko sya kayang iwanan, di ko makakayanang iwanan sya. Malamig lamang nya akong tinitigan pero kahit gayunpaman ay di pa rin ako nagpatinag sa mga titig nya. Ngumiti ako ng mapait sa kanya saka muling nagsalita.

"Okay lang sakin kahit na dalhin mo pa dito ang mga napakaraming babae mo kahit na magdamag pa kayong matulog doon sa kwarto natin at okay lang sakin na marinig ko ang mga ungol nyo kahit na masakit titiisin ko, hindi ko kayo gagambalain. Gagawin ko ang lahat ng iuutos at gugustuhin mo Zach, just please let me stay and love you until the day that I die. I love you Zach until very last breathe." Niyakap ko na sya para malaman nya na andito lang ako palagi para sa kanya na kahit na saktan man nya ako ng pa ulit-ulit ay mamahalin ko pa rin sya at  di iiwanan. Bahala na kung di nya makakayang suklian ang pagmamahal ko sa kanya, as long as Im with him, I wouldn't care that much. Call me martyr but damn! Im so crazily inlove with this man.

Pero nabigla nalang ako ng marahan nya akong tinulak at sinampal ng pagka lakas-lakas. Napahawak nalang ako sa aking pisngi sa sobrang gulat. Di ko aakalaing magagawa nya akong pagbuhatan ng kamay. Di pa rin marehistro sa utak ko ang ginawa nya, nababakas ko rin sa mukha nya ang pagkagulat akmang lalapitan na sana nya ako pero napa atras ako natatakot akong saktan nya akong muli ng pisikal lalo na't may bata akong dinadala, napahawak nalang ako sa tyan ko habang umiiling sa kanya.

"Bakit Zach?" Mapait na tanong ko sa kanya. Bakit mo iyon nakayanang gawin sa akin Zach? Ito pa lang ang unang pagkakataon na pinagbuhatan nya ako ng kamay pero ng makabawi sa pagkagulat si Zach ay aagad nya akong nilapitan at mariin na hinawakan ang aking panga saka sinabi ang mga salitang tuluyang nakapag-wasak ng aking puso.

"HINDI KITA MAHAL! KAILANMAN AY HINDI KITA MINAHAL! PINAKASALAN LANG KITA DAHIL NAKIUSAP ANG MGA MAGULANG KO NA PAKASALAN KA PARA MAISALBA ANG NALULUBOG NAMING KOMPANYA KAYA NGAYON NA NAKABANGON NA ANG KOMPANYA NAMIN AY DI NA KITA KAILANGAN AT WALA KA NG PAKINABANG SA AKIN. AT YANG BATA HINDI IYAN AKIN AT KAILANMAN AY DI KO MATATANGGAP IYANG BATANG IYAN! WALA AKONG PAKIALAMAN SAYO AT HINDI KITA MAHAL! KAYA LUMAYAS KA NA SA PAMAMAHAY KO! LAYAS! BAGO PA KITA MASAKTAN AT MAPATAY IYANG BATANG IYAN SA SINAPUPUNAN MO!" Nakasigaw nyang sabi sa akin tsaka nya marahan na binitiwan ang panga ko. Wala ng mas sasakit pa sa mga nalaman ko. At ang pagbantaan ang anak ko? Ang anak namin? Paano nya iyon nasisikmura? Ang sakit ng mga nalaman ko so all along ay para lang pala sa kompanya nila ang rason kung bakit nya ako pinakasalan. Kaya pala hindi talaga ako nakaramdam ng pagmamahal sa kanya. Ginawa nya rin lang ba akong parausan? Ang sakit-sakit na ng nararamdaman ko parang anytimr ay hihimatayin na ako. Napaka wala nyang puso pati ang inosenteng bata ay dinadamay nya sa kasamaan nya. Para sa baby ay aalis na muna ako pero babalik rin ako kapag ayos na ang lahat. Pero magiging ayos pa nga ba ito?

Pinahid ko ang luha ko na patuloy pa rin sa pag-agos tsaka ako naglakad palapit sa kanyavat binigyan sya ng isang huling halik sa labi, mariin akong napapikit ng maglapat ang mga labi namin. Gusto ko syang yakapin at hagkan pa ng mas matagal pero kailangan ko ng umalis ayokong madamay ang bata. Naglakad na ako papunta sa pintuan pero bago ko ito tuluyang mabuksan ay ay tinapunan ko muna sya ng isang tingin na puno ng pagmamahal.

"I'll be back—" Naputol ang sasabihin ko ng bigla syang nagsalita na syang ikinaguho ng mundo ko.

"Don't you ever comeback. Janna and I will be having a baby, OUR Baby. So please pabayaan mo na kaming maging masaya." My whole world shuttered into pieces upon hearing those words. Fvck! Bakit? Sa dinamidami ng babae pwedi nyang buntisin, bakit ang bestfriend ko pa? Why her, why Janna? P*ta sila! Mga traydor!

Unti-unti ng namumuo ang tinding galit sa puso ko, ang pagmamahal ko kay Zach ay napalitan na ng pagkamuhi. I stared at him with full of hatred and anger.

"YOU'LL PAY FOR WHAT YOU DID ZACH! PAGSISIHAN MO ANG LAHAT! TANDAAN MO YAN!" I said furiosly and ran out of the house. I immediately turned on the engine of my car at dali-dali itong pinahuhurot palayo sa mala-impyernong bahay na iyon. Gusto ko mang patigilin ang mga luha ko pero parang wala na itong katapusan sa pag-agos, hanggang sa may bumusina ng malakas at kasabay nun ang pagsalpok sa akin ng isang sasakyan.

"My baby." Sabi ko saka tuluyang nawalan ng malay.

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at agad na bumungad sa akin ang nakakasilaw na liwanag. Ng tuluyan ng maging malinaw ang paningin ko ay agad kong inilibot ang buong paningin ko sa kwarto, nakita ko naman ang papalapit kong kapatid. Babangon na sana ako pero agad na sumakit ang ulo ko, nang hawakan ko ito ay saka ko lang napagtanto na may benda pala ito at may dextrose rin na nakasabit sa kamay ko.

"Ate? May masakit ba sa iyo? Teka lang! Tatawag muna ako ng Doctor. Doc—" Agad kong hinawakan ang kamay nya dahilan upang matigilan ito.

"Anong nangyari?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Bakit ako nasa hospital? Tinignan nya ako ng puno ng pagkaawa.

"Na ak--sidente ka Ate." Malungkot at nahihiripang sabi nito sa akin. Pero huh? Anong aksidente? Sa pagkaka alala ko ay— Napahawak nalang ako sa tyan ko ng maala ko ang nangyari, nabangga ako kanina dahil sa nanlalabo na ang paningin ko sa kaka-iyak at ang baby, No! Hindi pweding mawala ang baby ko. Mawala na ang lahat sa akin wag lang ang baby ko. Diyos ko maawa kayo sa akin, wag ang baby ko.

"Where is my baby Zee? Tell me! Okay lang sya diba?" Nanghihinang tanong ko sa kapatid ko. Sana sabihin nya sa akin na ayos lang ang baby ko at bu—hay ito. Di ko kakayanin kapag nawala ang anghel ko.

"A–ate ma–matulog ka na mu–muna."

"ZEPHANIAH CATHLEYA SCHWERTZ! TELL ME NOW!" Napaigtad naman ito sa biglaang pagsigaw ko saka ito nagsimulang umiyak.

"Sorry Ate but the baby is—"

"NO! HE CAN'T BE DEAD! MY BABY TRISTAN CAN'T BE DEAD! KASALANAN NILANG LAHAT TO! MAGBABAYAD KA ZACH! MAGBABAYAD KA!" Naiyukom ko ang mga kamao ko dahil sa galit. Gusto kong magwala at manakit ng tao, halo-halo ang nararamdaman ko sakit, galit at poot. Marahan kong pinahid ang mga luha ko. This will be my last tears, this will be the last day of the WEAK Cassandra cause...

"I'll be back with VENGEANCE."

The Revenge of the Martyr WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon