CHAPTER THREE

6.5K 138 3
                                    

NAALIMPUNGUTAN ako ng may naramdaman akong kumikiliti sa paa ko at may humahalik sa akin sa pisngi kung kaya't napamulat nalang ako at agad na tumambad sa akin ang nakangising mukha ng dalawang lalaki na mahalaga sa buhay ko, Si Angelo at Kendrick.

"Good Morning!" Masiglang bati nila sa akin. Agad naman akong dinamba ng yakap ni Angelo kaya napangiti nalang ako.

"Good Morning too Baby." Nakangiting tugon ko sabay halik sa pisngi nito.

"Ako ba? Wala ba akong kiss?" Nakangusong sabi ni Kendrick kaya napatawa nalang ako. Ayan na naman kasi sya sa pato pose nya.

"No Daddy! Wala ka pong kiss kay Mama. Bleehhh!" Cute na sabi ni Angelo saka binelatan si Kendrick.

"Ah ganun pala ha! Tickle Attack!"

"WAAHHH! MAMA! PROTECT ME FROM DADDY, THE UGLY TICKLE MONSTER!" Napatawa nalang ako sa kakulitan ng dalawang ito. Tuwing umaga talaga ay laging napapasaya ng dalawang to ang gising ko. Natatawa nalang ako ngayon ng makita ko na baliktad na ang nangyayari sa dalawa, Si Angelo na ngayon ang kumikiliti kay Kendrick.

Nakangiti ko silang pinagmamasdan habang inaayos ang magulo kong bulok patuloy parin sila sa pagkukulitan hanggang sa pumasok ang kapatid ko.

"Itigil nyo na yan. Kakain na tayo, Gelo! I cooked your favorite food." Agad namang napalingon si Angelo sa pintuan at tumakbo papunta roon.

"Really Mommy?" Cute na tanong nito kay Zee.

"Yup! Kaya let's eat na." Masiglang sabi nito sa Bata.

"Yeheyyyyy! Daddy carry me. Tamad po ako mag walk." Natawa nalang ako sa katamarang taglay ni Angelo. Ewan ko ba kung saan nagmana ito pero masasabi ko talaga na napaka talino ni Angelo.

"No Baby. Tinatamad rin akong buhatin ka. Ang bigat mo na eh!" Isa pa tong si Kendrick. Tamad rin Haha.

"Pleaseeeee!" Napangiti nalang ako ng bumagsak ang balikat ni Kendrick na para bang natalo sa pustuhan at nakasimangot na kinarga si Angelo at lumabas na sa silid ko. Kahit kailan talaga di talaga matitiis nitong si Kendrick si Angelo. Nang tuluyan ng maka alis ang dalawa ay agad namang nagsalita ang kapatid ko.

"Ate kailan pa ba natin sasabihin kay Angelo ang totoo?" Napatigil naman ako sa pag-aayos ng kama sa tanong nito.

"He doesn't need to know Zee." Malamig kong sabi sa kanya.

"But Ate—" I immediately cut her off.

"No more buts Zee. This is also for Angelo's sake." Malamig kong sabi rito. At agad na dumiretso sa banyo, I don't wan't to argue with her about this matter again, Im sure mauuwi lang sa pag-aaway ito. Kaya mas makakabuti kung iiwasan ko nalang ang issue nato.

Agad akong naghilamos at nag toothbrush pagkatapos ay nagbihis na. Paglabas ko galing sa banyo ay wala na ang kapatid ko. Kaya agad akong pumunta sa kusina.

Nadatnan ko naman ang tatlo na nagkukulitan. Napadako nalang ang tingin ko kay Angelo na masayang nakikipagtawanan nina Zee at Kendrick. Makita ko lang na masaya si Angelo ay masaya na rin ako kaya mas makakabuti kong di na nito malaman ang totoo masasaktan lamang ito kapag nalaman nya ang lahat at ayokong kamuhian nya kami at mas lalong ayokong makita itong nalulungkot at umiiyak.

"Mama? Come join us. Mommy also cooked your favorite food." Nakangiting sabi nito sa akin saka ako hinila sa tabi nya. Pagkaupo ko ay agad namang nagsalita si Kendrick.

"Nga pala Thea, wala ka bang trabaho ngayon?" Nagtatakang tanong nito sa akin.

"Wala. Nag leave muna ako for 2days Rick. Gusto ko munang ipasyal si Angelo." Nakangiting sagot ko sa kanya.

"Talaga Mama? Ipapamasyal mo ko? Mag de-date tayo?" Nakangiting tumango ako kay Angelo.

"Yeheyyy! Mamasyal kami ni Mama." Masiglang sabi nito.

"Kaya kumain ka riyan ng marami Gelo, para matuloy ang pamamasyal nyo ni Mama mo." Sabi ni Zee kaya agad namang maganang kumain si Angelo.

"Mama *chump~chump* sa*chump*sama po ba sila *chump~chump*  Daddy at Mommy sa atin?" Sabi nito habang puno ng pagkain ang bibig nya.

"Don't talk when your mouth is full Baby. That's bad." Pangaral ko sa kanya. Kaya agad naman nyang ininom ang gatas nya tsaka nagsalita.

"Sorry po Mama." Hinging paumanhin nito.

"It's okay Baby, just don't do it again, okay?"

"Yes po Mama."

"About what you've asked awhile ago Baby. It depends on your Mommy and Daddy kung sasama sila." Nakangiting sagot ko kaya agad naman syang napabaling kina Kendrick at Zee.

"Mommy? Daddy? Sasama po ba kayo?" Cute na tanong nito sa dalawa.

"Gusto mo bang sumama kami Baby? Would you be happy kapag sumama kami? Cause Mommy can cancel all her appointments just to make you happy."

"Same here with Daddy Baby."

Kahit kailan talaga itong dalawang to, di talaga kayang tiisin itong si Angelo. Mahal na mahal talaga nila itong bata kasi kahit na gaano pa ka importante ang appointments nito ay kaya nila itong e cancel para lang sa ikasasaya ng bata.

"Opo Daddy and Mommy! I'll be happy if all of us will be together." Masayang sabi nito. Kaya napangiti nalang kaming tatlo sa kanya. We would do anything just to give Angelo his happiness.

Natapos na kaming kumain kaya ako na ang nag presinta na maghugas habang si Kendrick naman ay inaayosan na si Angelo dahil nga mamasyal kami ngayon.

"Uhmm. Ate?" Napabaling naman agad ang tingin ko kay Zee na nakasandal na umiinom ng tubig sa kitchen counter pero tinignan ko lang ito saka nagbalik sa paghuhugas. I heard her sigh kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Sorry Ate." Nakayukong sabi nito.

"It's okay Zee. Lets just not talk about that matter anymore. Just please?" Mahinahong sabi ko sa kanya, napabuntong hininga nalang ito saka tumango.

"Magbihis ka na. Lalakad na rin tayo pagkatapos ko ditong maghugas." Tumango naman ito saka umalis na.

Saktong pagkatapos kong maghugas ay ang pagbaba ng tatlo. Pereho pang naka shades ang tatlo kaya napatawa nalang ako hitsura nila ang cute kasi nilang tignan at saka napansin ko pa na pareho pala kaming suot apat kaya mas lalong napatawa ako.

"Mama! Mag shades ka rin para same tayo lahat." Sabi nito saka inilahad sa akin ang isang shades kaya naman ay agad ko itong tinanggap at sinuot. Ngayon ay pareha na talaga kaming apat ng suot parang kung saang contest kami sasayaw kasi terno talaga kaming lahat, nakasanayan na rin kasi naming apat na sa tuwing mamasyal ay magkapareho kami ng suot.

"Saan po tayo mamasyal Mama?"

"Saan mo ba gusto Baby?"

"Sa dati pa rin po Mama." Nagtatalon-talong sabi nito. Napailing nalang ako sa kakulitan nito.

"Okay then. So let's go." Nakangiting sagot ko.

Pumasok na kaming lahat sa kotse, si Kendrick ang driver at ako naman ang nasa shotgun seat habang ang dalawa ay nasa likuran. Nang nagsimula ng paandarin ni Kendrick ang sasakyan ay agad naman kaming naghiyawan na parang baliw saka nagtawanan ng sabay.

Sana ganito nalang kami lagi, yung laging masaya na tila walang pinoproblema but di lahat ng bagay ay permanente kaya habang andyan pa ang isang bagay na nagpapasaya sayo ay dapat luboslubusin mo na ito kasi di natin malalaman kong kailan ito mawawala. Nothing stays forever cause only CHANGE is constant in this world. Susulitin ko muna ang dalawang araw na kasama ko si Angelo kasi alam ko na pagkatapos nito ay kailan ko ng harapin ang lahat.

TO BE CONTINUED...

The Revenge of the Martyr WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon