Si Miandra ay isang babaeng hindi kapansin-pansin sa kanilang lugar dahil sa siya ay "manang" kung manamit at may mga tigyawat sa mukha.
Araw-araw siya ay hinuhusgahan ng mga tao dahil sa kanyang kalagayan pero hindi niya ito pinapansin dahil sa siya ay may tiwala sa kanyang sarili na kahit anong sabihin ng iba, siya ay siya.
Isang pinagmamalaki ni Miandra sa lahat ay ang kanyang angking talento sa musika, siya ay magaling sa pagtutog ng mga instrumento at sa pagkanta.
Sa pagmamahal ni Miandra sa musika ginagawa niya ang lahat kahit na hindi siya gaano kaganda basta may magawa siya sa kanyang hilig, siya ay umaalay ng mga kanta sa Diyos ng Musika na si Apollo.
Sa halos palagi niyang pag-aalay kay Apollo may palagi rin siyang nakikitang lalake na kanyang kinahinumalingan dahil na rin sa angking galing at kagwapuhan nito ngunit hindi siya kilala nito.
Si Miandra ay naging malungkot dahil hindi siya napapansin ng lalakeng kanyang gusto kaya umalay siya sa Diyosa ng Kagandahan at Pag-ibig na si Aphrodite, iniisip niya na ito ay pagiging desperada ngunit gusto talaga niyang mapansin ng lalakeng kanyang gusto hingid sa kaalaman ni Miandra si Eros ang lalakeng kanyang gusto ay may pagkahumaling rin sakanya dahil sa angking talento nito at ganda, ang alam ni Eros ay sa likod ng matigyawat na mukha ni Miandra ay isang napakagandang babae, nagustuhan ni Eros si Miandra simula nang ito'y umalay kay Apollo ng isang kanta siya ay nakinig sa kanta ni Miandra at simula noon halos palagi na siyang pumunta sa templo ni Apollo para lang mapakinggan at Makita si Miandra.
Si Eros ay desperado rin para makilala siya ni Miandra kaya umalay siya kay Aphrodite, sa araw rin nayon ay umaalay si Miandra kay Aphrodite.
Narinig ni Aphrodite ang hiling ng puso ng dalawang tao kaya siya ay gumawa ng paraan para rito, siya ay humingi ng tulong sa diyos ng musika na si Apollo dahil alam ni Aphrodite na ang musika ang hilig ng dalawang taong ito.
Itinupad ni Aphrodite ang hiling ni Miandra. Sa mga nagdaang araw ay unti-unting naging makinis ang mukha ni Miandra at labis niya itong ikinagalak, siya ay lubos na nagpapasalamat sa ginawa ni Aphrodite ang pagtupad ng kanyang isang hiling siya ay pumunta sa templo ni Aphrodite at nag-alay ng mansanas at iba pang prutas, pagkatapos ay dumeretso siya sa templo ni Apollo para umalay ng kanta para sa kanyang pangarap na gusto niyang matupad ang pagiging isang sikat na mang awit.
Sa pagpunta niya dun at nakasalubong niya si Eros at sila ay nagkabanggaan "Paumanhin, Miand--'' sabi ni Eros "Paano mo nalaman ang aking pangalan?" tanong ni Miandra, hindi alam ni Eros ang sasabihin kaya naisip niya na ito na ang pagkakataong binigay ni Aphrodite sakanya napansin rin ni Eros ang pagiging maganda ni Miandra dahil sa pagkawala ng tigyawat nito, "Dahil palagi kitang napapansin kapag pumupunta ka rito dahil na rin sa napakagandang boses mo" sagot ni Eros, si Miandra naman ay labis na kinilig dahil sa naging sagot ni Eros sakanya.
Simula nung engkwentro nila Miandra at Eros ay lagi na silang nagkakasama sabay na silang umaalay ng kanta kay Apollo hanggang sa isang araw ay may nakarinig sakanilang kumakanta kaya sila ay kinuha nito para sa isang kasiyahan upang kumanta simula rin noon ang naging sikat silang dalawa bilang magkapareha sa musika, unti-unting umibig sila sa isa't-isa at sa isang araw ang nagkaaminan na sila at umabot na sila ng taon at nagpakasal; napapansin na rin si Miandra ng mga tao dahil na rin sa kagandahan at pagiging sikat nito.
Sila Miandra at Eros ngayon ay lubos na minamahal ang isa't-isa at hindi pa rin nila nakakalimutan ang pagpapasalamat sa Diyosa ng Kagandahan at Pag-ibig na si Aphrodite at sa Diyos ng Musika na si Apollo na tumulong sa kanilang hilig sa musika at tinupad ang pangarap ng isa't isa.
BINABASA MO ANG
Musika at Pag-ibig (One Shot Story)
Short StoryLove made by Aphrodite and Apollo Just a random story. actually assignment ko to. Publish ko lang.