Noong ako'y bata pa

16 0 0
                                    

"Uy.. Tara.. Tara na.. Tara na laro na tayo." pabulong akong gumigising sa kapatid ko kasi lalabas na kami para maglaro. Tatakas kami kay mama na mahimbing nang natutulog.
Ganun kami tuwing hapon. Papatulugin kami ni mama pero hinihintay lang namin syang maunang matulog tapos sisibat kami para makalaro sa labas.
"Uy.... " nakita kong padilat dilat ung kapatid ko. Tinitignan kung tulog na ba talaga si mama. Babangon na sya sabay biglang pikit ulit ng mata. "Hala... Uy.. " pabulong ko pa nang *PAAAAAK! Naalog na ata utak ko. Ang lakas nun ah! Pag tingin ko, si mama pala! Sinabutan pa ko pababa ng kama tsaka ako pinagsisigawan.
"Natutulog yung kapatid mo ginigising mo pa ha!!! " Naiiyak nalang ako sa sakit. Sumilip ako sa kapatid ko, nakita ko syang nakadilat. Biglang pumikit ulit sa takot na makita ni mama. Pinaakyat ako ni mama sa taas. Dun lang ako hanggang maggabe. Nasabi ko nalang, "yan kase nagpahuli ka tanga! "

May isang gabi pa nga na hindi ko na maalala kung anong ginawa ko pero pinalabas ako ni mama ng bahay. Dun lang ako sa labas ng gate namin habang naulan. Umiiyak ako kasi ako lang yung pinarusahan. Basta ang alam ko dalawa kami nun dapat. Di ko na matandaan kung yung ate ko ba o yung isa ko pang kapatid na mas bata, yung sumunod saken.
Habang umiiyak ako sa labas nakisabay naman ung langit. Umiyak din. Umuulan nun pero di ako pinapasok ng bahay. Dumaan yung kapitbahay namin. Yung lolo-lolohan namin. Nagtanong, "o ang lakas ng ulan ba't nanjan ka? Basa ka na! " napatingin lang ako sa kanya. Nahiya akong sumagot. Tsaka di ako makapagsalita kasi pinipigilan ko yung iyak ko. Sabi nya nalang, "pumasok ka na sa bahay nyo. Magkakasakit ka nyan." sabay tuloy ng lakad palagpas sa akin.
Di ko na matandaan kung anong oras na ako pinapasok nun.

Marami pa pero di ko na maalala. Mga kapilyuhan ko nun. Mga katangahan ko. Na pag minamalas ako lang. Ako lang ang napaparusahan. Naisip ko na lang na hindi lang nila alam kung ano ba talaga nangyare. Kung sino ba talaga may kasalanan. Ayoko din kasi kapag pinapalo mga kapatid ko. Mas masakit. Mas nasasaktan ako dun. Kaya ako na lang. Totoo. Seryoso. Mas gusto kong ako lang masasaktan kapag nagkakasumbungan na. Kase minsan nakakaya kong tumawa nalang kahit puro pasa na ako.
Yun ngang sinuwerte kaming tatlo na nahataw ng mama ko. Tinignan ko ung dalawa kong kapatid, namimilipit sa sakit. Humahagulgol. Tumawa ako. Tumawa ako ng malakas. Tinawanan ko sila. Di ako umiyak. Pinakita ko sa kanila na nakakatawa kase ang kukulit namin e. Ayan tuloy nahataw kami. Nung nakita nila akong tumatawa, napangiti sila. Nagtawanan kaming tatlo. Ang saya lang! Napatawa ko sila nung humahagulgol na sila sa sakit. Ang saya saya nun. Tawa kami ng tawa. Nag asaran kami. Palakihan tsaka paramihan ng pasa. Hahahahaha! Hays. Alaala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just a StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon