Nag-party si Ara at ang kaniyang mga kaibigan na sina Steffano, Julianne, at Tanya, sa black hole. Isa itong bar na para lang sa mga mayayaman, mapera, angat sa buhay, sikat kasi itong bar na ito. Hindi lang siya bar na pangparty party may mga activities din dito kagaya ng;
May itatanong sayo syempre yung related dun sa inaaral mo. Pag nasagot mo yung isang tanong na yun may free ka lahat ng gawin mo, uminom ng walang bayad o mag karaoke bar ng libre lang.
Nagpaparty si ara dahil tapos na ang final exam nila sa law nag sasaya lang sila kasi nawala ang saya nila noong nag start na silang mag review, anong oras na natutulog kasi may kailangan pang gawin. Aantayin ko na lang kung papasa ba ako o hindi, kung oo edi graduating na ako ngayon kung hindi edi another 1 year ulit.
Nakakailang ulit na ako sa pagaaral ng law pero hanggang ngayon hindi ko pa din siya natatapos, una sa lahat napaka hirap, pangalawa nawawalan ako ng gana tapusin ito kasi walang sumusuporta sa akin.
Kinuha niya ang korsong abogado kasi gusto ng nanay niya, gusto niya din naman. Abogado kasi si mommy gusto niya lang ipagpatuloy ang naiwan ni mommy.
Namatay si mommy sa car accident sa italy. Nabunggo ito ng truck, nagdere-deretso kasi ang truck kahit naka stop light pa ito, sabi nila lasing daw ang nagmamaneho ng truck. 3 years old ako ng mamatay si mommy so wala talaga akong kamuwang-muwang nun, may balak pang itago ni daddy na namatay na pala si mommy. Grabe ang iyak ko nun kai unang una si mommy lang ang lagi kong kasundo. Busy kasi lagi si daddy kaya wala siyang time para sa amin ni mommy lagi syang nasa opisina, kung wala naman sa opisina nasa italy siya para asikasuhin naman ang naiwang kompanya namin dun.
Kaya niya kinuha ang pagiging abogado kasi may gusto siyang patunayan sa mundong ito. Although ayaw ng daddy niya na maging abogado siya pinilit pa din niya ito kahit sinabi pa nito na wag kong asahan na susuportahan ako nito.
Kaya siguro paulit ulit akong bumabalik sa pag-aaral ko sa law. Pero ngayon seseryosohin ko na yung pag-aaral ko, kung hindi ako kayang suportahan ng daddy ko iisipin ko na lang na andiyan si mommy para suportahan ako.Hindi ko napansin na may tumulo na pala na luha sa pisngi ko. Kahit sabihin ko na okay lang ako, dep inside hindi talaga ako okay. Masakit pa din hanggang ngayon ang pagkawala ng mom ko, isama mo pa na sariling mong ama hindi matanggap yung kagustuhan mong sumaya.
Wala akong kapatid kaya kapag iiyak ako lagi lang akong pumupunta sa bahay ni Steff, boy bestfriend ko. Lagi siyang andiyan kapag sobrang lungkot ko.
I will be the heir to Moretti's Million Dollar Wealth, my father. Ito ang isa mga ayaw niyang marinig yung tawagin siyang Heir. Masakit sa tenga.
Nasa kalagitnaan ng pagsasaya si Ara na biglang may humawak sa braso niya ng makilala kung sino yun pinagbagsakan siya ng langit at lupa. Isa ito sa mga bodyguard ng daddy niya so ibig sabihin nito nandito din ang daddy niya.
Nagpupumiglas siya at pilit na kinukuha ang braso dito. Nang biglang dumating ang daddy niya.
"Stop the music!" Sigaw nito. Dahil kilala ang tatay niya dahil sa pagiging milyonaryo agad huminto ang tugtug, hiyang hiya na siya dahil halos lahat ng tao na nasa loob ng bar ay nakatingin na sa kaniya.
"I will go. Hindi niyo na kailangan pang kaladkarin ako." Pagpigil nito sa isang tauhan ni daddy na patungo sa direksyon niya.
Gusto kong kainin na ako ng lupa dahil sa sobrang kahihiyan. Nasa unahan ang daddy ko at nakasunod ako dito habang ang mga tauhan nito ay nasa likod lang namin.
Nang makarating sila ng daddy niya sa mansiyon agad itong binungangaan ng daddy niya ng kung ano-ano, kesyo daw ganito, ganiyan.
Pinipigilan ni Ara na wag umiyak dito sa harapan ng daddy niya. Nilulunok niya lang lagi ang nakabara sa lalamunan niya.
YOU ARE READING
BASTARD SERIES 2: Hessandro Pharris
Документальная прозаIn his life everything around him has a use and purpose. Hessandro got everything, wealth, money, and a huge mansion that anyone would dream of. Girls fall at his feet. Women will do everything to get his attention. But no woman had ever succeeded...