L - Seven Years

52 1 0
                                    

Seven years...

and another seven years...

We've known each other for fourteen years...

Then I met her again.. For the first time, after what happened seven years ago...

***

[Fourteen Years Ago]

"Class, 'wag malikot. Sige na, upo na oh! Oh, look at Charlie, he is sitting quietly, gayahin niyo siya, good boy siya." sabi ni teacher habang ang mga classmates ko ay nagtatakbuhan. Hm. Bakit kaya ganoon? Ang ingay nila. Ayoko mag-ingay. Mapapagalitan ako ni teacher.

"Tsk, ayan tuloy, nadapa ka, Camellia! Sige na oh, sit down na, you will introduce and tell your classmates your name." saway ulit ni teacher.

"Since ikaw ang huli umupo, you go first, Camellia!"

"Ehhh teacher! Hindi na po ako lilikot!" reklamo nung bago kong classmate. She's pretty! Kaso maingay siya. Pero pretty parin siya.

"No! You go first! Sige na oh." huminga ng malalim yung girl at tumapak ng pagalit.

"Ako si Camellia Lazaro!" sabi niya ng naka-angry face pero nag-smile siya bigla. Ang galing! Pabago-bago siya ng face. Pretty parin siya. Crush ko na siya! Sabi ng mama ko, pag hinahangaan ko daw ang isang tao, ibig sabihin, crush ko daw yun! Kaso dapat daw magka-crush lang daw ako sa girls.

"What do you want your classmates to call you?" tanong ni teacher.

"Uhm... Lia! Lia lang! Bawal Camellia! Ayaw ko!" tinuro niya kami. "Why, Lia?" tanong ni teacher pero nag-sit lang si Lia. "Okay, next! Ikaw naman Charlie." tumayo ako at tumabi kay teacher sa unahan. "A-Ako si Charlie Bernardo!" sabi ko.

"Ate mo ba si Kathryn Bernardo? Yung sa Super Inggo?" tanong ng isa kong boy classmate.

"Hindi! Malamang! Hindi kaya sila magkamukha! Panget siya, tapos si Kathryn maganda!" biglang sagot ni Lia. Bad siya. Pero crush ko parin siya.

"Shh, quiet! Lia, bad yun! 'Wag mo awayin classmate mo."

"Hindi ko po siya inaaway. Nagsasabi naman po ako ng totoo!" napatungo ako dahil sa sinabi niya. Pero napatingin ulit ako nung tumawa siya. "Joke lang! Sorry Charlie!" ngumiti siya sa akin. "Yan! Tama yan, Lia! Now, Charlie, what's your nickname?" tanong sakin ni teacher kaya tumingin ako kay crush at ngumiti.

"Carl... po..."

***

[Eleven Years Ago]

"Carl, teka! Samahan mo ako!" pigil sa akin ni Lia habang humihingal pa. Napatingala ako dahil mas matangkad siya sa akin. "Bibili ka sa canteen?" tanong ko. Tumawa siya. "Malamang! Anong gagawin ko don, tatambay?" pambabara niya. "Yun naman ang lagi mong ginagawa doon." umirap siya.

"Duh! Eh kasi may baon ako, tsaka nadaan lagi doon yung crush ko!" napasimangot ako. Tss.

"Wala ka bang baon ngayon?" tanong ko ulit. Pakiramdam ko babarahin na naman niya ako. "Meron, pero gusto ko makita crush ko." hindi pala.

"Edi ang isama mo ay sina Yna. Para naman may kasama kang sumigaw." sagot ko.

Lagi nalang siyang 'crush ko, crush ko!'. Tapos sa akin pa nalapit. Hindi ba niya naiisip na pwedeng walang pake ang ibang mga lalaki sa crush nila? Well, ako naman ay may pake. Malamang, crush ko 'tong babaeng ito eh, kahit na siya ang pinaka-maingay na babaeng nakikala ko. Matalino at mabait naman siya kaya okay lang. Dakilang mambabara lang talaga.

LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon