Status: Single...for girls only

79 0 0
                                    

Single ka ba? By choice or by chance?

Weh? by choice daw oh. hashtagEchoseranhFrog. ^_^

Nagsurvey ako kahapon sa buong mundo at natuklasan ko na 3 out 10 ang single. Hindi ko na kasi sinali yung mga single daw pero may kaflingfling naman. Mga echoserang frog sila. Hindi daw sila pero naghoholding hands, nagkikilitian, nagsusubuan ng popcorn, etc. Fine. Buhay nila yon so ano bang pinaglalaban ko?

Wala...kasi...joke lang naman yung survey ko. I know you know. Smart kid! ^_^

"Porke Single pangit na, di ba pwedeng choosy lang?"

Ganyan tayong mga single di ba? Choosy kasi maganda! ^_~ Alam naman nating nobody is perfect pero bakit hanap pa rin tayo ng hanap kay Mr. Perfect? Syempre...kasi nga maganda tayo. Apir. ^_^

Pero ano nga bang point ng pagiging single? Masaya ka ba na single ka pa? Choice mo ba talaga yan o wala ka lang talagang choice?

Maraming mga magsyota ang akala mo perfect na, yung akala mo wala ng bukas kung magmahalan, yun pala sa hiwalayan din ang bagsak. Marami din mag asawa ang may pasumpa sumpa pa na walang iwanan pero sa annulment din ang bagsak. Ang sakit nila sa bangs. Pero may excuse jan. "It's better to love and lost than never to love at all." Bongga di ba? Kaya naman tayong mga tao eh gora lang gora kasi may move on naman daw. Yan tayo eh! Iibig-masasaktan-move on. Iibig ulit-masasaktan ulit-magmomove on ulit. #IkotIkot lang ang peg hanggang sa matagpuan mo na si Mr. Right. Nakakahilo di ba? pero dahil sa it's better to love and chu chu na yan, nagiging tama ang lahat, kahit hindi naman dapat.

Kaya mabuhay ang mga NBSB!  Hindi nauubos ang pasensya nila sa paghihintay sa tamang panahon na itinakda ng Panginoon para sila ay umibig.

Kung single ka, by choice or by chance, Congrats! Higit pa sa isang milyon ang napanalunan mo. ^_~ Believe me. Sa pag iisa ko nakilala ang aking sarili. Sa pag iisa ko nakita ang ganda ng buhay. Sa pag iisa ko nadiskubre ang ang aking mga pangarap. Sa pag iisa ko naramdaman ang Tunay na pagmamahal.

Kaya habang single ka, mas maging masaya ka. Ito ang panahon para imulat natin ang ating mga mata at buksan ang ating mga puso para sa katotohan. Truth will set you free. At pag malaya ka na, makakalipad ka na ng matiwasay. Alam mo na ang tama at mali. Ang dapat at hindi dapat. #Fly #Fly #Fly

Para naman sa mga single na broken hearted o sa mga single na nakamove on na...Masaya ka ba? Tanggap mo na ba na break na kayo o naguiguilty ka pa din kasi brineak mo siya? Well papel, ginusto mo yan. :P Lahat ng mga  ginagawa nating mali ay may consequences. Karma sa mas masakit na salita. Wahaha. #Hard Pero may good news. "Everything happen for a reason." Kaya bawal ang sad. ^_^

Hindi naman porke single eh hindi na nasasaktan di ba. Sabi ko nga, yung iba nakikipagfling flingan. Hanggang sa umasa at nafriendzone lang. O sige yung mas masaklap. Hanggang sa umasa pinagtripan, nagpatrip naman, ginago, hanggang sa nasktan. Yung mas masaklap, Ginamit lang, kinuha lang virginity mo, then goodbye, nabuntis pa. #Sad

Pero may good news..."Everything happen for a reason." Kaya smile na, bawal ang sad. Joke! Minsan okey lang naman din malungkot wag lang sosobra kasi baka mabaliw ka. E di mas nakakasad yun. Kawawa ka pa. ^_~

Open Open kasi ng mata pag may time. Tingala tingala na din. Hanap kasi tayo ng hanap ng taong magpapasaya sa tin, taong kukumpleto satin. Dahil lang sa pagiging single mo feeling mo wala ka ng kakampi. Hanggang sa nakalimutan mo ng may nanay at tatay ka pa, na may mga kaibigan ka pa. Para medyo madrama...Wala ka ng pamilya, wala ka pang kaibigan, mag isa ka lang. Look up Look up din pag may time. Kita mo na? Hindi ka nag iisa kaibigan. Idilat mo pa ng mas malaki yang mga mata mo hanggang sa makita mo ang tinutukoy ko. Ang dahilan kung bakit humihinga ka pa rin hanggang ngayon.

Choice mo mang maging single o no choice lang talaga, Congrats. You are given a chance to be love by the Creator. Nasa sa yo na yan kung tatanggapin mo ang pagibig niya para sayo o idedeadma mo lang. Nakaabot ka na nga sa line na to, e di tanggapin mo na. Believe me, minsan na rin akong nadapa, but with His grace and His love...Nakabangon ako and never na niya akong iniwan.

Gos is love. Love is God. Kahit maglakad ako ng mag isa, kumain ng mag isa, manuod ng sine mag isa, Status never bothered me anyway. ^_^

The end.

Mga Payong narinig ko lang din. Huwag tayong magpadala sa mga nakikita at naririnig natin. Huwag ipilit ang hindi dapat. Wait wait din pag may time. Huwag mapressure-believe in the impossible. In God's time everything is perfect. Its better to love and lost than never to love at all. How about...to Love and Never lost?! ^_^

God loves you! #TrueLove #Unconditional

He has made everything beautiful in it's time.

-Ecclesiastes 3:11

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 09, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Status: Single...for girls onlyWhere stories live. Discover now