Sa Bawat Luhang Pumapatak
Katumbas ng puso kong nawawasak
Naisin mang umalis sa lusak
Di magawa't lalong bumabagsak
Naisin mang lumayo
Naisin ko mang tumayo
Naisin ko mang pumunta sa ibang ibayo
Ako'y babalik at babalik sayo
Ikaw ang aking pinangarap
Saan Ma’y ika'y aking nasasagap
Sa tuwing ika'y nahahanap
Pakiramdam ko akoy nasa ulap
Ngunit Bakit Ganito?
Ako’y laging sinasaktan mo
Ang puso mo'y parang bato
Laging sinasaktan ang damdamin ko
Sayo ba ako’y hindi nararapat?
Sa atensyon mo akoy salat
Mga Luha’y di na mapigilan sa paglapat
Mga hinaing sa puso ang tanging bumabakat
Mga tinig moy tila isang matalim na punyal
Sa puso ko'y sumasaksak na may pait ng bakal
Tila may kulang sa anyo kong pisikal
Ngunit sa puso ko ikaw lang ang banal
Pagmamahal mo lang naman ang hinihiling ko
Hindi mo ba kayang ibigay sa akin to?
Para akong pulubi na nanghihingi ng limos mo
Limos ng pagmamahal na hindi mo kayang
Ibigay sa tulad ko.
This poem "Ikaw ang Aking Pinangarap" is copyrighted under the Copyright, Designs and Patent Act 1988. All Right are reserved by the owner and creator of this work and any unathorised copying, broadcasting, manipulation, distribution or selling of this work contributes as an infringement of this Copyright is punishable by the Law.
Just Leave any Comment...
Thanks For Reading