A/N :
Yo mga peeps. Hahaha. Thank you for reading and advance thank you for the future reads. Ayun. Enjoy! =)
Audrey's POV :
"Hi, i'm vincent rain ferrer. You are?"
"Audrey. Autumn Dreliz Sy." Ewan ko, medyo natulala ako. Kasi kinausap nya ko. Nung isang araw ko pa sya nakita. Ang gwapo kaya nya.
"Ahh. First Yr? Section A ka diba?"
"Ah eh ... Oo. Nung first sem C Ako. Nagpalipat lang. Ikaw? Irreg?"
"Yea, transferee. Inaayos ko pa sched ko eh."
"Ahh. Sige. Una nako. May gagawin pa ko eh. Nice meeting you. "
"The pleasure is mine. " Sabay ngiti.
Sure ako. Yun na ang pinaka matamis na ngiti na nakita ko.
Grabe lang.
Kinausap nya ako.
Ang gwapo nya.
Akala ko un na ang una at huling pag uusap namin ni Mr Gwapo.
Pero dahil sinuswerte ata akooo.....
"Count 1 to 8. Form your groups. Lahat ng 1 magsamasama and 2 and so on. Make sure you'll work as a group. You thnk of a business of any kind and then you go work for your business plan. " Biglang announce ng prof namin sa entrep.
Tourism Management ang course ko. Ewan ko ba.
Gusto ko kasi mag explore.
Parang masaya ang mundo ng turismo eh. Exciting. Pleasure. Business. Love. Romance. Medical atbp.
Alam mo yun? Di lang sya about sa travel.
Madami syang nilalaman. Di tulad ng iniisip ng iba na puro pagpapaganda lang ang alam ng mga tourism students.
Kelangan din nito ng focus, passion, knowledge, interest and a lot more.
Ang daldal ko na.
So ayun nga.
"8." Wow. Last number pa ko.
"Cams, anung group number mo?" tanong ko sa friend ko
Nung 1st sem, nabuo ung tropa namin. Pare pareho kaming nasa section C. Pero ang gulo lang ng mga tao dun. kaya ang sabi ko sakanila na lilipat ako.
Sumama sila. At pinalad kaming makapasa sa exam para mapabilang sa section A.
"5 ako eh. Si Faith, number 8 yata. "
"Oy faith, 8 ka?"
"Yes Auds! Yeeepi! Magka grupo tayo! hahaha "
"E sila Sarms? Dianne?"
"2 and 6."
So ayun nga, nagform na kami ng circle para makapag brain storming kaming magkakagrupo
"A boutique?" sabi nung groupmate kong isa.
"How about an ice cream parlor?" sabi ko. Favorite ko kasi ang ice cream kaya ganun. Hahaha
"Great! " Sumang ayon naman ang lahat. Di ko kakilala ang mga kagrupo ko. Nasa pito kami. Isang lalaki. Di pamilyar. Siguro galing to sa ibang department. O kaya irreg.
"Sorry Miss, I'm late. "
Kabog.. Kumabog ng mabilis ang dibdib ko pagkarinig sa pamilyar na boses na yun....
Kilala ko ang nagmamay ari ng magandang boses na yun.
Di ako pwedeng magkamali.
Si Vincent Rain Ferrer.