Light and Dark

85 2 0
                                    

"Hindi ko alam kung ano bang sakit meron ako kung sakit ba tawag dito basta ang alam ko may mali sa aking pagkatao" sabi ko sa sarili ko habang binabaybay  ng sinasakyan kung train ang masukal na daan patungong Mystic Valley.

"Yup, narinig niyong mabuti Mystic Valley sa pangalan palang parang hindi na nag-eexist sa World map pero unfortunately doon ang destination ko dahil sa isang property na pamana ng mga ninuno ko sa mga magulang ko and dahil wala na sila it now belongs to me specially I'm on the right age 20" busy kaka-scan sa messenger ng cellphone ko .

"puro junk mails lang ang natatanggap ko everyday kung hindi update sa facebook at twitter,mga message galing sa tita Luisa ko abroad na palaging nagreremind  about sa ancestral house  kaya eto ako ngayon ready to take my property"napabuntong hininga ako kasabay ng pag-tigil ng train sa station.

Bago tumayo muli akong napabuntong hininga at humugot ng lakas..

"kaya ko to..Mystic Valley here I come.." kabado pero nakangiti kung sinuot ang reading glasses ko.

"Sa totoo lang hindi talaga sira ang mga mata ko ginagamit ko lang ito para maiwasan kung makita ang mga numero sa ulo ng mga taong nakakasalubong ko. Isa ako sa mga taong may weird na mga mata kung tawagin ko ang mga mata ko si Scheduler"napangiti ako sa sarili ko.

"kapangalan ng sikat na character sa paborito kung palabas sa tv..."biglang nawala ang ngiti sa aking pisngi ng may mapansin akong pulang numero sa ibabaw ng ulo ng isang lalaki na naka-upo sa bulwagan ng  train station masayang kumakain ng hamburger.

Nilapitan ko ang lalaki..bakas sa kanyang mukha ang kagalakan..medyo may edad na pero halatang may dinaramdan na sakit.Napansin niya agad akong nakatingin sa kanya.

"gusto mo kumain iha?"nakangiting alok sa akin ng kalahating natira sa kinakaing burger.

"salamat manong busog ako.."agad kung tanggi.

"hindi ba't masama yan para sa inyong kalusugan?ba't kumakain pa ho kayo ng mga pagkaing ganyan?"hindi ko maiwasang mag-alala lalo na at kitang-kita ko ang pulang-pulang numero sa itaas ng kanyang ulo nakalagay 1.

Ngumiti ang lalaki feeling ko alam din niyang totoo ang sinabi ko sa kanya..pero biglang gumuhit sa mukha niya ang lungkot.

"pasensiya na ho pero concern lang ako sa kalusugan niyo Manong.."pati ako mismo biglang nakaramdam ng awa.

"alam kung mamamatay na ako ano mang oras..hindi ka dapat humingi ng tawad at salamat sa pag-aalala mo iha..'' nakangiting sabi sabay titig sa akin.

Natahimik ako..hindi ko alam kung anong sasabihin.

"may sakit akong malignant cancer at sabi ng doctor wala na akong pag-asa ginawa ko na lahat pero wala na talaga.." nakita kung bumuntong hininga siya.

"kaya nga ginagawa ko na ang lahat ng gusto ko bago ko pagsisihan ang  mga bagay na hindi ko nagawa.."muling gumuhit sa mukha ang napakagandang ngiti.

Sa kabila ng pighati sa mga salitang narinig nakaramdam ako ng contentment sa tono ng pagsasalita at ngiti ng lalaki.

"kaya ikaw iha gawin mo lahat ng gusto mo habang maaga pa baka pagsisihan mo pagdating ng araw..ikaw ang may hawak sa buhay mo at nasasa iyo kung paano mo ito gagamitin" hinawakan ng lalaki ang kamay ko.

"Masaya ako at nagkausap tayo iha.."may sinseridad na sabi sa akin sabay ngiti.

"Ako din po..ginagagalak ko ring makausap kayo."binalik ko ang ngiting galing sa puso.

"sige mauna na ako at may pupuntahan pa akong importanteng tao.."maliksing tumayo at yumuko sa akin.

"sige po..mag-iingat po kayo.!Power!"maliksi kong pabaon na cheer sa lalaki.

Kumaway pa siya bago nawala sa kumpol ng tao kasabay ng paninikip ng dibdib ko.Bigla kasing sumagi sa isip ko ang bilang na natitira sa buhay niya napapikit ako at napadasal..

"nawa ay maging masaya ka sa huling mga araw mo manong..patnubayan ka ng Maykapal"muli akong napabuntonghininga.

Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat ang makakilala ng isang mabuting tao at alam ko mismong mamamatay sila ngayon o sa susunod na araw.Isa rin siguro ito sa rason kong bakit ayokong magkaroon ng kaibigan.

Nagsimula ang lahat 4th grade ng makita ko mismo ang aksidente nila mama at papa..ang bilis ng pangyayari  ang bilis ng takbo ng sasakyang kasalubong namin..at yon..napapikit ako muli sa masamang ala-ala.

Naligtas ako dahil kay papa na niyakap kami ni mama..nailabas ako ni mama..at sa kagustuhang maligtas si papa bumalik siya sa sasakyan at BOOM!..

Nagising ako mula sa isang masamang bangungot..sakay na bus narating ko na ang Mystic Valley.Simple,maraming naglalakihang puno ang gilid ng kalsada halatang daang taon na ang edad..naglalakad ako patungong Lot 5,Emerald St. kung saan nakatayo ang ancestral house namin.

Kahit ako ay namangha sa aking nakita sa kabila nang makalumang ambiance ng paligid nagkalat sa paligid ang mga magagandang posteng ilaw..pati mga gates ay modernize ang design,linya ng telepono at linya ng kuryente.

Napangiti ako nang lihim at least di ako mahuhuli sa world events.

"Hi!"masayang bati sa akin ng isang gwapong binata..mga tantiya ko sing-edad lang kami.

"uhmm..hello"tipid kung bati,sabay iwas sa pagtingin sa bandang taas ng ulo.

"parang ngayon lang kita nakita dito,bagong lipat?"mausisang tanong.

"yup..Lot 5,Emerald St.?.kung di ako nagkakamali."naiilang kung sabi lalo na't napansin kung nakatitig siya sa akin.

"ahh..ikaw pala yong sinasabi nilang may-ari ng malaking bahay doon sa may dulo"relief niyang confirmation sa sinabi ko.

"huh?kilala mo ko?"pagtataka kung dugtong.

"sabi kasi nila isang matandang dalaga ang may-ari ng mansion nayon na galit sa mga lalaking hindi pansin ang ganda niya"natatawa niyang sabi.

Kumunot noo ko..hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa presinsiya niya.Napansin naman niya agad ang pagkabigla ko sa sinabi niya.

"ahhmm..ang ibig kung sabihin natutuwa akong isang magandang babae ang nakatira sa mansiyong yon para hindi na ako matatakot dumaan doon araw-araw patungong school ang layo kasi ng shortcut eh..siya nga pala ako si James Eric Martin"masayang sabi sabay abot ng kanang kamay.

"Ella Catherine Sy.."inabot ko rin kamay niya.

"Beautiful.."side comment niya.

Hindi ko alam kung anong nangyari basta nalang bigla kung naramdaman ang pag-init ng pisngi ko.Ramdam ko ang bilis ng pagpump ng puso ko ng dugo paakyat sa  mukha ko.

Pero ng mahawakan na niya kamay ko bigla niya itong binitiwan para bang nakuryente siya. Agad ko napansin ang pagkunot ng noo niya,halatang nabigla sa kung ano mang nangyari sa kanya.

"ah..gusto ko pa sanang makipag kwentuhan kaso pagod ako..mauna na ako sa iyo.." agad kung palusot bago pa siya makapagsalita.

"nice meeting you James" pormal kung banggit ng pangalan niya sabay ngiti at yuko.

"okey.."pinal din niyang sabi,mukhang nagising na siya sa pagkabigla.

"see you around.."nakangiti pa niyang sabi.

Hindi na ko lumingon pabalik sa lalaki..nagsisimula na kasing mangyari ang mga bagay na pilit kung iniiwasan ang magkarooon uli ng kaibigan.

Light and DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon