Chapter 2: New Home , New Doom

78 0 0
                                    

Chapter 2: New Home , New Doom

kahit ako ay nabigla sa nakitang kagandahan sa lumang bahay na minana ko..makaluma ang gamit pero very slick at napaka harmonious naman nito sa iba pang gamit,..kung ako ang tatanungin maniniwala akong minsan naging bahay ito ni Snow White at ng kanyang mga seven dwarves..sinalubong ako ng matandang katiwala..

"narito ang susi iha...tawagin mo lang ako kung kailangan mo ng tulong..nasa kabilang bahay lang kami ng asawa ko.."kahit may edad na pero malusog paring tingnan si Mang Ador.

Napangiti ako dahil  lahat ng natunghayan ko ngayong araw ay sobra-sobra sa napakaboring na iniisip kong mangyayari sa akin sa Mystic Valley na to.

"salamat po talaga Mang Ador" hindi ko mapigilan ang magalak.

"naku walang anuman..hayaan mong mapagsilbihan ko ang pamilya niyo hanggat sa makakaya ko.."thoughtful na sabi.

"kulang pa ito kumpara sa napakalaking tulong na binigay sa amin ng pamilya nyo Ella.." dagdag pa niya.

"oh siya hahayaan na kitang makapagpahinga alam kung pagod ka sa byahe..may mga pagkain na akong naluto sa ref..kaw na bahala..basta kung may kailanga ka tawagin mo lang ako.."muling pa-alala nito.

"naku wag na ho kayong mag-alala..malaki na ako..kaya ko na ho Mang Ador"pagsigurado ko sa kanya..

Napangiti din si  Mang Ador..kung hindi guro namatay ang mga magulang ko baka magkasing-edad lang sila ni papa..pagod kaya naisipan ko agad dumiretso sa kwarto.

Para talaga akong nasa fairy tale..ang kama..ang ambiance..at ang lugar..so perfect..Matapos maligo..kumain ay nakatulog na ako sa pagod.

Sa kalaliman ng dilim may naaaninag akong mga matang nakamasid..parang ilaw ito sa gitna ng kadiliman..at nakatuon ang mga matang yon sa aking kinatatayuan...

Nanlilisik?..hindi sa kabila ng napakatalim na matang nakatitig sa akin nakakubli ang isang matang matagal na naghihintay..matang parang tuwang-tuwa na makita ako.

"sino ka?...anong ginagawa ko dito?anong nangyari?Ba't nandito ako sa gubat?" sunod-sunod kung tanong sa anino ng taong naaaninag ko..nawala ang matang nakatitig sa akin..kasabay ng paglapit sa aking kinatatayuan ng anino...

Palapit ng palapit...magkahalong takot at pagkamangha ang naramdaman ko habang nakamasid...takot nab aka  anong gawin niya sa akin..pagka mangha sa paraan ng paglalakad niya na parang sumasayaw lang sa hangin..para rin akong dinuduyan habang minamasdan siya...nang..

KRIIIIINNGGG!!!! Malakas na alarm ng orasan sa gilid ng kama ko.

Tiningnan ko ang oras..6 am..napasarap ata tulog ko..napahawak ako sa noo ko basa ng pawis at pati hininga ko ay hinahabol ..

"kakaibang panaginip...parang totoo"muli akong napahiga sa kama..

"what a dream..unang gabi palang.."

May halong pag-aalala na sabi ko sa aking sarili..may nangyayari kasing kaka-iba pag nananaginip ako ng di maganda.

Tulad ng nakasanayan sa  dating bahay ako mismo gumawa ng almusal ko..ang mabuti lang na nangyari sa akin after my mom and dad's death ay ang pagiging independent..natutu akong mamuhay mag-isa.

After maligo at mag-almusal hinanda ko na sarili ko sa unang araw ko sa Mystic Institute of Science College...ordinary pair of jeans and shirt and ang walang kamatayang salamin ko sa mata.

Minaniho ko ang lumang Nissan frontier sa garage patungong school  umaasang dahil sa luma kong sasakyan di nila mapapansin ang pagdating ko but much to my surprise mas lalong naging agaw eksena ang pagdating ko dahil hamakin mo kotse ko lang ang halos dekada na ang edad the rest ay new model at ang gagara.

Light and DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon