A/N:
Dedicated to kay Judy_XD..ayan na!!thanks sa pag-basa hihi ikaw lang ang unang nag-vote nito luv you!!
Shamara/elisha's POV
Aalis na sana ako kaso pag-talikod ko ay may nakita akong pusa
Waaahh!!crap,crap,crap,crap,crap!!
Ano ng gagawin ko!?
Tumigil itong mag-lakad at napatingin sa akin
At nagulantang ako sa sumunod nitong ginawa
"Waaaaaaaahhh!!!"sigaw ko
Paano kasi tumalon siya papunta sakin
Tumalon-talon pa ako para matanggal yung pagka-kapit niya sa palda ko
"What happened!?"
"Snowball!"sigaw niya at tinanggal yung pusang nakakatakot
"Meoww!!"pilit akong inaabot nung pusa kahit hawak niya kaya lumundag ako paatras
"Sorry for that"saad niya,tumango lang ako
"Cat phobia?"tanong niya
"Yeah"
Hawak-hawak niya yung pusa sa braso niya...cute naman sila ang kaso nga lang na trauma ako nung kalmutin ako dati noong bata pa ako nung pusa ng kapit-bahay namin
"Bakit andito ka pala?oras ng klase ahh"sambit niya
Sasabihin ko ba?
"Ahh-ehh.."
"You know what it's ok,wag mo ng sabihin..besides i need someone to have company with"saad niya
"Tara dun tayo"sambit niya at tinuro ang mini park na may mga bench dito
"Sige"sagot ko at lumakad na kami papunta dun
"Diyan ka lang bibili lang ako ng ice cream"sambit niya at nag-lakad na papuntang cafeteria
Pinagmasdan ko lang siya..kung mas maaga ko lang sana siyang nakilala..
Alam kong hindi niya ako lolokohin katulad ng ginawa nung lalaking yun sakin,alam kong seryoso siyang tao
haisst!!kung ano-ano na naman tong iniisip ko ehh alam ko namang wala naman siyang nararamdaman para sakin..
Ilang sandali pa ay nakadating na siya may dalang dalawang ice cream
He handed me one kaya inabot ko ito at sinimulan itong kainin
"You know what cats are a very great pet..hindi naman sila nakakatakot"saad niya
"Alam ko,cute nga sila ang kaso lang ay dati na-trauma ako sa kalmot nito"sagot ko
"Alam mo naman pala ehh..mabait naman sila basta well trained sila"sagot niya
Ilang sandali pa ay nagulat ako ng may pumatong sa lap ko na isang malambot na bagay..halos lumuwa ang mga mata ko at takot na takot itong tinignan
"Aalisin mo yan!"
"Pfft!!ahaha"
"I'm serious rence!"sigaw ko sa kany
"Hawakan mo lang kasi"
Hinawakan ko ito ng dahan-dahan
"Oh diba.."
"ang bait naman pala niya nakakatawa naman kasi ako pusa lang naman ehh..hahaha"tumawa kami parehas sa sinabi ko
Pag-katapos ay kumain na lang kami ulit ng ice cream..napatigil ako sa pag-lick ng ice cream ng mapansin kong nakatingin siya sakin
"Bakit?"tanong ko
"Messy eater ka pala eli"sagot niya
Unti-unti niyang nilapit ang muka niya sakin kaya napapikit ako
Naramdaman kong may lumapat na isang malambot at basang bagay sa labi ko..and then nalaman kong ito pala ang labi niya
Ghaad!!shamara!!hinahalikan ka ng kanina lang ay pinapantasya mo!!
Ilang saglit pa ay humiwalay na siya..napahawak ako sa labi ko
Totoo ba yun?
"Uhmm..sorry"sambit niya at dali-dali ng umalis
Hinalikan niya ako!?
Shamara!!gaga mo!may lumapat na ngang labi sayo magtatanong ka pang hinalikan ka niya!!?
Tsk!sabi ko nga..hinalikan niya ako
He kissed me..
BINABASA MO ANG
How to be a heartbreaker (completed)
Genç Kurgu"How to be a heartbreaker" "I love you more than anything in this world and i'll love you from now on and forever" Have fun reading my first ever teen fiction story^_^ please support!! Luvlots!! Thank you po kay @Vanessa sa book cover😘