CHAPTER 1
Mikayla’s POV
"Ang gwapo niya talaga!"
"Kakainlove!"
"Anakan mo ako Gino!"
"Pwede na akong mamatay ngayon!"
“Go P5!”
"More, more, more!"
"Putik! ang gwapo mo talaga Gino!"
Ang iingay. Sakit sa tenga. Basag na eardrums ko.
Ano na ba ang nangyayari sa mundo? Parang lalake lang para ng mababaliw na. Kaya maraming nabubuntis ng maaga eh. Eh kung umuwi na lang sila sa bahay nila mag-aral o di kaya matulog eh di napakibangan pa sila ng gobyerno ng Pilipinas.
"Mamatay na ang lahat ng lalake sa mundo, wag ka lang Gino!"
Ano daw? Idamay ba naman ang ibang lalake na walang alam sa pinagagawa nila. Tsk
You must be wondering kung nasaan ako ngayon. Well, andito lang naman ako ngayon sa school gym. Puno ang gym, as in. Akala mo may prosisyon ni Poong Nazareno sa dami ng estudyante. Lahat wild at nagkakagulo dahil sa bandang nagpeperform sa stage. Oh well, may mga mukha naman talaga ng miyembro ng banda na nasa stage no doubt lahat ng nasa gym ay babae. Nakikita ko naman sila dito sa pwesto. Ok , gwapo sila, magaling tumugtog eh ano ngayon, baka bokya naman pagdating sa academics. Turn off. Kung bakit ba kasi sumasama pa ako sa kaklase ko mas mabuti pang natulog nalang ako sa boarding house naming, kumain at matulog ulit. Eh di ikasisiya pa ng mga alaga ko sa tiyan. Wala naman akong hilig sa mga banda pero sa music oo. (Para sakin magkaiba yun. J) Napilitan lang naman ako eh mapilit kasi ang kaklase ko. Mag-eenjoy daw ako kasi gwapo ang tutugtog. Ganito pala ang definition niya ng “enjoy” nagkakabalyahan na ang mga tao at nagkakasakitan para lang sa bandang yan. Eh mga tao din naman yan humihinga, kumakain, naliligo, nagkakamali at kung ano-ano pang activities ng tao kaya ewan ko sa mga babaeng ito halos ibuhis na ang buhay para sa mga lalakeng ito. D naman sila yayaman diyan.
Gwapo nga ba?
Matingnan nga…
Gwapo nga, lalo na yung vocalist nila. Ganda ng boses. Tangos ng ilong, ng mata. Ok, lahat na lang maganda sa kanya. Pero mukhang playboy.
“Nakkuuuppoo..”
“Bakit siya nakatingin sakin?”
Nahalata kaya niya na kanina ko pa siya pinagmamasdan? Hala Mikay! Baka kainin mo sinabi mo kanina. Patay kang Mika ka! Baka ambangan ko pauwi sa inyo.
Hala! Nakatingin pa rin sakin.
“'Cause it's you and me
And all of the people people with nothing to do
Nothing to prove
And it's you and me
And all other people
And I don't know why
I can't keep my eyes off of you”
Para sakin kaya ang kanta? (assuming)
Baka nainsulto sakin dahil habang enjoy-enjoy ang babae sa performance nila eto ako hawak ang libro at nagbabasa.
Baka naman narinig niya pinagsasabi ko kanina. N/P: Paranoid lang.
Ako ang unang umiwas ng tingin.
“Mika, ano ba yan! Libro ang hawak mo, pumunta tayo dito para mag enjoy hindi para mag-aral. Ang libro iniiwanan sa bahay o di kaya sa school. D ka ba napapagod mag-aral? Alam mo, minsan mag-enjoy ka naman. D na ako magugulat na isang araw makikita na kita sa tabi ng kalsada may hawak na lata at baston. Ang weird mo talaga.”
“Hahaha.. Nakakatawa ka talaga.” (sarcastic)
“Ok ka lang jan?”
“Gusto mo, uwi na lang tayo?”
“Ok lang ako dito. Hintayin na lang kita.”
“Sigurado ka?
“Yep.”
“ok”
“Ynna, punta lang muna ako sa CR ha?”
“Ok. Balik ka agad.”
“ok”
Saan nga ba ang CR dito? Ang engot ko talaga bakit di ko tinanong si Ynna kung nasan ang CR. Hala! Baka nawawala na ako.
Di ko pa pala naipakilala kung sino ako at kung bakit di ko alam kung nasan ang CR na malapit sa gym.
Ako nga pala si Mikayla Acosta, 15 years old. Ipinanganak noong March 26, 1996. 4th year high school sa San Nicholas University. Meron akong dalawang kapatid na kambal, actually kuya ko sila. Ulilang lubos na ako buti na lang anjan ang dalawang kuya ko na makukulit at mahal ako. Namatay ang mga magulang namin noong maliliit pa kmi. Si Tiya Celia na ang nagpalaki samin nakakatandang kapatid ni Papa.
Nagtataka siguro kayo kung bakit di ko makita ang CR iyon ay dahil transferee ako dito sa San Nicholas University. Halos isang lingo pa lang mula ngayon ang first day class kaya di pa ako masyadong familiar sa school campus at kalakaran ng school. At si Ynna ang aking umang naging kaibigan. Di ko naman masasabing super close kami infact kanina lang kmi nagkausap yun nga nung niayaya nya akong manood ng banda sa school gym. Wala daw siyang kasama. Sa totoo lang wala akong masyadong close sa school siguro dahil they find me weird. Siguro narin sa Tiyang ko ang halos nagpalaki sakin kaya pati ang katutubong kaugalian niya eh namana ko rin. Kahit sa old school ko wala rin akong masyadong kaibigan. bahay-paaralan lang ang punta ko. And one person makes me forget my old school and that’s why I left. Hay! Ang drama ko.
“Saan na ba yung CR?”
“Asus!” Dito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap.”
Bubuksan ko na sana ang pintuan ng may narinig akong tao sa loob ng CR. Dinikit ko yung tenga ko sa pinto. Syempre di ko muna binuksan papatapusin ko muna. Joke. Naghahalikan? Ang halay naman. Tttsss.. Wala talagang tinatalo pati ba naman CR eh my bahay naman sila.
Teka, bakit parang familiar ung boses? Saan ko ba narinig yun? Kanina? Kahapon? Last week, last year kaya? Ah basta! Familiar talaga. Kung sino man yung nasa loob sigurado akong di ko kilala yun.
“Uy Mika! Ano pinakikinggan mo jan?!”
“AY! PUSANG LIGAW!”
Biglang bumukas ang pintuan.
PATAY (*_*)
END OF THE WORLD.
Caught in the act.
“Enjoying the show Miss?”
“huh? Ano daw?”
“Wala akong narinig. PRAMIS. Mamatay man ang kuko ng kasama ko.”
“huh? Bakit nadamay ang kuko ko?”
Engot talaga ni Ynna.
“We didn’t make out, we just kissed.”
Nagtanong ba ako?
Paki ko kung ano man ang ginagawa nilao sa CR ng kasama niya. Speaking of kasama niya. Ang bilis ng takbo ha. Bakit parang umiiyak yung babae?
“ahh.. wala yun. Wala naman talaga akong narinig eh.”
A/N: will update soon :D Hope u like the chapter 1 :))
BINABASA MO ANG
Heart breaker's Heart
FanfictionMeet Mikayla--nerdy pero palaban. Meet Gino- bad boy pero sweet at heart. Whenthese two people meet? May mangyayari bang lovestory? Or palagi silang magbabanggaan? Find out!