Cross-dressing Fool

351 3 0
                                    

Cross-dressing Fool

 

By: HeavilyGuardedHeart

Summary: Mahal ni Daniel si Skye. At gagawin niya ang lahat para lang makuha ang dalaga… Kahit pa maging babae siya~! Pero ano toh? Si Stone- most popular boy in campus and Student Council President ng Slade Academy- ay may gusto sa disguise ni Daniel! Makukuha pa ba niya ang dalagang mahal niya, lalo na pag nalaman niyang may mahal na itong iba? A one of a kind story na di niyo aakalaing mangyayari!

 

 

Chapter 1: The Idiot’s Idiotic Plan

.

.

 

“Dude, the heck are we still doing here~!” sigaw ni Kevin, best friend ko.

Hi, ako nga pala si Yamasaki Daniel. At your service!

Anong itsura ko? Well, I have bright blonde hair at cobalt blue eyes na laging kino-compare sa blue skies daw. I’m half Filipino, one-fourth Japanese at one-fourth English. But I’ve stayed in the Philippines for half of my life now so I’m very fluent in Tagalog. 19 years old na ako. And I study at Slade Academy for Boys.

Did I mention may mahal ako?

Siya si Skye Vellones, Student Council President ng Saints’ Academy for Girls, ang sister university ng university ko. A few blocks lang ang pagitan nila sa amin. Ang convenient diba?

Which brings me back to my situation.

Nakatayo ako sa street na katapat ng gate ng Saints’ Academy, tinitignan si Skye. At ten minutes na lang bago mag-ring ang bell ng school ko.

“Dude, I don’t give a damn kung mahal mo siya or not but we have to go! Male-late na tayo! Gusto mo bang masigawan ni Mrs. Vil Maden?” ang sarcastic warning sa akin ni Kevin. Lahat ng tao ay takot kay Mr. Vil Maden. Nice threat dude.

Si Kevin Gansa ay may natural brown hair at black eyes, mapa- basketball player ang katawan niya, lam niyo na ung may muscle at abs. And mahilig siya sa aso. And when I say mahilig, what I mean is OBSESSED. Mahal na mahal niya ang aso niyang si Keith na minsan nakakatakot na…

“Dude, just a little more time. Darating na siya. And so is Steff.” Boom! Huli ka!

Tinignan niya ako ng masama, tapos nag buntong hininga.

“Fine. But after five more minutes at wala pa sila, then we’re going. Got it?” sabi niya sa akin. Tumango na lang ako. Did I mention na best friend ko siya?

Hehe… may crush din kasi siya dito eh. Si Steff Sutherland, best friend ni Skye. Tahimik, mabait at maganda siya, matalino pa.

Nagtataka kayo kung bakit alam ko noh? Well actually… best friend ko din siya. Wala lang akong pinagsasabihan. Paano kasi, pag nalaman ng mga lalaki sa klase ko, tiyak dudumugin ako nun!

Kasama na dun si Kev.

And lo and behold! Ayan na ang kotse ni Skye. Mukhang nag-carpool nanaman sila.

=NORMAL POV=

Pagbukas pa lang ng pinto ng isang pink and red Honda Civic ay napatingin na ang lahat. Isang makinis at maputing binti ang lumabas, sinundan ng mukha ng isang babaeng naka-shades at ang huli ay ang katawan niya. Ang standard uniform ng Saints’ Academy consists of a black above-the-knee skirt, white button up shirt at pink vest. And emblem ng school ay nakatatak sa necktie na suot nila. Si Skye Vellones ay isang sexy 20-year old girl na may natural red hair at green eyes, with a creamy and flawless complexion. Scottish kasi ang ama na may lahing Spanish-Filipino pero pinoy na pinoy siya.

Cross-dressing FoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon