Chapter 3
I know it will never be the same. My feelings for him would never be as simple as yesterday.
She was indeed spacing out.
Hindi nga siya pinatulog ng nangyari. Kaya ayun at ang lalim ng mga mata niya sa antok. Medyo nangingitim pa nga ang paligid ng mga mata niya.
Napansin ng isang katrabaho niya ang katamlayan niya ng araw na iyon.
Kaya lang nakatulala siya sa harap ng computer monitor hindi nga niya napansin na nasa tabi na niya si Monette.
"Hoy, Reianna?!" tinapik siya nito sa balikat.
Bigla siyang napapitlag sa kinauupuan at napalingon sa kasamahan.
"Monette? Bakit?"
Pinagsalubong ni Monette ang sariling mga kilay at napahalukipkip.
"Anong bakit? Wala pa nga akong sinasabi e. Bakit ba tulala ka diyan?"
Napansin nito ang nga mata niya.
"Umiyak ka ba?"
Umiling iling siya . "Hindi. Napuyat lang ako."
Kasing edad niya si Monette pero mas nauna siya rito sa pinapasukan na office. May asawa na rin ito at isang anak.
Napalitan ng concern ang ekpresyon ng mukha nito. "Baka nahihirapan ka na sa ginagawa mong pag-part time ha. Bigla ka na lang isugod sa ospital."
Sa office nila ay tanging ito lamang ang aware na mayroon siyang part time job. Its her personal choice at ayaw niyang may makialam at may masabi pa ang iba.
Natawa siya rito. "Ang morbid mo namang mag-isip. Okey lang ako. Napuyat lang talaga ako kagabi."
"O, bakit ka napuyat?"
Natigilan siya. Napaisip.
Sasabihin ko bang napuyat ako dahil sa ngiti at cupcake ni Sir Matt? Takteng cupcake yan! Bakit kasi ang sweet niya.
Napailing siya sa sarili para palisin ang kaisipang iyon.
"O ano na?"
"Basta napuyat ako. Bakit ba?"
"Tsk. Alam ko may something. Malaman ko lang na nahihirapan ka ba sa part time mo na yan ako mismo ang magpapaterminate sa'yo dun." palatak nito sa kaniya. Daig pa ang Nanay niya sa pag-aalala.
"Aist! Kaya ko na ang sarili ko."
Nakita ni Monette ang natitirang dalawang cupcake na nasa ibabaw ng mesa niya. Mabilis nitong kinuha ang isa.
"Oi, pahingi ha." sabay subo ng cupcake.
"Oi!" hindi na niya iyon naagapan.
"Ang sarap ah. Sa'n mo nabili?"
"May nagbigay lang."
Umakma pa si Monette na kukunin ang huling cupcake pero maagap na niya iyong napigilan. Kinuha niya at iniwas iyon.
"Akin na lang!" pilit pa na kukunin ni Monette ang cupcake.
"Wag na toh. Last na toh e."
"Kanino ba galing yan? Humingi ka na lang uli. Huwag mong sabihing ipapaframe mo pa yan?"
"Oo. Ipapaframe ko pa toh." Pilit pa ring inaabot ni Monette ang cupcake. "Wag na kasi."
"Ah, siguro sa boyfriend mo galing yan ano?"
"Aist! Wag ka na lang makulit. Kapag meron pa uli bibigyan kita ng dalawa. Ang kulit mo naman e." naiirita siya.
Monette withdraw. "Okey fine. Basta next time. Pero sa boyfriend mo nga galing yan?"