Basta para sa pamilya,
pagod kayang tiisin,
hanggang sa makamit mga naisin.
Pero kakayaha'y hanggang saan?
Kung ang sariling laban ay di mapagtagumpayan.Marami ang katulad ko.Sigurdo ako roon.Hindi lahat ng tao nabibigyan ng magandang buhay-iyong natutugunan ang mga luho; iyong mga nakakalasap ng ng mga bagay na higit pa sa pangangailangan. Kung kaya't napakahalaga na magkaroon ng pagtitiyaga at pagsisikap.
Ang mundo ay napakalaking sugat para sa akin.Kailangan marunong kang tumaya at dapat at dapat paganahin ang isipan. Dapat may diskarte sa mga bagay bagay dahil ito ay napakahalaga.
Bata palamang ako nang mamulat na ako sa katotohanan ng buhay. Sabi nga nila, hindi raw kasalanang pinanganak kang mahirap pero ang mamatay ng mahirap, ay iyon ang kasalanan.
Ako si Rhea Roxas Alcantara,isang kabataan na may simpleng buhay hindi myaman at hindi mapera.
Tumutulong ako sa aking ina sa paglilinis ng iba't ibang bahay. Binibigyan din ako ng pera ng may-ari nito.Alas kwatro plang ng umaga bumabangon na kami ng aking ina para maghanda at maluto ng mga kakaini para sa patirik ng araw ay may paninda na kami.Mabilis maubos ang paninda namin dahil marami kaming mga suki at talagang masarap ang mga luto ni inay. Pagkatapos sa eskuwela dediretso na ako sa palengke para tumulong magtinda ng mga palamig at balot.
Bilang panganay, malaking responsibilidad ang nakaatang sa akin.Kaya kayod-kalabaw ang kailangan gawin ng aking magulang para matustusan ang pangangailangan naming apat na magkakapatid.
Magpasimula high school hanggang kolehiyo hindi na mabilang ang mga 'part time jobs' ko, ika ngay mga raket. Naging kasambahay, yaya, taga-hugas ng pinggan sa isang karinderya at marami pang iba.
Kung hindi ako magsisikap, walng mararating ang aming pamilya. Pasalamat na lamang ako'y may scholarship na galing sa mayor ng aming bayan at may kaunting pera pa na binigay. Malaking tulong para sa akin ang mga yun para maipagpatuloy ko ang aking pagaaral.
Sabi nga ng kaklase ko noo, daig ko pa daw ang lalaki dahil batak na batak na raw ang katawan ko sa dami ng trabahong aking pinapasukan.Kinakaya ko ang mga pawis may maipasok lng akong pera sa pamilya ko.
Dahil isa akong taong may adhikain kahit may raket nagsipag ako sa pagaaral hanggang makakuha ng degree.Dahil sa panahon ngayon mahirap makahanap ng magandang trabaho na kahit dyanitor kailangan ng degree. Nakahanap ako ng magandang trabaho sa marketing department ng isang kompanya. Ito na ang pagkakataon ko para maiangat ko na ng paunti-unti ang estado ng aming pamilya.
Sa tagumpay na nakamtan ko, minsan akong napaisip,umaasenso naman kami pero tila may nawawala. Nabigyan ko na si inay ng magandang pwesto sa palengke para magtinda.Nabigayan ko na rin ang aking ama ng pampasadang dyip. Napag-aaral ko na ng maayos ang aking tatlong kapatid.Hindi man ako makapunta sa mga kasiyahan sa aming bahay nagpapadala nmn ako para may maipanghanda sila. Hindi ko alm na may nobyo na pla ang isa kong kapatid.
Suot-suot ang pormal na damit at dala ang mga papeles, ito ako panibagong araw na naman para sa pagkayod. Para sa aking pamilya... pero nasaan sila?.