Lahat tayo ay may kanya kanyang desisyong nagagawa sa buhay.Tama man o mali. Hindi natin maiiwasan na minsan ay madalas tayo magkaroon ng maling desisyon. Kayat sa lahat ng desisyong ating gagawin dapat maging handa tayo sa lahat ng maaaring mangyari.
Unang taon sa kolehiyo si Gail noon nang magdesisyon siyang mag-aral malayo sa kanyang pamilya. Pinili nyang magaral sa Maynila. High school sya ng maisipan nyang sa Maynila magkolehiyo. Sa kagustuhan niyang lumayo at maging malaya napagtagumpayan niyang na papayag ang kanyang magulang.
Dumating ang araw na kailangan na niyang mag-paalam sa kanyang magulang para lumuwas ng Maynila at dahil narin malapit na ang pasukan. Hinatid siya ng kanyang mga kapatid at inayos narin nila ang kanyang titirahan,bumili nadin sila ng mga gamit para dito. Hindi pa man nakakaalis ang kanyang mga kapatid ramdam na niya ang lungkot at isipin na siya nalang mag-isa at walang aalalay sa kanya. Kaya naman ng bumalik na sa probinsya ang kanyang mga kapatid hindi maiwasan ni Gail na sobrang malungkot at maluha.
Akala nya magiging madali ang buhay nya sa Maynila. Inakala nyang magiging masaya sya dahil malaya sya ngunit lahat ng akala nya ay mali. Hindi naging madali para kay Gail ang manirahan magisa at malayo sa pamilya.
Dahil sa sobrang pangungulila na nya ang kanyang pamilya, araw-araw siyang tumatawag at nagtetext upang kamustahin ang kalagayan ng mga ito sa probinsya.
Gusto mang umuwi ni Gail sa kanila para makasama ang kanyang pamilya pero nanaig padin ang kanyang desisyon na manirahan sa Maynila kahit na may konting pagsisisi.
Ipinagpatulopinagpatuloy ni Gail ang kanyang pag-aaral at ang pamilya nya ang naging motibasyon niya para maging malakas at gumising sa umaga para mag-aral.
Tuwing bakasyon umuuwi si Gail sa kanilang probinsya. Makikitaan ng pagkasabik at bumabalik ang sigla nito sa tuwing umuuwi sa kanila.
Naging aral para kay Gail ang nangyari sa kanya at itinatak nya sa kanyang isipan na bago gumawa ng mga desisyon isipin muna ang kahihinatnan nito, para kahit sa huli magsisi man sya o hindi naging masaya naman siya sa desisyong ginawa nya.