Pumunta si Jean at Migz sa istasyon ng tren sa Estrella. Si Migz ang anak ni Jean. Buti nalang at naabutan pa nila ang tren dahil gabi na at last trip na ng tren. Ayon at huminga ng malalim si Jean at humarap kay Migz.
"Buti nalang naabutan pa natin yung tren. Ang bagal mo kasing kumilos."
Ngumiti lang naman si Migz at naghanap na sila ng mauupuan. Nakahanap sila ng bakanteng upuan at pumunta sila doon. Nang pag-upo nila ay nagulat na lamang sila nang dumating ang isang matandang babae na si Delia. Salita nang salita si Manang Delia at ito'y tungkol sa bibliya. Si Manang Delia ay isang matandang babae na nawalan ng asawa kaya siya ay nabaliw. Nainis naman si Migz dahil sa matanda.
"Mommy Oh! Salita siya nang salita ayaw niyang tumigil."
"Hayaan mona. Lipat nalang tayo ng upuan. Halika kana." Wika naman ni Jean. Lumipat sila ng upuan at masaya naman si Migz habang pinapansin niya ang mga tao sa tren.
Habang naghahanap ng malilipatan ay nadaanan nila sina Dexter, James at Brandon. Si Dexter ay nagmula sa eskwater na lugar at gusto na niyang umalis para humanap ng bagong matitirahan. Habang sina James at Brandon naman ang mga kaibigan ni Dexter. Sila lamang ang nagsisilbing kapatid ni Dexter dahil siya ay naulila na sa kanyang mga magulang.
Nadaanan din nila Jean at Migz si Tess. Si Tess ay nagtatrabaho bilang nurse ng ospital.
Sunod nilang nadaan sina Dino at Julia. Sila Dino at Julia ay nag-iibigan at sila'y 6 months pa ngunit ramdam na ramdam na nila na sila ay magtatagal sa takdang panahon. Naabutan sila ng last trip dahil inakala ni Julia na may magaganap na party sa bahay ng kanyang kaibigan ngunit wala pala. May dala pa naman na gitara si Dino, pantugtog sana sa inasahang party.
"Alam mo babe, kasalanan koto lahat eh. Kung hindi kita pinilit hindi sana ito mangyayari satin. I apologize."
Napayuko lang si Julia at siya'y nag-alala sa kanilang sitwasyon. At kaya naisip nalang niya na manahimik muna.
Nakalipat na ng upuan sina Jean at Migz. Katabi nila sina Becky at Joshua. Si Becky ay isang bakla na nagsusumikap sa buhay. Naabutan siya ng last trip ng tren dahil makipagkita siya kanyang future boyfriend. Si Joshua naman ay isang lalaking malaki ang katawan at at maternong mukha. Siya ay mag-isa lamang dahil iniwan siya ng kanyang babaeng minamahal.
"Ang tagal namang magreply neto. Gusto kona talagang makita siya. Hmmph!" Bulong ni Becky sa kanyang sarili habang kinikilig. Napatingin naman si Joshua kay Becky dahil narinig niya ang sinabi nito. Habang tahimik ang kanilang biyahe nang biglang yumanig ang tren na para bang meron itong nakabangga. Hindi nila alam na nag-iba na pala ang direksyon ng tren. Tumilapon ang lahat ng pasahero dahil sa lakas ng pagyanig. Tumilapon naman ang bag ni Migz na dala ni Jean. Agad kinuha ni Cesar upang ibigay sa may-ari. Nagulat lamang si Jean dahil ang kumuha sa bag niya ay kaklase niya noon na si Cesar.
"Jean?" Sabi ni Cesar.
"Cesar?" Wika naman ni Jean.
"H-hindi ko akalaing magkikita tayo ulit. Kailan nga ba tayo huling nagkita?" Wika ni Cesar.
"A-ah? Sa graduation ata." Sagot naman ni Jean. Winagawayway naman ni Migz ang kanyang kanang kamay bilang sign ng Bye. At doon nagtatapos ang usapan nila nang may napansing kakaiba si Jean. Tumingin siya sa bintana ng tren upang tingnan ang dinaraanan ng tren. Hindi lang pala si Jean ang nakapansin kundi ang iba pang pasahero rin na sina Tess, Becky, Joshua, at Nicole.
Tumayo si Joshua at pumunta sa bintana upang tingnan ulit ang dinaraanan ng tren.
"Ano ba naman ito? Pauwi na nga lang ang dami pang kamalasan!" Iritang sabi ni Joshua. "Baka akala nilang wala nang pasahero." Wika naman ni Nicole. Nakapansin narin ang matandang babae na si Manang Delia at nagsalita ulit bilang panalangin.
"Magpalit loob tayo sa panginoon!" Paulit-ulit na sinabi ni Manang Delia habang natataranta ang ibang pasahero dahil sa mga nangyari.
Napansin ni Dino ang isang Trail Map na nasa bubungan ng tren. Hindi niya ito pinansin at nagsalita nang mahinhin ang binata.
"Baka nalito lang yung driver. Don't worry magiging safe rin tayong lahat." Napayuko lamang si Julia dahil nag-alala siya sa mga nangyaring naganap.
Papahinto na ang tren at sila ay napadpad sa abandonadong istasyon ng Mabini. Gusto na nilang lumabas ngunit hindi parin nabuksan ang pinto. Pumunta si Joshua sa harapan ng tren para kausapin ang driver ngunit nabigo siya. Paulit-ulit niyang kinakatok nang malakas at sinisipa ang pintuan. Sumisigaw narin siya na parang wala na siya sa sarili. Nagsalita ulit si Manang Delia at uminit ang ulo ni Joshua dahil sa galit.
"Hey! Shut Up." Sigaw ni Joshua habang salita lang nang salita si Manang Delia.
"Shut Up!" Tumahimik ang lahat pati narin ang matandang baliw.
"Ang mga taong nakikisabay sa demonyo ay masusunog sa impyerno!" Sigaw ni Manang Delia ngunit binabanewala lamang ito ni Joshua. Nagpatuloy parin siyang kumatok at dumating narin si Cesar para pakalmahin at tulungan ang lalaki.
Sinubukan ni Cesar na buksan ang pinto at siya ay nagtagumpay. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil walang tao sa loob. Pumasok narin si Joshua sa loob para makialam. Gusto nilang lahat na makalabas na sila sa tren kaya sinabi ni Joshua na pindutin ang lahat ng buttons, mabuksan lamang an pintuan ng tren. Pinigilan ni Cesar si Joshua dahil sa kanyang balak. Meron din daw siyang alam para mabuksan ang pinto. Pinindot niya nag tatlong beses ang Blue Button at makalipas ng ilang segundo ay bumukas lahat ang mga pinto sa tren. Agad nagsilabasan ang lahat na pasahero sa tren at agad nagsipuntahan sa gate ng istasyon.
Nahuling lumabas sina Jean, Migz, Tess at Cesar dahil umatake ang asthma ni Migz. Agad namang tinulungan ni Tess ang bata at ibinigay niya ang paper bag para makahinga ang bata nang mabuti. Nagpasalamat naman si Jean sa ginawa ni Tess at nakapaghinga narin nang mabuti si Migz. Lumabas narin di Tess at dumiretso sa gate. Nahuli naman sina Jean, Migz at Cesar dahil nag-uusap sila habang naglalakad palabas ng tren.
"Nahanap mona ba ang babaeng mamahalin ka nang tunay?" Tanong ni Jean at nagulat naman si Cesar sa tanong nga dati niyang kaklase. Hindi na niya sinagot ang tanong ni Jean dahil hanggang ngayon daw ay hindi pa nakakamove-on si Cesar sa kanilang relasyon noon. Pumunta na sila sa gate para makalabas na sila sa abandonadong Mabini Station.
YOU ARE READING
Deadly Station
HorrorDeadly Station is a short story and it is based on the movie series "Shake Rattle And Roll 8-LRT" The story is all about the passengers in the last trip where they want to escape from the monster in the abandoned station of Mabini.