Nakababa na sila Jean, Migz at Cesar. Naglalakad lamang sila dahil inakala nilang ligtas na sila. Ngunit nagkamali sila dahil nakarinig sila ng kakaibang tunog. Yun pala ay paprating na sa kanila ang halimaw.
"T-takbo!" Sigaw ni Cesar habang bitbit niya si Migz.
Kumaripas ang kanilang takbo dahil sa takot hanggang sa nadapa si Migz. Agad naman nila itong itinayo at biglang nagsalita si Jean.
"C-cesar! Hindi totoo yung s-sinabi ko kanina na huli t-ayo nagkita sa.. Sa Graduation. Kundi s-sa airport." Hingal na sabi ni Jean kay Cesar. Nag-iwan din naman ng salita si Cesar.
"Hindi importante kung saan tayo huling nagkita, basta ang m-mahalaga ay ligtas kayong dalwa kaya tumakbo na kayo umalis na kayo dito!"
"" Lagi mo itong tatandaan Jean, I Love You until the End." Bulong niya kay Jean. Walang magawa ang mag-ina kundi sundin ang utos ni Cesar. Tumakbo sila nang mabilis para makatakas at para rin makahanap ng tulong.
Nakita ni Cesar ang isang tubo. Binali niya ito at ginawa niyang panlaban sa halimaw.
"Hoy! Nasaan ka? Humarap ka sakin ngayon din!" Nagmamalakas-loob na sabi ni Cesar. Hindi kalaunan ay dumating na ang halimaw na nanggaling sa taas. Nanlaki ang mga mata ni Cesar dahil nakarating ito agad sa kanya.
Hindi nagdadalawang-isip si Cesar at tinusok niya ang puso ng halimaw gamit ang tubo. Dahil sa pagkatusok ay gumanti ang halimaw at tumusok ito sa puso ni Cesar. Habang nasasaktan ay binabanewala niya ito. Kung palalim nang palalim ang pagkatusok sa puso ng halimaw ay gayundin kay Cesar hanggang sa nawalan na ito ng lakas at binawian siya ng buhay. Habang nakahandusay ay tumutulo rin ang kanyang luha.
Nakita ni Jean ang buong pangyayari at siya'y napasigaw.
"C-cesa-" Tinakpan niya ang kanyang bibig dahil marinig ito ng halimaw at baka siya na ang susunod na mamamatay. Nagpatuloy sila sa pagtatakbo hanggang sa nakita nila ang dalawang pulis na nagbabantay.
"T-tulungan niyo po k-kami!" Hingal na sabi ni Jean.
"Miss ano pong nangyari?" Tanong ng mga pulis.
"M-may halimaw.. Pinatay na silang l-lahat." Nagulat ang mga pulis sa kanilang narinig at itinanong nila kung meron bang nakatakas.
Sinabi ni Jean na meron daw pero hindi siya sigurado dahil inisip niyang patay na sila. Ang tinutukoy niya ay walang iba kundi si Dino at Julia. Pinasakay sila sa sasakyan ng mga pulis at agad silang nagpahinga.
Pumunta sila sa Police Station upang ipahayag ang buong pangyayari. Pinadala ni Chief Commander Ernesto Gomez ang mga biktima sa Uno- Kulungan sa ilalim ng istasyon. Agad namang kumilos ang mga pulis psti narin sina Jean at Migz.
Pumunta sila sa Uno para doon magpahinga. Nagulat na lamang siya dahil nakita niyang nakaupo si Julia sa loob ng kulungan. Pumasok na sila sa kulungan at agad itinanong ni Jean kung anong nangyari. Ang sabi ng dalaga ay siya lamang at nakaligtas at patay na ang kanyang kinakasama na si Dino.
Pumunta ang Head Officer na si Emilio De Jesus sa room ng Chief Commander para kausapin si Ernesto Gomez. Nagalit ang Head dahil merong nakaligtas sa trahedya sa tren. Inutos niya na patayin silang lahat ngunit nagmamakaawa ang Chief dahil ang isa sa nakaligtas ay bata. Habang nagmamakaawa ay hindi ito pinansin ng Head. Gusto parin niyang ipapatay ang mga biktima.
Habang naghihintay sila Jean, Migz, at Julia sa mga pulis ay may napansin silang anino na paparating sa kanila. Nakarinig rin sila ng tunog na kakaiba na katulad nung sa abandonadong Mabini Station. Yun pala ay isa itong halimaw at papunta ito sa kanila. Nanlaki ang kanilang mga mata dahil nagtataka ito kung bakit nakapasok ang halimaw sa Police Station. Tinitigan lang nila Jean at Julia ang halimaw at inatake naman ng Asthma si Migz. At dahil sa kanilang takot ay napasigaw sila at sila'y namatay.
PS:
Ang halimaw ay kinupkop nila Chief Commander Ernesto Gomez at Head Officer Emilio De Jesus. Pinatira nila ito sa abandonadong Mabini Station. Inalagaan nila ito at pinakain sa paraan na pumatay ang halimaw ng tao at kainin ang lamang-loob. At dahil sa kanilang takot na masangkot sila ay inilihim nalang nila ito at magtatatlong taon na sila sa kanilang ginagawa.
YOU ARE READING
Deadly Station
HororDeadly Station is a short story and it is based on the movie series "Shake Rattle And Roll 8-LRT" The story is all about the passengers in the last trip where they want to escape from the monster in the abandoned station of Mabini.