Amalia

54 0 0
                                    

this is my first story hope you will like it...

Chapter 1

"Amalia, halika na... may iba pa tayong lalakarin pagkatapos nating magsimba.," yaya sa akin ng aking inang si Carmelita.

Dali-dali akong lumabas sa aking silid at sumama na sa aking inay palabas ng bahay,

Ako nga pala si Amalia., 20 taong gulang, nakatapos ng high school pero hindi na nakapagkolehiyo, sa hitsura kong ito swerte ng maituturing ang makatapos sa high school.. madalas akong kutyain at pagtawanan ng mga tao dahil sa aking itim na balat sa kalahati ng aking mukha kaya napilitan akong tumigil na lamang sa pag-aaral. Ayaw man ng aking ina wala na itong magawa dahil narin siguro sa awa nito sa akin... Nagpapasalamat nalang ako at laging nandyan ang aking ina para damayan ako,. Mula kasi ng mamatay si tatay kami nalang ni inay ang magkaramay wala akong kapatid at wala akong alam na iba pa naming kamag-anak.

*****

"Nay, pupunta po muna ako kay Aling Rita, ihahatid ko lang ho ang mga ipinatahi niyang mga kurtina..." paalam ko kay nanay..

Pananahi ang aking pinagkakakitaan, si inay naman ay naglalako ng mga kakanin, mabuti nalang at mayroong naipundar na makina sina inay noong nabubuhay pa si itay atleast hindi ko na kailangang lumabas ng bahay palagi..

"Sige anak, mag-iingat ka at ako'y paalis na din para makapagtinda..."

"Sige ho... wag nalang po kayong masyadong magpakapagod, ako nalang ho ang magluluto ng hapunan natin"

"Salamat anak, o siya lakad na at ng hindi ka gabihin...

Pagkagaling ko kay Aling Rita ay bumili ako ng mailuluto para sa hapunan. Siguradong gutom ang aking nanay pagdating nito galing sa pagtitinda,, pauwi na ako ng madaan ko ang mga siga sa aming barangay na sina Emong..

"hoy! amaliang pangit halika nga dito!'' sigaw nito sa akin...

sa sobrang takot ko ay binilisan ko ang aking paglalakad. Ngunit muntik ko ng nabitawan ang aking mga dala-dala ng may humawak ng mahigpit sa aking braso...

"aba't tatakbo kapa ha!'' galit na sabi ni Emong... "nasan ang pera mo?!" dagdag pa nito...

"ah,,,, Emong kasi wala na akong pera eh..." natatakot kong sagot...

"anong wala ha! may pinamili ka nyan tapos sasabihin mong wala kang pera! baka naman gusto mo pang masaktan" banta pa nito...

"wala na nga, kasi pinamili ko nito,..."sabi ko pa...

"ganun ah! hetong sayo!" akmang sasaktan na siya ni emong ng mabitin sa ere ang kanyang kamao...

pagtingin ni Amalia ay may isang lalaking humawak sa braso ni Emong...gwapo ang lalaki at mukhang mayaman sa bihis at tindig nito malalaman agad na isa itong maykaya..

"pare, ang babae hindi sinasaktan... ginagalang.." sabi ng lalaki...

Binitawan siya ni Emong at hinarap ang lalaki..

"sino kabang pakialamero ka ha?! itong si Amalia? ginagalang? bulag ka ba ha!? Hindi mo ba nakikita ang pangit nitong mukha?! ha ha ha! sabagay mukhang mayaman ka naman ikaw nalang magbigay ng pera sakin" ngising sabi ni Emong.

"even though she's ugly you still don't have the right to hurt her,,,!" sabi pa ng lalaki..

Tumabi ako sa isang tabi at nakikinig sa kanila... gusto ko mang umawat kaya lang natatakot ako kay Emong....

"pa ingles ingles kapang letse ka! Ang dami mong sinasabi"

akmang susugod na si Emong ngunit dumating ang mga tanod at binitbit nila si Emong... Bahagya pa akong nagulat nang nasa harapan ko na ang tumulong sa akin...

"Are you okay miss?" tanong niya sa akin...

"Oo.. Salamat ha..." nahihiya kong sagot..

"You're welcome, by the way I'm Derrick Smith and you are.?"

"Amalia. Amalia Sarmiento. Salamat pala sa pagtulong mo. Pasensya na rin kung naabala kapa..."

"Ok Lang... Nice meeting you... Sige alis na ako mukhang wala na naman ang mga lokong yon.. bye."

"Sige bye.. Salamat ulit..."

Sumakay na ito sa sasakyan at umalis.. Umuwi na ako.. Kinagabihan hindi ako makatulog dahil naiisip ko si Derrick.. Bukod kina nanay at tatay siya palang ang hindi natakot sa akin... ang bait bait niya at hindi siya nandidiri sa akin....  Natanong ko tuloy sa diyos kung bakit ako ipinanganak ng ganito... sana may karapatan akong hangaan ang isang  kagaya ni Derrick.

"hay naku Amalia! Matulog kana wala kang karapatang humanga! sigaw ng utak ko...

Tama wala akong karapatang humanga.........

''hmp.. makatulog na nga..."

Alam ng pusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon