Sana maibalik lahat ng mga pinagsamahan natin . Sana maibalik ang mga ngiti at ang mga spark sa iyong mga mata.
Maibalik kung saan tayo nagsimula . Naalala ko pa kung saan tayo nagsimula.Transferre pa lang ako nun . Di pa kita kilala . Hindi ko pa kilala ang mga kaibigan ko . Iba pa ang sinasamahan ko . Naalala ko na nahihiya ako sa mga bagong tao . Nakakatawa man pero hindi ko alam ang makisalamuha sa iba . Sanay kasi akong nag- iisa . At yun nga , ngingitian ko lang ang maghahi sa akin . Tatango at minsan nasa sulok lang.
Pero naglevel up naman nung nakilala ko ang mga kaibigan ko. Naging masaya . Lagi kaming nagtatawanan at nag-aasaran . Pero mas sumaya noong nakilala kita . Sa una nag-uusap lang tapos naging magkaibigan tayo . Mas lalo pa tayong naging malapit sa isa't isa .
Naalala ko pa nga kung paano ka ngumiti . Sobrang tamis tapos nagnining ang yung mga mata pagngumingiti ka. Mas nahulog ako sayo dahil don. Pag inaasar mo ko imbes magalit natutuwa ako kasi kinakausap mo ako .
Naalala ko pa kung saan lahat nagbago na kung saan hulog na hulog na ako sayo . Saka ka naman magkakagusto . Hindi ako. May gusto kang iba . Hindi lang pala iba kundi kaibigan ko pa . Naalala ko pa kung paano ako nasasaktan na nakikita kitang masaya sa piling niya.
Kung pano mo siya titigan na parang siya lang ang mundo . Na sa kaniya lang umiikot ang mundo ng buhay mo. Naalala ko pa ang mga sinabi mo na siya lang talaga ang mamahalin mo.
Nasaktan ako sa mga narinig ko pero sino ba ako para pigilan mo ang nararamdaman mo kahit gustong- gusto ko . Hindi mo naman ako ina , kapatid at lalo na walang tayo . Hindi naman tayo magbestfriend kundi simpleng kaibigan mo lang ako.
Nakita kita sa lounge . Hinalikan mo siya sa pisngi . Nagalit ako . Pero napagtanto ko na wala palang tayo . At hindi magiging tayo.
Naalala ko pa kung pano ako umiyak gabi-gabi na kung sana ako nalang ang gusto mo . Na sana ako nalang ang dahilan ng mga ngiti mo . Tinanong mo pa nga ako kung bakit magang- maga ang mga mata ko . Kung umiiyak ba ako . Pero kahit kating-kati na ako na sabihin ang nararamdaman ko , sinabi ko nalang na kinagat lang ako ng langgam kasi pag nalaman niya ang totoo, masisira lang ang ang pagkakaibigan natin . Lalayuan mo lang ako .
Noong naging kayo . Mas umiyak ako pero winalat ko sa isipan at sa puso ko ang nararamdaman ko kasi alam kong masaya ka at masaya siya kahit durog na durog na ako .
Naalala ko pa hindi mo na ako kinakausap . Hindi mo na ako kinukulit . At wala ka nang time sakin kasi lagi kayong magkasama . Hatid-sundo mo pa nga siya . Naisip ko na dapat na akong masanay na di na maibabalik ang dati . Na dati tayo ang magkasama . Na hinahatid-sundo mo pa ako kasi meron ka nang iba at hindi dapat ako magdemand sayo.
Naalala ko pa kung pano ka umiyak sa tabi ko kasi nagkahiwalay kayo . Naalala ko pa kung pano mo siya habulin at suyuin . Araw-araw mo siyang pinupuntuhan sa bahay nila para magharana . Nagpatulong ka pa nga sakin kung pano sumuyo . Alam kong martir na ako pero kasi mahal kita .
Nalaman kung may sakit ako . Sakit sa puso . Na mamamatay na ako . Alam na ng lahat pwera lang sayo . Ayaw kong sabihin kasi mawawalan ka lang ng time sa kaniya at baka di kayo magkabalikan kaya sinikap kong itago lahat sayo .
Noong nagkabalikan kayo . Bumalik ulit ang sigla mo . Masaya ako kahit wala na akong pag-asa sayo kasi alam kong may mag-aalaga na sayo at may magmamahal sayo nang higit pa sa pagmamahal ko sayo . Nakakatawa man pero di ko na namalayan na pumatak na ang luha ko . Ang pinakahuli .
Naalala ko pa na lumiban ako sa klase ng isang linggo . Akala mo mo ay may bakasyon lang kami pero ang totoo ay nasa hospital ako para magpagaling . Malungkot kasi walang kumukulit sa akin . Nakakainip kasi di kita nakikita at baka di na kita makita . Nawalan na nga ako ako ng pag asa lalo na nakita ko ang status mo . Napangiti na lang ako . Ito na siguro ang nalalabing oras ko . Pero kahit ganito ay masaya ako kasi magpapakasal ka na sa kaniya . Masaya ka na . Na sa wakas pagkatapos ng unos na pinagdaanan niyo at ang pagsuyo mo . Kayo pa rin ang magkakatuluyan . Ang masasabi ko lang sa hangin ay . . .
Naalala ko pa ang mga pinagsamahan natin.... na naging parte rin ako ng buhay mo
Na mahal kita
BINABASA MO ANG
Naalala Ko Pa (Completed)
Short StoryHow can you forget the memories you shared with him , the person you love . If everything you see and everything you do reminds you him . How can you forget your bestfriend who made you feel love , pain , hope . What will you do if you're so close t...