eh...ikaw?

183 6 4
                                    

Musmos na kaisipan, murang edad

damdamin ang nakaaangat

pagkatao'y malayang napapahayag

damdaming hilaw sa panahon ngunit tapat.

Damdaming nakatago, nagbabadyang kumawala

pilit nilalabanan sapagkat di maihayag

puso'y sumisigaw isipang tikom

damdaming di mapahayag.

Damdaming malayang pinaparamdam

puso't isipay pareho ang nilalaman

pilit pinipigilan upang kapwa di masaktan

damdaming pagkakataon ay di maaring pagigyan.

Minsan akala mo umaayon na ang lahat 

subalit isang panig lang pala ang nakararamdam 

habang ang isa ay naalala ka dahil limot siya ng iba

damdaming isang panig lamang.

Distansiya ay sadyang balakid.

sinusubok ng pagkakataon at panahon

pilit lumalaban alang-ala sa kabiyak

damdming magkalayo di maiwasan ang pag-iyak

Masayang magkasama at nag-uusap

kapwa pinadarama anh damdaming nagliliyab

di alintana ang tao sa paligid , ang mundo ay pag-aari

damdaming mapagbigay at matapat pawang naghahari.

Taon ay lumipas, buhok na kumupas 

pinatatag ng pagkakataon, pinagtibay ng panahon

di bumitaw, kasiyaha'y walang hangganan ang tanging pabaon

damdaming subok na ng panahon.  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

eh...ikaw?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon