1

13 0 0
                                    

please enjoy the story:))

_________________________________________________________

FAITH POV

Hi!! I’m Faith Mercado and this is my story… pinaganak ako sa isang pamilyang may matibay na pananampalataya kay Lord and I’am happy for that.:) pero may isang taong bumihag sa akin puso at ito ay si Carl Lorenz Pineda.. masasabi kong he’s a boyfriend material pano ba naman.. matalino, mayaman, gwapo at higit sa lahat mabait.. pero hanggang ngayon alam kong may kulang pa sa relasyon namin.. kasi hanggang ngayon wala pa si Lord sa puso niya.. kung ilang beses pumasok ang topic na yun ay ilang beses na rin kami nag-away.. Pero hindi ako susuko.. kasi mahal na mahal ko siya..

*Kring kring kring*

Milk nandito na ko sa labas.

O sige coffee bababa na ako wait lang..

*toot* *toot*

Papasok na kami sa office siguro naging routine na rin ni Carl na sunduin at ihatid ako kahit alam kong out of way ang bahay namin pinagsabihan ko na nga eh mapilit pa rin eh…

 Let’s go..

Pinagbuksan niya ako ng sasakyan at dali dali naman akong sumakay.. naging tahimik kami sa buong byahe paano ba naman ay sobrang busy namin nakaraan.. at ngayon namin i-pepepresent ang aming proposal. Sobrang kinakabahan ako sa pwedeng mangyari.. by the way.. I’am an Engineer and si Carl naman ay Architect at dahil lovebirds daw kami.. kami ang laging tandem sa mga projects.. nakarating na kami sa opisina. At nandito na kami ngayon sa conference room.. hinihintay na dumating ang clients…

Natapos na din ang presentation.. at I’m happy to say successful ang presentation at sisimulan na ang construction next week.. at alam kong lalo kaming magiging busy.. hindi niyo natatanong napakalapit sa aking puso ang project na ito.. alam niyo ba ang project namin ni Carl ay ang church kung saan ako lumaki at nagkaisip..

A month later…..

Nandito ako ngayon sa site namin.. nasa finishing stages na kami.. at magkasama kami ni Carl dito sa isang maliit na barracks at eto nagtatalo na naman kami.. T.T

Arch. Pineda.. hindi pwede ang mga gantong kulay.. Hello church ang tinatayo natin hindi bar!!

Ganto talaga kami kapag nasa trabaho… that’s called professionalism….

Engr. Mercado.. ganto ang design ko!!! Kung may problema ka hindi ko na problema sayo yun…

Arch. Pineda….

That’s enough milk!!! Alam na alam ko na ito.. isisingit mo na naman yang tungkol sa LORD mo!!!!

Coffee wait!!!

Sabay akong nilayasan.. hay kailan ba talaga siya magbabago???

CARL POV

Coffee wait!!!

Yun na ang huling narinig ko kay Faith.. Umalis na ako doon sa barracks kasi alam ko na naman na ang patutunguhan noon.. Ipipilit na naman nya yung tungkol sa panginoon nya… Panginoon nya na kailanman hindi ako kilala… paano ko masasabi yun I just want to share something.. lingid sa kaalaman ni Faith ay dati akong song leader ng church namin.. I always believe in him kahit hindi ko siya nakikita pero nagbago ang lahat..... na diagnose ang aking mother ng ovarian cancer stage 4.. nagtiwala ako sa kanya.. ilang beses akong humuling sa kanya na pagalingin niya ang aking ina pero ano.. wala!!! Hinayaan niya lang mamatay ang aking nanay… at hindi pa siya nakuntento pati ang tatay ko kinuha niya… halos wala ng natira sa akin.. ang pinaka-iingatan kong pamilya ay nawala at ano ako ngayon MAG-ISA!!.. wala siya.. Nasan yung Lord na yun ng pinaka kailangan ko siya diba wala!!! Ako lang mag-isa!!!

*crash* *crash*

Agad agad akong lumapit sa kinauumpukan ng mga tao.. may nahulog yata eh..

Foreman anong nangyari???

Sir!!! Si mam po nahulog!!! Nahulog?? Si milk nahulog??? Dali dali akong pumasok sa loob ng napakaraming tao at nakita ko si Milk na nakahandusay sa may sahig at naliligo sa sarili niyang mga dugo… wag naman please!!!! Kaya dali dali ko siyang binuhat at dinala sa pinakamalapit na ospital hindi ko na yata makakaya na may mangyayari pa sa kanya siya na lamang ang tanging meron ako…

FAITH POV

Nag-walk out na naman si Coffee.. everytime na lang ba.. kailangan niyang mag-walk-out kapag yun na ang topic.. maka-akyat na nga sa second floor at kailanagan ko pa siyang tignan yung ginagawa sa taas….shemay.. mali ako ng natapakan..

*crash* *crash*

The lasting I know nakahandusay na ako at naliligo na ako sa sarili kong dugo. At nakatingin sa akin si Carl na may pag-aalalang mata… unti unti ng pumipikit ang aking mga mata hanggang hindi ko na kaya pang imulat.. namalayan ko na lang binuhat ako ni carl….

Lord, kukunin mo na ba ako??? Masaya akong sa wakas makakapiling na kita.. Lord sorry ha.. nabigo ako.. hindi man lang kita napakilala sa taong pinakakamahal ko… Lord pwede po bang humiling??? Kayo na po bahala sa maiiwan ko.. at sana po bigyan niyo po si Carl ng taong magmamahal sa kanya ng tunay gaya ng pagmamahal ko sa kanya at ang taong magpapakilala sa kanya ng tungkol sa iyo kasi parang hindi ko na magagawa yun eh…

CARL POV

Dinala ko agad si Faith sa pinakamalapit na ospital.. dinala na siya agad sa operating room at naiwan ako dito sa labas.. na nag-iisa… anong gagawin ko?? Hindi ko kaya na pati siya mawawala… habang nakatayo ako sa labas ng operating room. Napaupo na lang ako sa may malapit sa pinto ng operating room…

Nagulat na lang ako ng biglang may tumabi sa aking isang matandang babae. Ng nakita ko ang mukha niya.. siya pala ang nanay ni milk.. agad agad akong inakap ng nanay ni milk..

Anak wag kang mag-alala.. hindi pababayaan ng Panginoon si Faith.. manalig ka lang sa kanya..

Manalig??? Tita,, parang napakahirap namang gawin yun…

Anak wag kang magsalita ng ganyan..

Tita alam mo hindi naman ako pinakikinggan ng Panginoon niyo eh.. lagi niya na lang kinukuha ang mga taong mahal ko una ang nanay ko, pangalawa ang tatay ko ngayon naman si Faith.. Ganun ba ko kasama para parusahan ng ganito?? Bakit ako pa!! nasan siya ng pinakailangan ko siya..

 Carl, alam kong maraming katanungan sa iyong puso, kung bakit nagyari ang mga bagay pero isa lang ang i-aassure ko sa iyo at ito ang lahat ng bagay ay may dahilan.. minsan talaga masakit ang mga nangyayari pero kailangan lang natin itong tanggapin ng maluwag sa ating puso.. iyong pakatandaan Carl na pagkatapos ng bagyo ay sisikat muli ang araw…

Hindi ko alam ang nangyari sa akin pero feeling ko binuhusan ako ng malamig na tubig matapos kong makausap ang nanay ni Milk.. Marahil matagal akong nabuhay sa dilim.. at siya lagi ang aking sinisisisi..

Pagkatapos ang pag-uusap namin ni tita ay sinimulan ko na ulit ang aking bagong buhay. Hindi na katulad dati.. at ngayon ay Sunday kaya nandito ako ngayon sa aming church… napakahirap naman nito wala man lang akong kasama… Sa mga nagtatanong kung kamusta na si Milk ko.. ayun nakasuot na siya ng puti.. hephephep hindi pa po siya patay.. kasama po kasi siya sa choir ng church namin kaya nandun siya sa harap..

FAITH POV

Masayang masaya ako ngayon kasi nagbalik na si Coffee ko..  kailangan pa palang maaksidente ako para lang mabago ang paniniwala niya.. alam niyo ba pagkagising na pagkagising ko sa pagka- comatose ay siya agad ang nakita ko at ang pinaka kinagulat ko ay may hawak siyang isang libro.. hindi lang simpleng libro kundi isang BIBLE!!!!

Ngayon I can proudly say na

Carl won my heart, I won his soul

He win my heart, I will win his soul (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon