PROLOGUE

402 3 3
                                    

PROLOGUE

Napairap na lang si Grae sa hangin ng matanaw ang mga kaibigan na agad-agad na tumakbo sa dancefloor pagkapasok na pagkapasok pa lang nila sa bar na iyon.

Padabog na naglakad siya papunta sa counter para umorder ng maiinom. Tss. Natutulog dapat siya ngayon o di kaya ay kinukumpuni ang mga sirang kotse sa garage niya pero nasaan siya ngayon? Nasa pesteng bar na 'to para maging tagabantay ng mga baliw niyang kaibigan.

"Margarita, koya." Sabi niya sa bartender sa counter. The bartender smiled at her and leaned closer to face her.

"Anong ginagawa ng minor de edad dito?" Nakangisi nitong tanong.

She narrowed her eyes. Mukha ba siyang 18 years old? Kainis 'tong lalaking to eh.

"Koya, madilim po dito kaya akala mo under age ako."

"Oh, talaga? I shoud've known. Paano ka ba nakapasok dito?"

"Malamang ginamit ko ang pintuan. Saan pa ba ang pwedeng pasukan?" Naiinis na sagot niya ay sa pagkamangha niya ay tumawa ito ng malakas.

"Masyado ka pang bata para malaman kung saan pa ba ang dapat pasukan." Ngising sagot nito.

Nanlalaki ang mga mata niya nang makuha niya ang ibig sabihin ng sinabi nito.

"Ano ba? Bartender ka ba dito o pulis? Nasaan na ba ang order ko?" Naiinis na sabi niya.

"Pero-"

"It's okay. She's with me," A familiar voice from her behind said.

Gulat siyang napabaling sa likod niya at nakita ang lalaking ilang buwan na niyang iniiwasan. Her cousin.

"Theo!" Shocks, bakit ang lakas ng tibok ng puso niya? Be still heart. Pepeng dasal niya. She's afraid that her cousin might her the loud beating of her heart.

He is just standing there, looking at her. Damn, why does he have to be so gorgeous in those simple shirt and jeans? He looks so yummy and she wants to-

Stop! Stop right there, Grae! Suway niya sa malikot niyang isip. This is not right, she shouldn't feel this way to her cousin.

"What are you doing here?" Napatingin siya sa labi nito. Haayys, what would it feel to be kissed by thos-

"Grae!"

"What?"

"Nakikinig ka ba sakin?" Tanong nito.

"Oo naman. Ano nga ba sabi mo?" Humarap siya sa counter.

"Koya bartender, bigyan mo nga ako ng margarita. Wag kang mag-alala hindi ako menor de-edad. Pakita ko pa sayo birth certificate ko eh."

Agad niyang tinungga ang alak na linapag ng bartender. Nanunuyo ang lalamunan niya dahil sa lalaking nasa tabi na niya ngayon.

Hindi niya namalayan na marami na pala siyang nainom at buong akala niya ay umalis na si Theo pero laking gulat niya ng makita ito sa tabi niya at matamang

nakatitig sa kanya. Hinarap niya ang binata.

"Theo, sayaw tayo. Bilish shayaw tayo." Natamaan na talaga siya ng alak. She has a very low tolerance in alcohol.

"You're drunk, Grae. Let's go home." Tumayo ito at akmang hahawakan siya sa braso pero umilag siya.

"Huwag mo 'kong hawakan," Sa nanlalabong paningin niya ay nakita niya ang pag tiim ng bagang nito.

"You're drunk. Let's go home." Tiim bagang ulit nito.

Tumawa siya. "Hindi pwede. Uwi ka mag-isa mo." Tinungga niya ang bote ng alak na nasa kamay niya ng may biglang umagaw nito.

Forbidden TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon