CHAPTER 2
Nakatingin lang si Grae sa labas ng taxi. Even after 4 years she can still recognize the smell of Metro. There's nothing much have change, just new constructions and renovations.
Inihinto siya ng driver sa isang malaking bahay sa isang exclusive sudivision.
She thanked the driver and got off the taxi.
Nag-doorbell siya sa gate ng bahay. Seconds later ay may nagbukas nito.
"Man-" She stopped nang hindi ang pamilyar na mukha ni Manung Arturo ang nakita niya. Instead it's a young boy.
"Po? Sino po sila?"
"It's Grae. Nandiyan ba sila Mommy?" Tanong niya. Nanlaki naman ang mga mata nito.
"Maam Grae? Ikaw po ba yan?Pasok po kayo." Linuwagan nito ang pagkakabukas ng gate. Pumasok siya.
Ngumiti siya sa binata. "Nandiyan ba sila Mommy?" Ulit niya.
"Naku Maam. Wala po sila dito umalis.-"
"Ah ganon ba?Sige pasok na ako. Napagod ako sa biyahe." sansala niya sa iba pa nitong sasabihin.
"Ah,ako na po ang magdadala ng mga gamit niyo Maam." Presenta nito.
"It's okay I can manage."
Naglakad na siya papunta sa main door ng bahay.
Pagkapasok na pagkapasok palang niya ng bahay ay napansin niya agad ang malaki niyang portrait na nakadisplay sa dingding.
Just looking at it masasabi na malaki talaga ang pinagbago niya. Kung 'nung una ay negra siya dahil sa kabibilad sa araw but just looking at her right now, she's already grown up
she has perfect curves at the right places. Hindi mo aakalain na nung kabataan niya ay para siyang taong grasa dahil sa kakukumpuni ng mga sirang sasakyan sa garage nila.
Hilig na talaga niya ang pagkumpuni ng mga sirang sasakyan kaya hindi nakakapagtaka kung ganoon ang hitsura niya noong una.
"Sino sila?" Napatingin siya sa babaeng nakasout ng uniform ng mga katulong.Oh, newbie. She's around her age maybe.
Nginitian niya ito. "Can you take my things at my room?"
Tumaas ang kilay nito. "Sino ka ba?" Oh. This girl has the attitude. I like it. She thought unconciously.
Tinaasan din niya ito ng kilay. "It's okay. Ako na lang ang mag aakyat ng mga 'to. You can go back to what you're doing."
Pasalamat ito pagod siya sa biyahe dahil kung hindi naku! Tadtad ito sa mga mura niya.
Naglakad siya papunta sa hagdan.
"Teka sandali." Hinawakan nito ang braso niya dahilan kung bakit natigilan siya.
"Saan ka ba pupunta?"
"Sa taas. Saan pa ba?" Nakataas ang kilay na sagot niya. Malapit na talaga siyang mairita sa babaeng 'to.
Iwinaksi niya ang braso sa hawak nito. Napaatras ito. Nagpatuloy naman siya sa pag akyat at buti naman at hindi na siya ginambala pa ng babae.
Pagkapasok niya sa kwarto niya ay dumeretso agad siya sa banyo. Nanlalagkit na ang katawan niya sa pawis kaya kailangan na talaga niyang maligo.
Napabuntong hininga siya ng lumapat ang malamig na tubig sa katawan niya.
"Oh, heaven." She was scrubbing her body when a loud knock was heard outside the bathroom.
Kumunot ang noo niya. Sino naman ang kakatok sa pinto ng banyo niya. Wala naman dito ang Mommy niya.
Sino pa ba ang may alam na nandito siya sa bahay? E di ang pakealamerang newbie na 'yun.
"Naku, kung malaman ko lang na siya ang nasa labas ng pinto. Matatadyakan ko talaga ang babaeng 'yun. Kainis!"
Dali dali niyang kinuha ang towel niya at pinulupot sa hubad niyang katawan. Water is still dripping from her hair and body pero wala na siyang pakialam dun.
Naiirita siya sa lakas ng mga katok kaya agad-agad siyang lumabas sa shower.
"What do you want?" Binuksan niya ang pinto at natigilan ng makita ang kapatid niya na nakatanga sa kanya.
"Sis?" Tiningnan siya nito na para bang isa siyang multo.
"Kuya naman eh? Kung makakatok ka wagas. Pwed-" Natigilan naman siya ng makitang may iba pang tao sa loob ng kwarto niya.
Nandoon ang katulong kanina na nakatayo sa may pintuan ng kwarto. At isang lalaki na nakaupo sa paanan ng kama niya. Ang lalaki na ilang ulit na niyang dinasal na sana ay hindi niya pinsan.
Nakatinginan sila ni Theo.
Ang lakas ng tibok ng puso niya hindi niya inaasahan na makikita niya agad ito pagdating na pagdating palang niya sa bahay.
Hindi niya alam kung ilang segundo silang nag katinginan ni Theo pero siya ang unang bumawi ng tingin.
Tiningnan niya ang kuya Dark niya. "Anu kuya tutunganga ka na lang diyan? Nasaan ang yakap ko?" She pouted.
"God!Kapatid nga kita hindi lang ako namamamalikmata." Niyakap siya ng kapatid niya at nakita niya ang pagtayo ni Theo mula sa pagkakaupo.
Tiningnan niya ito at tiim ang bagang nito na nakatingin sa kuya niya. Iniwas naman agad niya ang tingin nang tumingin ito sa gawi niya.
Gumanti siya ng yakap sa kuya niya. Namiss niya ang gagong 'to.
Nang hindi pa siya binitawan ng kuya niya ay tinapik niya ito sa likod.
"Awat na kuya. Magbibihis lang ako. Tapos mag uusap tayo." Kumalas ito sa yakap niya.
"Siguraduhin mo lang ha? 'Dun lang ako mag-aantay sa labas." Ginulo nito ang buhok niya at lumabas na kasama ang katulong.
Naiwan si Theo sa loob. This is awkward."Oh? Di ka pa lalabas?" Tanong niya dito.
Ang lakas ng tibok ng puso niya and she tried her best to keep her face straight.
Theo is looking intently at her. "Grae, we need to talk."
"Ano pa ba ang pag uusapan natin?" She asked in a cold voice.
"About us-"
"Us? Walang tayo, Theo." She cut him off.
He clenched his jaw as if angry at something. Ano 'bang kinagagalit nito?
"So 'it' means nothing to you," He said in a cold voice matching his stare.
"You'll never know how it fucking means to me, Theo. Atsaka ano ba ang ikinapuputok ng butsi mo? Ha? Wala namang nawala sayo ah. It's not like it's your first time or is it?" Nang-uuyam na tanong niya. "Anong gusto mong gawin ko? Ang panagutan ka?"
She faked a laugh. So fake that it makes her want to vomit.
"Damn it." Mahina niyang usal ng maramdaman ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata.
"Grae.." Akmang lalapit ito sa kanya when she held her hand.
"Stop. Don't come near me." I might forget that you're my cousin.
Tumingin siya sa mga mata nito. "Just act natural with me. As if nothing happened between us. Forget about that night and I'll do the same. Wala na tayong magagawa roon. It's just a one night mistake that will never happen again." Pumasok na siya banyo bago pa nito makita ang mga luha niya sa mata.
Nakasandal ang likod niya na nagpadausdos paupo sa sahig ng banyo. Nanghihina ang tuhod niya.
She cried. Hard.
It takes only a couple of minutes to open the wound that she tried to heal for almost four years.
Her efforts was just put into waste.
It hurts her to say those words to Theo as if what happened between them means nothing to her, heck it means everything to her.
Inunahan na niya si Theo dahil alam naman niyang 'yun din ang sasabihin nito sa huli. Mas mabuti nang sa kanya nanggaling ang mga salitang iyon dahil sigurado siyang she will breakdown kung sa mga labi mismo nito nanggaling ang mga iyon.
Hindi sila pwede 'yun ang kailangan niyang isaksak sa kukute niya.
BINABASA MO ANG
Forbidden Temptation
General FictionSYNOPSIS: Theo Nemesis is one of the most successful bachelor in town. Women would die just to taste his delectable body. But who would ever know that he made a big mistake 4 years ago. A mistake that is still fresh in his mind as if it just hap...