Nag babago ang lahat kasabay ang pag lipas ng oras, Marami sainyo ay marahil nakabasa na ng ibat ibang kwento patungkol sa pag-ibig, Hindi ko alam kung napakinggan nyo na ang ganitong klaseng kwento pero sana magustohan nyo ang kwento ng buhay ko.
Magandang buhay! Ako si Christian Xavier Reyes. Chris nalang for short. (Screen name Lang po iyan) anak po ako ni Anthony at Anna Reyes, 20 years old. Nakahiligan ko na atang mag sulat at tila bang diary ko na ang aking laptop.
Isa akong mabait na bata, lagi akong sumusunod sa payo ng aking magulang, may mga pailan-ilang kalokohan nga lang pero hindi naman ganun kalala, ka gragraduate ko lang sa kursong IT sa isang hindi masyadong kilalang paaralan. Dalawa kaming magkapatid ako ang panganay at kaisa isang lalake at ang kapatid ko namang babae ay si Charlene na nasa 1st year High School palamang.
Paano ba ako mag sisimula? Mag simula tayo sa pangalang ng aming lugar. Matatagpuan nyo ang aming munting tahanan sa Taguig, sa dami ng pagababago madami nading naidagdag na bagong daan at gusali kya tinawag na itong Mckinley hill. Simple lang ang aming bahay, may paupahan ito kayat madaming tao dati dito ngunit paisa-isa nadin silang nagsi-alisan buhat nadin ng pagbabago.
Ang lolo at lola ko lumipat nadin, lumipat na sila sa langit 2 years ago. Hindi ko alam kung tumatakas padin si lolo palabas ng bahay tulad nung nandito pa sya sa lupa.
Mabilis ang ang pag lago ng lugar, tila bang kabute ang mga condo at iba pang gusali na nag sisitayuan dahilan nadin ng pagkahina ng paupahan naming pamilya.
Marami na ang nag bago, si uncle isko nga, ibinenta na ang kanyang computer shop para makapag libot sa mundo ng matagpuan daw nya ang kanyang true love. Kailangan ko din kayang mag libot ng mundo para Makita ko ang true love ko? Aish... ewan... Hindi ko alam kung saang lupalop sya ng mundo matatagpuan pero kahit ano mang pagbabago ang dumaan isa lang ang napatunayan kong hindi nag babago ang mga magulang ko at ang pag ibig nila sa isat isa.
BINABASA MO ANG
The Secret Life of Chris
Teen FictionNasubukan mo na ba mag mahal? Eh ang mag mahal ng dalawa sabay? Napunta ka na ba sa sitwasyong tumibok ang puso mo para sa dalawang tao at hindi mo alam kung sino pipillin mo? Madali lang sana pero papano kung tumitibok ang puso mo para sa isang bab...