Tulad ng nakasanayan nakaupo ako sa aming kusina habang nakatutok sa pag susulat ng aking munting kwento, nagulat ako nang biglang kumatok ang magkapatid na sila aiko at mark. Nalimutan ko na nag bebenta pala si mommy ng lutong ulam, gawa nadin siguro ng matagal nang walang nangungupahan saamin.
Agad agad namang pumasok ang dalawa at nag mano "magandang araw po tito at tita, kukunin lang po sana naming yung aming inorder na agahan" wika ni Aiko.
"Ay napaka lambing naman, huwag mo na kaming tawaging tito at tita, Mommy at daddy nalang. Total kukunin nyo ang food na inorder nyo, bakit hindi mo subukan makipag relasyon sa anak ko." Panloloko ni daddy
Napatingin nalamang ako kay daddy sa pakahiya sa sinabi nya na agad namang binatukan ni mommy si daddy
ah eh ang ibig kong sabihin relationship eh pag kakaibigan... relasyon din naman yun tsaka isa pa isang kumpanya lang naman sila nag tratrabaho, pag didipensa ni daddy.
"O sya maupo na kayo at kumain na tayo ng agahan." Paanyaya ni mommy na syang humupa sa tensyong namumuo saamin.
Agad naman naupo sila aiko at mark sa tabi ko, malakas ang tibok ng puso ko habang palihim kong ninanakawan ng tingin si aiko na nakaupo sa aking kanan, hindi naman nya ito agad napansin dahil abalang-abla ito sa kanyang telepono napaka cute talaga nya. Sinilip ko naman sa aking kaliwa si mark na halatang bagong gising at pilit pag ginigising ang sarili. Shit ang lakas ng tibok ng puso ko bakit ganito ang nararamdaman ko sakanila? Pag ibig na nga kaya ito?
Kung totoo ang mga sinabi ni Daddy, May posibilidad kaya na... Pwedeng tumibok ang puso ko para sa dalawang tao ng sabay? Sobra akong naguguluhan ngayon, hindi ko alam kung papaano nangyari ito. Mabilis akong nilalamon ng pakiramdam na ito. Hindi pa ako nasubukang makaramdam ng ganito mapa kahit kanino man. Sino baa ng pipiliin ko si Aiko o si Mark?
Ay ewan bka masayo lang akong nag iisip.
Nag brobrowse ako sa Facebook habang inaantay si mommy na abalang abala sa pag hahanda sa aming almusal, medyo espesyal ito dahil ito ang unang pagakataon naming makasama ang magkapatid at halatang gusto magpabida ni mommy sa larangan ng pagluluto.
Mabilis namang inuring ni Aiko ang kanyang upuan papalapit saakin sabay ang pangungulut "Anong pinagkakaabalahan mo?" sumagot lang ako ng "heto" sabay sap ag papakita ko ng aking telepono.
"Hoy... Kai aga-aga pambabae sa facebook ang ginagawa mo." Gulat na wika ni aiko
"Anong pinag sasabi mo, normal lang naman siguro mag browse sa Facebook"
"Ahh ok" – mukang hindi kumbinsidong sagot ni aiko
"Meron ka bang Facebook? Maari ba kitang I add?"
"ako I a-add mo sa Facebook? May gusto ka ba sakin?"
Na tahimik nalang ako at bahagyang napaatras, medyo may pagka pranka din pala itong si aiko
"Oii bat namumutla ka?... nag bibiro lang ako..." sanabayan pa ni aiko ng bahagyang pag tawa. "sabi kasi ng kapatid mo, nung studyante ka pa, ang lakas mo daw makapang chicks, Once you get them, you dump them." Dag-dag pa nito.
"Wala pa akong niligawan ah, ni minsan hindi pa ako nang ligaw..." aking pag dedepensa, "madalas sila nga ang lumalapit saakin eh... tulad ng pag lapit mo sakin ngayon." Sinabayan ko pa ng mapang akit na tingin at matamis na ngiti.
"NARCISSIST!" sagot ni Aiko na halatang nahihiya ito.
Sabay sabay kaming kumain ng agahan, Inalok nadin ni daddy ang magkapatid na sumabay sap ag pasok sa opisina, total mag kaka-opisina naman kami. Agad namang Ipinag bilin ni mommy na mag tulungan kami sa opisina.
BINABASA MO ANG
The Secret Life of Chris
Teen FictionNasubukan mo na ba mag mahal? Eh ang mag mahal ng dalawa sabay? Napunta ka na ba sa sitwasyong tumibok ang puso mo para sa dalawang tao at hindi mo alam kung sino pipillin mo? Madali lang sana pero papano kung tumitibok ang puso mo para sa isang bab...