Kabanata 1

61 1 0
                                    


"Jessica mali-late na kayo ni Kuya Jaspher mo!" Sabi ni Mommy habang nakatok sa aking pintuan.

Hindi naman ako magkanda ugaga sa paghahanap ng aking necktie. Inayos ko pa iyon kagabi at para hindi na ako maghanap ngayon. Kaso nalimutan ko naman kung saan ko iyon nai-patong o nai-sabit. Napa-sigaw naman ako nang sa wakas ay makita ito, agad ko iyon inayos at muli ay kumatok si Mommy.

"I'm coming, Mom!" Sigaw ko at kinuha na ang aking bag. Sinuri ko muli ang aking sarili sa isang fullsize mirror bago lumabas.

"'Yung necktie mo ang gulo." aniya at inayos ito. Marunong naman akong magneck tie ngunit mas maayos iyon kapag sya ang nagawa.

"Thank you po." Bumungisngis ko.

Nauna naman ako sa kanyang bumaba at dumiretso sa dining area kung saan nandoon na si Dad at Kuya Jaspher.

"Hi Dad, goodmorning." humalik naman ako sa pisngi nya. Simula pagkabata ay nakasanayan ko na ang paghalik sa kanya. Kahit tumanda ako ay gagawin at gagawin ko pa rin iyon.

"Good morning sweetie." Malaking ngiti ni Daddy.

"Morning pangit." Bati ko dito pagkaupo sa kanyang tabi ngunit agad naman akong inirapan nito. Kalalaking tao ay marunong mang-irap. Dinaig pa ako ha!

Excited na excited na akong pumasok kung kaya medyo napuyat ako dahilan para ma-late ako ng gising. I don't know kung bakit ako excited pumasok or sadyang na-miss ko lamang ang aking mga kaklase at kaibigan?

Nakaka-ilang subo pa lamang ako ay agad ko nang pinunasan ang aking labi at tumayo na.

"Tapos kana? Hindi mo pa nauubos ang pagkain mo, Jessi." sermon ni Mom.

Umiling na lamang ako at binalingan ang aking kapatid na makupad kumain.

"Kuya, make it faster. Mali-late na tayo oh, may assembly pa." Niyugyog ko naman ang kanyang balikat. Hindi ko alam kung gutom ba talaga sya o sadyang nang aasar sya at kumuha pa muli ito ng pagkain.


"Jessica, stop it. Nakain ang kuya mo." Saway ni Dad na ikinanguso ko naman.

"Bye, Dad. Bye, Mom." Humalik naman ako sa pisngi nila bago tignan muli ang aking kapatid.

"Hintayin kita sa sasakyan.'" Matamang nakatingin ito sa akin at naramdaman kong wala akong makukuhang tugon mula sa kanya kaya inirapan ko na ito. I knew it! Nang aasar lang sya.

"Goodluck for your first day, ija." Ani Dad bago ako umalis ng dining area.

Umagang umaga trip na trip na naman ako ng aking kapatid. Kundi lamang nandoon sina Mommy! Bigla namang nag-ring ang aking cellphone at agad iyon sinagot.

"Where are you? Nasa gymnasium na kami!" Ani Tammy.

"Si Jess ba 'yan?" Dinig kong tanong ni Dame sa kabilang linya.

Pinagbuksan naman ako ni Manong ng pinto kaya nagpasalamat ako dito bago sagutin ang nasa kabilang linya.

"Still, in our house, si Kuya nakain pa eh." Tinignan ko ang aking relos at bente minutoa na lamang ay magsi-simula na ang assembly. My God! Where the hell is my brother!? First day na first day ay malilate pa ata ako.

"Orayt, and oh by the way." Pagsegunda nito.

"What is it?" Kahit alam kong hindi nila ako nakikita ay automatikong tumaas ang kanang kilay ko.

"May new classmate tayo." Impit naman ang pag-tili nito at tawanan nila sa kabilang linya. Mas lalo akong nangati na pumasok, kung maaaring iwan lamang iyon ay nagawa ko na.

Ughhhhh, Kuya make it faster!

"Uhuh? I need to go, intayin nyo na lamang ako riyan." pagpapaalam ko nang mamataan si Kuya na papalapit na.

Finally!

"Bye, we'll wait for you." Sigaw nila pare-parehas.

"Let's go, Manong." Sabi niya pagkasakay ng front seat.

May inabot naman sya sa aking sandwich at isang airpot na kinuha ko naman.

"Kumuha ako para sayo kokonti lang kasi ang kinain mo. 'Yang airpot iwan mo na lang dito basta kumain ka at ubusin mo 'yan."

Pumaskil naman sa aking mukha ang malaking ngiti. Parang kanina lang ay mainit ang ulo ko sa kanya ngayon naman parang bulang na nawala. Kahit susungit sungit  at mapang-asar iyan ay napaka-maalaga naman nyang kapatid.

"Aww, you're so sweet. I love you!" Humalik pa ako sa pisngi nya bago kagatan 'yung sandwich.

Hindi maiwasang pumasok sa isip ko ang sinasabing transferee nina Tammy. I think it's a guy kasi hindi naman sila kikiligin kung hindi,'di ba?

Well then, I am pretty sure that guy is freaking handsome. Knowing my friends they have high standards when it comes to looks. Alam ko ang mga tipo ng gusto nilang lalaki at hindi ko maipag-kakaila na magaling silang pumili. Napa-ngisi na lang ako dahil unti-unti ay nagiging interesado na ako sa lalaking iyon.

"If there's a problem just call me and take care." Ani Kuya Jaspher bago kami maghiwalay sa gym marahil ay tatagpuin na rin nya ang kanyang mga kaibigan.

Takbo lakad ang ginawa ko upang makarating sa line ng grade 10. Madaming bumabati sa akin na nginingitian ko naman dahil busy ako sa paghahanap kina Tammy.

"Jessi!" Sigaw ni Dame na ikinalingon ko naman.

"Finally you're here!" Ani Zarayah at umakap sa akin.

"I'm sorry, si Kuya kasi eh." Napakamot naman ako sa batok ko.

"What's up?" Pagpapatuloy ko.

Pare-parehas silang nag-ngiting aso sa itinanong. May ininguso naman si Dame na isang lalaki na moreno at katamtaman ang tangkad.

"Sexy jaw." Napatagilid naman ang aking ulo habang tinignan ito mula ulo hanggang paa.

"Uhuh." Ngiting-ngiti na sambit ni Zarayah.

"Handsome right?"

Nakatanggap pa ako ng hampas mula kay Tammy. Kaya naman pala ganon na lang ang reaksyon nila, sadyang gwapo nga ito.

Natigil ang pagkukwentuhan namin ng magsimula na ang assembly. Pasulyap sulyap naman silang tatlo sa likuran dahil may katangkaran si Sexy guy.

Mga baliw talaga ang mga ito.

May konting orientation pa at nagpakilala ng faculty each levels. May konting speech din ang principal at nagbigay din ng speech ang student council president. Mapapansin mong may mga estduyanteng pasimple ang kwentuhan at may seryoso namang nakikinig.

Nang sinabi na magsisibalik na sa classroom upang doon na itutoy ang orientation na pangungunahan ng adviser ay Nagsitakbuhan agad sina Tammy papalapit sa akin. Muli nilang tinignan si Sexy guy na ngayon ay nakikipag-usap sa mga lalaki naming kaklase.

"Tatabi tayo sa kanya 'ha? For sure wala pa syang ka-close dito sa section natin so it's our time to shine." Ani Dame na masiglang-masigla.

Nagkukwentuhan naman kami habang naglalakad papunta sa classroom namin.

"Oo napanuod ko na 'yun. Kaso nakakabitin talaga eh. Gusto ko pa ng season 2!" Hindi ko maintindihan ang inaatungal nitong si Tammy. May kung ano syang ikinukwento sa amin na hindi ko naman maintindihan. Sa tingin ko ay hindi rin naman naintindihan nitong dalawa pa naming kasama dahil wala na silang sinabi at reaksyon.

"We're here."

Nagtigil naman kaming lahat at umayos sa sinabi ni Mrs. Uypico. Transparent ang windows ng classroom sa school na ito. 'Yung mga katulad sa korean at japanesez classrooms? Kaya makikita mo kung may nagkaklase ba o wala.

Pumasok na kami sa loob at nakipag-unahan sina Tammy sa pag-upo sa tabi ni Sexy guy. But in the end they failed. Pinalibutan sya ng mga kaklase naming lalaki.

"Dyan kami uupo, Charles." Ani Zarayah.

"Girls, nakaupo na kami dito oh. Can't you see? Maupo na lang kayo sa iba." Ani Theo na pinipilit din ni Dame at Tammy na umalis doon.

Ako naman ay naupo na sa may tabi ng window sa third row. May mga bakante pa doon at sasakto iyon para sa aming magkakaibigan. Alam kong hindi mapipilit ni Dame sima Charles na lumipat.

"Bwisit 'yang sina Charles. Hindi mapakiusapan." Ani Tammy.

Padarag silang umupo kaya napapa-lingon ang mga kaklase namin. Nagkibit-balikat na lang ako at kinulbit ang kaklase namin sa unahan para makipag-kwentuhan. Dahil alam kong sa araw na iyon ay iikot lang usapan naming magkakaibigan kay Sexy guy.

Sa kalagitnaan ng kwentuhan namin ni Richie ay umalingawngaw ang malakas na tawanan ng mga lalaki sa likuran na umagaw ng pansin namin. Malaki ang ngiti ni sexy guy na kahit ang iba naming kaklase ay napa-singhap.

"Ang gwapo nya 'no?" Tumatango-tangong saad ni Richie.

"Uh yeah." Pagsang-ayon ko.

Natahimik lahat nang dumating muli si Mrs. Uypico. Naririnig ko mula sa mga kaklase ko na sana lang ay wala na 'yung introduce yourself dahil pang-elementary lang iyon at magkakakilala na kami.

"Omg, sana may introduce yourself para naman malaman natin ang identity nya."

Mahihimigan mo sa boses ni Zarayah ang excitement. Kung gaano kaayaw ng karamihan ang pagpapakilala ay sya naman gustong-gusto ng mga kaibigan ko. The last time I checked ay naiinis sila when it comes to this. And now, nagbago ata ang ihip ng hangin.

"We will start our day by introducing yourselves. Yes, I know that this is too childish but gusto kong makilala ko kayo sa mabilis na paraan. " malaki ang ngiti ni Mrs. Uypico sa amin gayon din ang tatlong babaeng katabi ko rito.

Nagsimula na nga ang proseso at unti-unti ay papalapit na sa grupo namin. 'Yung iba naming kaklase ay wala ng pakialam sa mga kaklase namin na nasa unahan upang magpakilala. Minsan ay nagtatawanan din dahil sa mga kaklaseng maloloko.

"My turn!"

Masigla namang pumunta si Zarayah sa unahan. Malaki ang ngiti nito at tinitignan ang lalaking nasa likuran, narinig ko pa ang komento nina Tammy na nasa aking tabi lamang. Napasulyap naman muli ako dito at ito ay mariing nakatingin sa unahan. Naibalik ko ang aking tingin sa kaibigang nasa unahan at mas lalong lumaki ang ngisi nito sa labi.

"Hi classmates, alam kong kilala nyo na ako but I don't care." Tumawa sya at napatawa rin ang mga kaklase namin.

"I'm Zarayah Avelino, oh, hindi ko pinsan si Paulo Avelino. I'm 16, representing Avelino's clan!" kumindat pa ito at naupo.

"Kahit kailan Ayah ang korni mo." Puna ko sa kanya ngunit kalaunay ngumisi din.

Pumunta na sa unahan si Tammy at bago pa sya magsalita doon ay napagkurot na nya agad si Franco na inaasar sya.

"Thamaia Andella Y. Garcia, 15. You can call me Tammy." Agad din syang naupo sa tabi namin.Sumunod din naman agad si Dame na sobrang laking ngisi ang nakapaskil sa kaniyang mukha. Na akala mo'y hindi sya nangangawit.

"Uhuh, really, Dame Cienna? Ang ngiti akala mo ay wala ng bukas!" Pinagtaasan ni Ayah ito ng kilay pagkaupo.

"Shut up, Ayah. Mas grabe nga ang pagkaka-ngisi mo kanina, so, if I were you just shut it off." Umirap pa ito.

Habang naglalakad ako sa unahan ay binati pa ako ng iba kong kaklase. Napa-nguso naman ako ng kaunti dahil narealize kong halos lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa akin. It's not that takot ako sa mga ganitong bagay.

Makapigil lang ang hininga ang pagtingin ni Sexy guy. Nakatagilid ang ulo nito habang seryoso akong tinitignan.

"I-I'm Jessica Therese H. Soleven, 16 years old. By the way, na-miss ko kayong lahat." Sa hindi malamang dahilan ay dali-dali akong bumalik sa aking kinauupuan na hindi pinapasadahan ng tingin ang likuran.

Nagsimula muli kaming magkwentuhang magkakaibigan sa ginawa noong summer. Gustuhin man naming lumabas noon ay may kanya-kanya kaming lakad. Kung kaya minsan ay video call na lang ang nangyayari.

"Omg guys, his turn." Saad ni Dame.

Naglakad ito papunta sa unahan nang makarating ito doon ay iginala nya ang mata sa buong klase na parang may sinusuri.

What's your name, huh?

"I am Russell Reyes, 16 years old. A new student from Illinois, Canada. Honestly speaking, I can't speak tagalog. Only basics like po and opo, the usual. So, hope that we can get along together. That's all, thank you."

Napa-singhap naman ang mga katabi ko. Ohh, so his name is Russell.

"I love his accent!" Pahayag ni Zarayah.

"Ang sexy ng voice nya." Nilingon naman ni Tammy ang likuran namin kaya tinignan ko din iyon.Nadatnan kong naka-tingin ito sa akin at pinag-taasan ako ng kilay. Nag-iwas naman agad ako ng tingin nang impit na tumili si Tammy.

"Omg! Naka-tingin sya sa akin." Aniya

Napakagat ako ng labi sa sinabi nya. Hindi pala sya sa akin nakatingin, naging assuming naman 'yata ako don. Ngunit muli ko iyon tinignan pero ganoon parin, seryoso itong naka-tingin sa akin. Tinignan ko sa mga kaibigan ko kung may isa sa kanila ang naka-tingin doon ngunit wala. He is seriously staring at me. Bakit? Hindi ko pa naman sya nakakausap ah? Ughh.

okay, got it. 'Wag assuming.

Natapos na rin ang pagpapakilala na nasundan naman na ito ng orientation. Sa aming mga old students dito ay halos alam na ang mangyayari sa mga events ngunit syempre may mga bagong student like si Sexy guy. Tsaka minsan ay may nadadagdag na activities.

Oras na ng reccess ay usap-usapan ang transferee sa section namin. Maraming babaeng din ang kinikilig habang pinag-uusapan ito.

"Instant star si Russell ah? Hindi mo rin masisisi dahil ang hot nga naman nito." Ani Dame.Akala ko ako lamang ang nakapansin o sadyang kapansin-pansin nga naman ang mga babaeng nasa paligid namin.

"I sent him a friend request in facebook. Nakakaloka ang mga pictures nya!" Saad ni Tammy habang kinakalikot ang kanyang cellphone.

Dali-dali namang dinungaw ni Ayah at Dame ang phone nito. Halos idikit na nila ang mga mukha nila dito. Habang ako naman ay busy sa paglantak sa aking biniling pagkain. Foods first before guys.

Napa-igtad naman ako nang tumili sila ng pagkalakas-lakas. Hinampas pa nila ang isa't-isa dahilan para tignan ang lamesa namin ng mga tao sa cafeteria.

"Hoy 'wag nga kayong sumigaw! Alam kong nasa probinsya tayo pero wala tayo sa bundok." Binato ko pa sila ng bottled water na walang laman.

Hindi naman sila makapag-salita dahil pulang-pula ang mukha ng mga ito dahil sa kinikilig. Tumaas ang isang kilay ko kaya inagaw ko ang phone na hawak ni Tammy.

"Ohmygosh!"

 Halos malaglag ang panga ko sa nakita kong litrato nya. Hindi ko naman akalain na sa likod ng simpleng uniform na iyon ay may itinatago itong mga pandesal. Nasa likod nya ang isang beach at ito ay naka-board shorts lamang. Nakalabas ang kaniyang makalaglag pangang abs.

Yes, halata naman na may muscles sya ngunit hindi ko namang inaasahan na ganito pala kaganda ang pangangatawan nya.

"Ang yummy nya." Inalog naman ni Zarayah ang balikat ni Dame. Samantalang itong si Thamaia naman ay kagat-labi pa rin.

Kinain na sila ng sistema. At sa malamang mas madaming babae ang maglalaway sa lalaking iyon kapag nakita nila ang litratong 'to.

His from Canada, knowing kids in western. Masyadong mga liberated at kung susuriin mo iyong lalaking iyon ay halatang liberate ito. Sanay na ito sa mga ganitong atensyon ng mga babae. Baka isa sya sa mga lalaking mahilig maglaro ng damdamin ng kababaihan.

Sayang lamang kung ganoon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 31, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Le Coeur Brisé (Russell Reyes Fanfiction)Where stories live. Discover now