Bakit ganon? Lahat ba kaya ng bagay may katapusan? Hahaha kahit ba gano katinding pagpapahalaga mo sa mga bagay mawawala at mawawala ito? Minsan makakasama mo ito ng mahabang panahon ngunit imposible nga ba kaya talagang makasama mo ito ng habang buhay? Ang hirap nga naman talaga ng buhay kahit na sino ka pa papatikimin ka ng buhay ng problemang mahirap lagpasan at pilit kang huhugutin pababa. Pano ko nasabi? Ikwekwento ko sainyo ang isa sa aking karansan sa buhay
Ako nga pala si Linux R Enriquez na kilala sa pagiging badboy sa aming paaralan. Isa sa mga pinaka kinakatakutan sa paaralan na St Matthew College. Ako ay kadalasang pinag uumpisahan ng mga kaguluhan na nagaganap sa aming paaralan. Sabi ng mga guro ko magaling naman daw ako sa klase ngunit pangit ang aking pag uugali sa classroom. Minsan ba naman ay sumisigaw ako habang nagtuturo sila ehh sino bang hindi magagalit don?? Hahahaha pero hindi ayan ang ikwekwento ko. Si Linux na badboy ay nag bago ng nahulog siya sa isang babae.Ako ay nahulog sa isang babae pero matagal ko na siyang gusto mga 3 taon na. Di kayo naniniwala?? Haha basta ako totoo yan. Pero hindi ko siya nililigawan kasi medyo torpe ako ehh. Pero ngayon na nagkaron ako ng pag kakataon dahil kaklase ko na siya ngayon ako naglakas loob. Nung unang araw ng pasukan namin nerong school year 2nd year kami neto. Pag pasok ko ng classroom nagulat ako dahil kaklase ko siya. Hahahahha yess!!! Ang saya diba?? Tuwang tuwa ako at ganadong ganado nung unang araw. Hindi pa kami close non pero gusto ko na talaga siya since grade 6. Edi ayun na nga. First day nagpakilala muna lahat ng magkakaklase dahil bagong teachee ang aming adviser hahahha kawawa sakin tong adviser namin na to. Edi nagpakilala na isa isa nung siya na ung magsasalita hindi ko alam kong tatawa ako o mananahimik kasi baka kung ano isipin nila. Hahahaha tapos nung ako na wala akong masabi nabubulol pa ako sa kaba dahil nakatingin siya sakin. Natapos yung araw na yon ng hindi kami nagpapansinan o nagusap. Noong sumunod na araw ng klase maaga ako gumising para pumasok dahil akoy excited na makita siya at makasamasa iisang classroom. Todo papogi pa ako non siyempre dagdag points yon. Pag pasok ko sa classroom namin siya agad yung napansin ko pero hindi ko pinapahalata na nakatitig ako sa kanya. Tapos dumating na yung adviser namin ayon edi nag introduction about sa kung ano ano sa rules sa bagay bagay. Hahahaha hanggang mag aayos na ng sitting arrangement. Nung inaayos na nalagay siya sa bandang harapan na upuan edi medyo nang hinayang ako at hindi ko siya nakatabi. Tapos ako naman na pwesto sa bandang likod edi badtripp!!! Hahahhaha anlayo namin sa isat isa. Tapos maya maya lang nag palipat siya ng upuan at himala!!! Sa tabi ko siya lumipat pero hindi naman talaga para sakin kasi malapit don yung kaibigan niya. Edi ako tuwang tuwa!!! Pero kunware wala lang para hindi halata. Hindi ako nagsasalita kasi im really really shy talaga.
Hanggang nag salita siya syempre ako umepal binara ko para humaba yung usapan namin edi asaran asaran. Hanggang uwian na edi ako malungkot pero masaya kasi bukas tabi ulit kami!! Hahahahhaha. Pag uwi ko online kagad ako sa facebook at nakita ko online rin siya edi agad agad ko siyang chinat. Hindi ko na maalala kung ano pinagusapan namin eh hahahaha. Edi ayon dumaan yung mga araw nagiging close na kami at lalo akong nahuhulog sa kanya. Habang tumatagal nagkakaron narin ako ng selos sa mga nakakausap at nakakasama niyang lalaki kahit na wala naman akong karapatan. Minsan bigla nalang ako mababadtrip eh ako pa naman badboy talaga pag gera gusto gera talaga. Tapos nalaman ko gusto rin siya nung dalawa kong kaibigan. Kaya medyo nagkalabuan kaming tatlong magtrotropa dahil alam namin na ang gusto naming tao ay iisa. Pero swerte parin ako kasi nga KATABI KO SIYA BWAAHAHHAHAHA. Tapos may araw na nagalit yung isang teacher namin dahil tawa kami ng tawa nalipag siya ng upuan. Badtrip ehhh panira ng diskarte. Na ilipat pa siya malapit sa isang kaibigan kong may gusto sa kanya. Naalala ko pa yon sabi nung teacher "ikaw linux tulala ka nanaman jan sa katabi mo" natawa ako non pati siya. Edi ayon medyo naguguluhan na ako. Tapos isang araw absent ako may nagbigay daw sa kanya ng bulaklak at lobo. Edi nung nalaman ko yon ng lambot ako at nalungkot. Edi hindi ko muna siya kinausap kasi nahiya ako. Pag pasok ko nakita ko siya edi wala lang bali wala parang wala lang nakikita. Edi ayon tumagal tagal may nagbigay nanaman sa kanya pero galing naman sa ibang tao. Edi wala nanaman kasi ako nga torpe edi tambak na ako. Baon na baon na ako sa lupa.
Tapos naka tyempo ako na yung adviser namin nasa goodmood inayos nanaman yung sit plan namin. Edi ayon tapos ngayon kakaiba kami ang mamimili kung saan uupo. Edi ayon wala eh gwapo ako MAGKATABI NA ULIT KAMI HAHAHAHHA. tapos yung teacher namin na pinaglayo kami pinagsabihan nanaman ako sabi niya "ikaw linux wag ka ng matutulala ah" hahahaha laughtrip eh. Edi ayon usap usap kwentuhan chikahan. Hanggang umabot na sa pagiging sobrang close. Tuwing gabi mag kausap kami sa tawag. Edi ako kinikilig hahahhaha. Dumating yung mga oras na duma damoves na ako hahaha konting pick up lines. Hahahhahaha. Edi ayun na nga. May oras rin na nagseselos talaga ako sa iba niyang kausap kasi parang answeet. Kaya ako tinatanong ko siya kung sino kausap niya. Tapis nalaman kong hindi niya nagugustuhan yung pagtatanong ko kung sino kausap niya. May isang araw na sinabi niyang "dont act like my boyfriend" boooommmm durog ako don. Ayon yung unang beses na naiyak ako ng dahil sa isang tao. Halos hindi ako makaimik non mabaliw baliw ako eh. Halos one week kaming hindi nagusap tapos nakipag usap ako at nag kaayos ulit kami edi another chance for me :) hahahaha. Tapos nag karon kami ng Sports fest sa school hahahaha edi ansaya tapos nag volleyball kaming dalaa kahit hindi ako marunong. Nag one on one kami syempre dag dag points yon. Tapos lagi akong nakaporma ng magandang damit non. Hahahaha pogi ko ehhh. Hanggang bumalik na kami sa tunay naming buhay mga araw araw na aral. Tapos na isip ko na ako naman ang dapat gumawa ng damoves. Edi ako hindi marunong manligaw papatulong ako sa mga kaklase kong babae kung pano. Edi nag karon ako ng idea pero hindi ko parin alam gagawin. Naisip ko na yung first move ko after 1 week binigyan ko siya ng bulaklak na gawa sa beads hahahahhaaha bulaklak talaga siya na gawa sa beads. Tapos sabi ko "mamahalin kita hanggang mabulok yang bulaklak na yan" pero mabubulok ba yon? Bwahhahaha edi ansaya ko kasi astig noon. Kinabukasan non gumawa naman akong origami na bulaklak tatlong piraso pero hindi ako yung nagbigay kasi im shyyyy. Edi points nanaman. Kinabukasan ulit non nag lagay naman ako ng post its na pickup lines sa desk niya. Yung mga papel na maliliit tapis may nakalagay na pick up lines. Hahahahah sweet diba.? Kinabukas non ung pangalan niya naman nilagyan ko ng meaning bawat letter. Example. L - ligaya ang nadadama ko kapag kasama kita. Yung mga ganon tapos kinabukasan non wala na hahaha naubusan ako ehhh. Halos isang linggo yon ng damoves ewan ko lang sa kanila kung kaya nila tapatan yon? Eh sakto sa susunod na linggo non birthday naman niya edi astig november 22 yon yung birthday niya. Ako planado ko na yung gagawin ko non. Pero kunware wala para walang magawa yung mga karibal ko. Para hindi rin sila maghanda para don sa birthday. Tapos dumating na yung birthday. May dala nanaman ako na mga ROSES NA GAWA SA BEADS TATLONG PIRASO YON. tapos sabi ko I LOVE YOU. galing ko non walang hiya hiya. Pero ano akala niyo ayun na yoN? Hindi pa pag dating ng lunch time. Dumating na yung kotse namin kasama ang aking mother at dala yung cake na malupit ang ganda non. Tska boquet ng lobo. Diba sweet?? Ako na the best ako. Inabot ko sa kanya yon ng harap harapan at anlaki ng ngiti niya kaya napaka saya ko. By the way nanay ko mismo nag bake non. Sumunod don ay yung mga masasayang araw na close na close na kami mayat maya kwento. Tapos dumating nanaman yung araw na nagkakalabuan nanaman kami at nagaaway. 1 week akong umabsent at napag desisyonan kong mag drop sa school namin at lumipat sa ibang school. Pumunta ako sa school namin para magpaalam kinausap ko siya na aalis na ako at lilipat ng school. Tapos umiyak siya sabi niya hindi daw dahil sakin dahil daw yun sa wallet niya. Pero halata naman na namimiss niya ako hahahahahha. Edi ayon naisip ko na wag ng umalis ng school kasi na touch ako sa pag iyak niya. Pero sabi ko lilipat na ako. Hindi niya alam na don parin ako papasok. Pag dating ng monday lahat na sila nasa classroom. Kala ng lahat lilipat na ako. Tapos pag pasok ko hahahahhaa parang mga nakakita ng multo. Edi ayon una ko siyang nilapitan kung ano ano sinabi tapos sabi niga kala niya daw lilipat na ako. Tapos blah blah blah ayos nanaman kami. Isang araw hahaha ito yung isa sa pinaka the best kong araw kumain kami nung mga kaibigan niya sa eat all you can na restaurant edi ayun kumakain kami tapos biglang dumating yung nanay niya tatay at yung dalawa niyang kapatid. Eh sakto magkatabi kami non sa lamesa edi ako hiyang hiya todo yuko buti nalang hindi na ako sinita nung nanay at tatay niya pero hahaha nakita parin kaming magkatabi. Pag katapos naming kumain ay bumalik kami sa school kasi mayroong game yung mga varsity. Noong araw rin nayon yung first picture naming dalawa. Hahahahhaha abay ginawa kong profile picture yon nung umuwi kami. Sabay nga pala kami umuwi noon kaming dalawa lang sakto pa wala kaming masakyan ng fx kaya antagal naming naghihintay. Natapos yung araw ko nayon ng napaka saya tapos nag pasukan nanaman december na yon magpapasko na. Nung mag katabi kami hiningi ko yung kamay niya tapos sinuutan ko siya ng singsing tapos tinanong niya ako sabi niya kung para saan. Angs abi ko wala lang para sayo. Hahahha pero ako nagsuot non sakanya stig diba. Hanggang nag pasko kausap ko siya non sa tawag habang pasko. Christmas break na namin kaya hindi na kami nagkita. Nagpunta kami sa hongkong nung pamilya ko kaya hindi kami gaano nanaman nakapag usap halos one week kami hindi nagusap. Tapos nag new year hahaha kausap ko nanman siya sa tawag habang nag countdown lahat para sa new year. Ang saya ehh parang lagi nalang kami magkausap. Tapos nag pasukan nanaman binigyan ko siya ng panda na stuff toy. Pinangalanan naminsiyang LUXY haha galing siya sa pangalan ko tapos babae siya para kapag kayakap niya habang natutulog hindi siya chancingan baka mamaya bastusin siya eh. Ganda nung love na love kong baliw na yon. Tapos edi ayon halos lahat ng bagay sa kanya alam ko na pati yung pag tae niya alam ko yung tunog ng hilik niya. Hahahahha ang saya diba?? Parang kami na pero magkaibigan lang kami. Pero okay lang basta napaparating ko sakanya pag mamahal ko ng buo at sobra sobra.Pero yung pinaka maskit don ngayon wala na kaming pakiilam sa isat isa hindi ko na siya gusto hindi na kami naguusap. Wala na yung maligayang kami. Haha. Yung lahat ng effort na ginawa ko nasayang lang. Hindi manlang nasuklian. Kung sa iba ko siguro ginawa ung mga yon eh matagal na niya ako sinagot. Hahaha basta ayon hindi pa yan masyadong detalyado kasi inaantok na ako hahaha gabi na ehh. Hindi na ako makapag isip basta ayan ang naransan ko sa pagmamahal kung tawagin. Binigay ko ang lahat pero wala ring nangyare hahaha. Basta ayon salamat sa pag babasa
ADYLLE LINUX RAMOS ENRIQUEZ