Chapter Two
-Steven
*Alarm sound
(hoy! Gising naaaaaa!!!!!)
(hoy! Gising naaaaaa!!!!!)
(hoy! Gising naaaaaa!!!!!)
Nagising ako dahil sa sobrang lakas ng alarm sa cp ko. Nung tiningnan ko yung oras, 9:00 am palang. Di ko naman binalak na magising ng ganung oras kase 3:00 pm pa naman aku aalis kaya nagtaka ako kung bakit nag alarm ng ganun kaaga yun. Napansin kong nakaupo sa gilid ng higaan ko si baby sherry at naka ngising tumingin sa akin.
"Ikaw yung nag alarm ng cp ko noh?"
"Sorry kuya!"
Tumakbo sya kasi alam nyang hahabulin ko syang kiliti at hayun. Takbo here, takbo there tapos natumba sya sa kama at pinagkikiliti ko naman sya.
"Sorry na talaga kuya, tama na..... hahahahah.....hahahahah" Sambit nya na may kasamang halakhak kasi sobra ko syang kinikiliti pero tinigil ko na rin kasi napagod na aku.
"Bakit mo ba kasi ginawa yun?"
"Eh, inutos lang naman sakin ni mama na gisingin ka eh sa kahit anong paraan kaya yun naisip ko kuya"
"eh bakit daw?" Tanong ko naman sa kanya
"Dahil dito" Singit naman ni mama pagpasok nya sa kwarto ko na may hawak na......
"Brand New Guitar!!!!!!!!" Sigaw ko bigla nung makita ko yung hawak ni mama
Pagka abot nya sakin nung gitara, niyakap ko sya agad.
"Sorry Nak kung ngayon lang kita nabilhan ng Christmas gitft ha"
"Ok lang po yun Ma, I Love You po"
"Love you too nak"
"Tugtog kana ng gitara kuya dali!!!" Yaya sakin ni baby Sherry
"Eto na wait lang"
Nilabas ko yung bago kong gitara sa guitar bag nya tapos nagsimula na akong tumugtog
*Guitar strum
"O kay bilis namang maglaho ng pag-ibig mo sinta"
"Daig mo pa ang isang kisap mata"
"Kanina'y nariyan lang o ba't bigla nalang nawala"
"Daig mo pa ang isang kisap mata"
Pinalakpakan ako bigla ni Mama at baby Sherry. Marunong na akong mag-gitara kasi sa school, parating dinadala ng classmate kong si Kristoffer yung gitara nya at dun ako natutong mag-gitara. May banda rin akong kinabibilangan sa school, The Rubber Band ang tawag sa amin at included dito syempre ako (beatboxer/drummer), Kristoffer (lead guitarist), Adrian (Pianist), Raphael (bass guitarist) at Edgar (vocalist). Nabuo yung grupo kasi pag may nagdadala ng gitara sa room ay nagja-jamming kamin lima sa pagtugtog at pagkanta. The Rubber Band is popular in our school kasi pag may program, lagi kasi kami nagpe-perform.
"Ah Ma?"
"Bakit Nak?"
"Pwede po ba akong umalis mamaya. Magma-mall lang kami ni Anna?"
"HA!? Date ba yan?"
"Hindi Ma! Mamamasayal lang kami" Laking sumbat ko
"Ahh, ok basta wag pagagabi ha, babae pa naman yang kasama mo"
BINABASA MO ANG
Different Worlds but Same Feelings
Teen FictionSteven James Aguilar...... Isang simple honor student ng De San Antonio Academy will eventually meet the famous but another simple valedictorian ng St. Andrews University na si Jarrie Arriane Alvarez This story is slightly true kasi actually some of...