PANIMULA

6 0 0
                                    

Hindi ko aakalain na mangyayari to sakin. Na gagawin niya yun sakin. Na akala ko langit ang ibibigay niya pero hindi pala, Impyerno ang binigay niya sakin. Akala ko Mahal niya ako pero hindi pala, Puro pagnanasa lang pala. Lahat ng pinakita niya ay pawang pagpapanggap lang. Akala ko May takot siya sa diyos pero siya pala itong demonyo..
Minahal ko siya ng higit sa inaakala niya.
Siya ang aking una. Ang aking unang kasintahan.
Ang unang Halik.
Ang unang yakap.
Ang unang nanakit sakin.
Ang una at huli kong mamahalin na akala ko ay mahal din ako.

Binaboy niya ako.
BINABOY NILA ako.
Akala ko kung sino yung  kakampi ko siya rin pala yung gagawa ng kahayupan sakin.
akala ko tutulungan niya ako.
akala ko Tutulungan NILA ako.
pero nagkamali ako, Sila rin pala ang gagawa sakin ng kahayupan.
yung mga taong inasahan kong dadamayan ako, lumayo sila. Iniwan nila ako.
Tinakwil nila ako.
Kinahiya nila ako.
Akala ko maaasahan ko sila sa mga dumating na problema sakin.
pero nag kamali ako. Sobrang nagkamali ako.
Sila rin pala tong pilit binabaon.
Ayoko na pagod na ako.
Pagod na ako sa lahat.

Pagod sa pamilya.
Pagod sa Pagmamahal.
pagod sa kaibigan.
pagod sa pagiging matatag.
 

    
Gusto mo ba malaman ang storya ko?
Gusto mo ba malaman kung ano ang ginawa niya sakin?
Gusto mo bang malaman kung anong ginawa nila sakin?
gusto mo malaman kung bakit NIYA AKO PINATAY?
Kung bakit NILA AKO PINATAY?

Halika samahan mo ko.. -Clara  

ClaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon