Ikaw pa ba? Oo.
Mahal pa ba kita? Oo.
Kumakapit pa ba ako? Oo.
Ikaw parin ba ang tinitibok nya? Oo.Umalis ka ba? Hindi.
Dumating ka ba? Hindi.
Sadyang umasa ako sa wala diba? Hindi.Eto nanaman ako.
Kinakausap ang sarili ko
Sa mga bagay na ako rin naman ako ang sasagot.
Umasa sa mga motibong puro harot.
Kasalanan ko ba
Minahal kita.
Mali nga ba
Ikaw ang sinisigaw nya.Ang sakit parin nila.
Noong mga oras na may hhhu kang iba
Sinisigaw ko sa sarili ko
"ALMA KAIBIGAN KA LANG NYA!"
Ang sakit parin ng sugat ko.
Dumudugo lumalalim humahapdi kumikirot.
Tigilan mo na!
ANG SAKIT NA!Sa bawat ngiti at tawa
Sa bawat oras na kasama mo sya.
Dumudugo sila.
Sa tuwing kayo ang magkasama
Nawawala yung ako
Nawawala yung tayo.
Nasisiraan na yata ako ng ulo
Nangangarap ng kung ano ano patawarin mo ako sa nasabi ko
Wala naman palang tayoMga ala ala mo na nagpapaalala sayo
Sa mga ngiti mo
Sa mga kwento mo
Mga ala ala ng kahapon
Mga ala alang tila biglang natapon.
Mga kwentong ating binuo
Mga imahinasyong di na mabubuo
Mga akala na akala nalang pala
Mga "mahal kita" na sa iba pala mapupunta
Mga luhang umagos bigla
Mga mata kong gabi gabing binabaha
Mga ala alang di na magkakaroon ng kasunod pa.Eto na nga ba sinasabe ko paluha/lumuluha na ako
Hahaha nagtataka ako
Di pa sila napapagod tumulo
Sa gabi gabi ko na sila na ang kasama ko
Sila na ang nagpapahambing ng mga tulog ko
Yung mga luha ko salamat at di kayo napapagod tuloy tuloy parin ang pagtulo nyo
Tuloy tuloy parin ang pagiyak ko
Ang paglanggas nila sa sugat ko
Ang pagbabasa nila sa mga unan koPero mahal sana sa pagtatapos ng aking tula
Lahat na rin ng ito mawala
Makakangiti na ako ng tunay
Di na kailangan ikaw ang kaakbay.Kaya ngayon pinapangako ko na
Kaya ko ng maging masaya
Yung wala ka
Yung puro ako
Wala ng tayo
Kasi tapos na ako sa tula na to
Tapos na ako sayo.