*screeeeeeeeeeeeeeeeeeeeech*
AN: Sorry SFX yan"Aaaaah!"- Sigaw ko nang nakagising ako. Tinignan ko ang alarm clock sa side table at nakita kong 3:00 am palang ng madaling araw nanaginip na naman ako. Pero aksidente yun. Ako na nasa loob ng kotseng itim ako ang nagmamaneho at ako ay bumangga sa isang truck, malaking truck na sa tingin ko'y 10 wheeler truck tapos duguan ako. Para akong may tinatakbuhan. Pero hindi ko alam kung ano, at nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa kadahilanang hindi ko rin alam.
-------------------------------------
"Oh they, natulog kaba ng maayos? Para kang zombie eh."- puna ni ate nung pababa ako nang hagdan.
"Opo. Pero late akong nakatulog dahil may tinapos akong assignment."- pagsisinungaling ko
"Ganun ba? Sabagay political science ang kinuha mo. Nakaka stress yan. Oh sya kain na."- mahabang litanya nya.
At nung kami ay nasa hapag na bigla syang nagtanong.
"Kumusta na ang pakiramdam mo? May naalala kanaba?"- tanong nya at ako'y napatuwid ng upo
"Wa-wala pa ate.."- sagot ko at tumungo
"Ganun ba? Sige mauna na ako ha, marami akong dapat na tapusin sa opisina eh."- paalam nyaa sa akin
"Sige po. Ingat!"- paalam ko
"Sige ikaw rin. "- sbi niya at hinalikan ako sa pisngi
*-*-*--*--*-*----*&-*-*-*&&--&'--*&&-*&**
"Hi ikaw si Cathy dba?"- sabi nung babae, classmate ko sya sa history class ko
"Ah oo, bakit?"- sagot ko
"Wala lang. Classmate tayo sa history tapos baka magkaklase tayo sa iba pa. So can I be your friend?"- mahabang litanya nya at sinabayan ako sa paglalakad.
"Oo naman. Ikaw palang ang nag alok na maging kaibigan ko salamat."- nakangiti kong payag
"Oh, I'm sorry. Nakalimutan kong magpakilala Ako si Michelle. Michelle Reyes ng Political Science II"- pakilala nya. Ang jolly nya masyado
"Hehe Ako naman Si Cathy Ro---"- nabitin ang sinasabi ko nung sumabat sya
"Cathy Rosas Romero, I know Right Kilala kita. Ikaw lang naman tong di nakaka alala sa akin sa amin."- masaya at malungkot nyang sabi pero may binulong sya sa huli na di ko narinig. Hayaan na nga baka imagination ko lang yun.
"Anong First class mo ngayon?"- pag iiba ko ng topic
"Literature sa Building F"- sagot nya
"Talaga? Dun din ako eh. Classmate na naman tayo."- tuwang sabi ko
"Destiny talaga."- sabi nya
"Huh?"- kunot noo kong tanong
"Ah eh, I mean Destiny na ang nagsasabing dapat maging kaibigan tayo."- ngiti nyang sabi
"Sana nga maging Bestfriends pa tayo."- sabi ko naman
&*+()#+$-%*&(&(*(&+$-*#&@+%(&(
BINABASA MO ANG
HELLO, It's Me Again!
Teen FictionSi Cathy Rosas Romero ay isang 1st year college sa Saint Apocalypse University (S.A.U) She's taking up Political Science. Meron syang makikilang mga bagong kaibigan na ang hindi nya alamay kaibigan nya na dati paman. Ngunit ng dahil sa isang akside...