Chapter 5

49 2 0
                                    

"Mama" tawag ng kanyang ina habang humagulgol
"Mama, huwag mo kong iwan , Papa!" hikbing sambit ng bata.

"Anak, babalikan kita, kami ng Papa mo, babalikan ka namin " ngiting sabi ng kanyang ina.
"Mag iingat ka anak"

"Ma! Pa!" sigaw ko.

Minulat ko ang aking mata, pawis na pawis ako habang hinahabol ko pa rin ang aking hininga. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayom biglang tumulo ang aking luha sa kaliwang mata ko, hanggang tuluyang umiiyak ako ng parang bata. Ayoko na gulong gulo pa rin ako sa nalalaman ko kanina, na isa pa akong prinsesa at bampira. Gusto kong mamuhay ng matiwasay at bilang isang ordinaryong tao. Miss na miss ko na sila Mama at Papa patulpy parin ako sa paghikba nang hindi ko namalayan nakatulog pala ako.

Nagising ako at bumangaon na ako at pumunta sa banyo. Alas singko pa nang umaga.

Nakita ko na may maliit na envelope nakaipit sa lamp shade. Isa palang liham.

Prinsesa, alam ko na naninibago ka pa rin sa pagkatao mo, mamayang alas nuwebe maghanda ka at may susundo sayo para sa ensayo mo mamaya, Nga pala kumain kana at sabihin mo lang ito "vez qui lous emi" dapat pabulong lang ang pagsabi mo. Goodluck mamaya!

-Zack

"vez qui lous emi" bulong kong sabi

may biglang lumabas na pagkain sa lamesang maliit katabi sa kama ko.
Isang mansanas, lechong manok, salad at kanin tas may wine?
pero hindi ata to wine, inaamoy ko ito at ang bango!. Sumisipsip ako ng konti ang sarap! hanggang sa naubos ko ito. Pagkatapos kong kumain, nacurious ako na paano kaya pasigaw kong sabi yung magic words ano kaya ang mangyayari?

"VEZ QUI LOUS EMI!" sigaw kong sabi

"Meow, sa wakas nakalaya na din ako! aghhhh, walang hiyang Rodolfo! salamat pala iha" sabi niya at sabay unat nito.

parang hihimatayin ako sa nakita ko. isang puting pusa na may pakpak ang nakita ko, kulay asul ang mga mata niya.

"Eh? w--walang anuman p--po?' utal kong sabi.

" Salamat talaga iha, Meow
ako pala si Lady. Dating katulong ni Kamahalang Romeo hindi sana ako nagkaganito, dahil sa kasakiman ni Rodolfo.... Meow
hindi ko talaga siya mapapatawad! balang araw, dadating din ang panahon na mapatumba siya! Meow' galit na galit niyang sabi ni Pusang Lady

A Vimpire Kiss (The Past Untold) ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon