Isa na akong junior ngayon.
In this school, everyone knows me as the ’emo girl’ .Ewan ko kung bakit. Hindi naman ako naglalagay ng eyeliner sa mata ko at hindi naman ako palaging nagsusuot ng black kapag wash day.
Btw. I'm Zannie Bae M. San Juan. Maaga kasi ako pinasok sa school kaya ako ang pinakabata sa batch namin.
I'm living with my tita na kapatid ng dad ko. May 3 anak si tita si Kate, ang bunso, 7yrs old. Si Keith 12 yrs old. At yung
panganay ay si Katniss na ka level ko pero 15 na sya.Hindi naman kami masayadong close ni Katniss kasi popular sya sa school dahil maganda sya at sya ang nanalo simula pa ng 1st yr. sa pagiging CAMPUS SWEETHEART. Her dad and mine are business partners at palagi silang wala. And my mom..... She died because of a car accident....when I was 11..And thats about it.
I think I've given you enough information..I don't wanna remember anything that happened that day... Still...I miss my mom so much.
Back to the story.....
Pumunta na ako sa bulletin board to see kung anong section ako. After nakaalis na yung mga taong nakapalibot , lumapit na ako. Sana naman ilipat na nila ako ng section....
Hinahanap ko parin yung name ko.
Bwiset! Section A parin. Nakakasawa na makita yung mukha ng pinsan ko. Hindi ko naman masyadong inigihang mag aral last year pero nakuha parin ako sa top 5 class. Hindi rin naman daw kasi pwede na pabayaan ko ang pag-aaral ko. Nung binale wala ko dati...pinagalitan ako ni daddy at kinut off yung allowance ko at he didn't let me use my laptop and cellphone for a month. Ang gamit ko lang naman sa mga gadgets ko ay games at listening to music.
Napakamot ako sa ulo ko.
"Ms. San Juan!"
Nilingon ko kung sino man yung tumawag sakin. Si Principal Spencer lang. Bahala sya kung pagalitan nya ako dahil late na ako. Ako lang naman ang tao dito sa baba .
May kasama syang lalaking naka uniform. Bagong studyante siguro.
"Ms. San Juan, this is Mr. Reyes he’s new here and sabay nalang kayo papuntang classroom. Kasi baka maligaw sya." ani ni Principal Spencer. Binalingan niya si Reyes. " And Mr. Reyes you may join Ms. San Juan to your class. And you better hurry or else I’ll give you two a tardy slip." sabi ni PP nang nakangiting loko at umalis na papuntang faculty room.
"Hi,"bati ni Reyes.
Tumango nalang ako nagsimulang maglakad patungong classroom. Bahala sya kung susunod sya o hindi.
Sumunod naman sya. Pansin niya atang ayoko nang maingay kaya tahimik lang din sya. Some students were looking at him.
Nung paakyat ng stairs binilisan ko.
"Hey, wait! "
Tumigil ako sa pag-akyat dahil napagod at nahilo na ako sa hagdan. At dahil sa bigla kong pagtigil nabangga niya ako ng konti.
"I'm sorry," he smiled apologetically. Wag kang ngang pa cute pre.
I open the door at halatang nag start na sila sa pag e. introduce ng sarili nila.
"GOOD MORNING! Ako ang last mag eintroduce kasi ako ang pinaka maganda niyong classmate and AS ALL OF YOU KNOW, I'M KATNISS JAVIER. YOUR CAMPUS SWEETHEART."
Tapos nag bow sya at as usual nagpapacute. Ang mga classmates ko naman todo palakpakan.
"Thank you.! And oh, guess who's late? Cous', bat late ka?~ lumapit sya sakin at nagpapacute kay Reyes ~ At sino naman yung kasama mo? Pakilala mo naman ako couz..?"