Naglalakad ako ngayon mag-isa.
Naninibago lang ako kasi wala si King na lagi kong kasama at kausap.Di siya pumasok ngayon.
At di ko alam kung bakit.Pumunta na lang ako sa library para mag-aral. Wala naman akong ibang gagawin kaya magbabasa na lang ako. Kahit wala naman kaming quiz.
Gusto ko lang madistract ako sa nangyari kahapon.Nilabas ko ang cellphone ko at naglog in sa facebook.
Scroll lang ako ng scroll hanggang sa may nahagip ang mga mata ko.
Dylan King Montana was tagged in a photo.
Jacehl Monic Franco with Dylan King Montana.
Hi
Tapos may pic sa kanila na kumakain ng Korean Foods sa Korean Restaurant.
Ang bilis ah.
Pero wait. Franco yung babae?
Dont tell me... Kapatid siya ni Jiro.
Wait nga.Oo! Kapatid siya ni Jiro. Isa lang naman ang kapatid ni Jiro. Tapos babae.
Sila na ni king?
Or ano?Di ko talaga maintindihan si King. Playboy din naman yung mukha nya kung tignan. Okay lang naman sa akin kapag may babae siyang pinopormahan. Atleast hindi sa akin.
At dahil na bored ako.
Bumalis na lang ako sa building.
Pero nasa may stairs palang ako paakyat.Nakita kong palapit sa akin si Mellanie. Galit na galit yung mukha niya. Nakatingin siya sa akin.
Napalignon naman ako para makita kung may tao ba sa likod pero wala. So, ako ang lalapitan niya?Napatigil ako. At nang makalapit na siya sa akin. Agad niya akong sinampal ng napakalakas.
Pakiramdam ko dumugo ang labi ko nun.
Agad kong hinawakan ang pisngi ko at napatingin sa kanya.
"Ang kapal din ng mukha mo eh no? Ang kapal ng mukha mong ipagkalat na nagcheat ako kay Jiro!"
Para na siyang sasabog.
"Mellanie... Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo." Sabi ko ng kalmado. Ayokong mas lumala ang pag-aaway namin.
"Di mo alam?! Nakita kitang nakita kami! At ngayon ipagkakalat mo sa ibang tao?? Ang kapal ng mukha mo! Siguro nga gusto mo akong palabasin na masama sa iba. Kasi kahit wala na kami ni Jiro, hindi niya parin magawang magustuhan ka!"
"Tama na mellanie." Mahinahon kong sabi.
"Ahhh. Dahil siguro sa ginamit lang kita na maging kaibigan ko. Hanggang ngayon di ka pa rin nakakamove on nun? Kaya mo nagawang ikalat-----"
Sinampal ko siya.
She brought up the Friendship thing. Di ko kinaya."Kung ano man ang kumalat ngayon. Mabuti lang sayo." Sabi ko at madiin kong sinabi ang mabuti.
Mas lalong siyang nagalit pero inirapan ko na lang siya at akmang maglalakad muli paakyat. Pero biglaniya akong hinugot. At sa malakas na paghugot niya... Diretso akong nahulog pababa.
Pero bago paman ako tumama sa mga hagdan biglang may sumalo sa akin at saby kaming napaligid pababa ng hagdan at ngayon nasa ibabaw ako ng taong sumagip sa akin.
"J-Jiro?"
Nagulat ako kasi may dugo sa noo niya. At wala siyang malay. Napatingin ako sa ibabaw ng hagdan at nakita ko ang mga mata ni mellanie na natatakot.
Binalik ko ang tingin ko kay jiro.
"Jiro... Jiro... Jiro gumising ka... Jiro! Tumawag kayo ng ambulansya!!!!"
Agad namang may ibang tao na tumulong kay Jiro.
"Jiro!!!! " sigaw ko habang niyogyog ko siya. Pero ayaw iyang magising.
Nang dumating na ang ambulansya. Agad nilang kinarga si Jiro. Sa pag-alis nun... Nakaramdam ako ng pagkakahilo and the next thing i knew. Natumba ako. And everything went black.
BINABASA MO ANG
Dear Jiro (Completed)
Подростковая литература"I don't like you. If you like me, that's cool." - Jiro Mikko Franco. The story revolves around the journey of Mira Mae, a young woman who believes that her strength is her biggest asset. But as she navigates the challenges of life, she realizes tha...