Chapter 1
(Sun's P.O.V)
Alam niyo yung feeling na ginawa mo na ang lahat pero wala pa ring nagyari?
"Sorry talaga, Sun. Alam mo naman kasi diba na... b-babae ka, babae rin ako. Ayaw ko kasi ng ganung relationship. And, I like someone. Sana maiintindihan mo, '' sabi niya at agad na tumakbo.
"Minna... sandali...'' tawag ko sa kanya pero di man lang siya lumingon.
Napayuko na lang ako at tumalikod na. Basted na naman ako. Ba't ba ayaw nila sa akin? Kasi, tomboy ako. Wala ngang babeng estudyante ang lumalalapit sa akin, at kung meron man magtatanong lang about sa klase.
"Nabasted na naman ang iba."
Napatingala ako ako at hinanap kung sino yung nagsalita.
"Lo.Ki!!" nakaramdam ako ng inis nang makilalang siya pa lang yung nagsalita. At, dali-dali ko siyang nilapitan.
"Kasalanan mo to eh!" sabi ko at hinawakan siya sa kwelyo.
"Oh, ba't ako?" nakangisi niyang niyang sabi.
"Ikaw kasi ang nagkalat sa buong campus na babae ako, ayan tuloy... basted ulit ako..."
Bago kasi ako nag-aral sa school na 'to. Nagdadamit na talaga ako ng panlalaki. Kaya nung elementary ako, uniform ng noys ang sinusuot ko. At nung mag-high school na ako, ganun parin. Kinausap talaga ni mama ang may-ari ng school na payagan ako. Principal din kasi si mama ng school na 'to kaya kilala na siya ng may-ari. Buti naman at pumayag naman sila pati na rin yung mga teacher.
"Kahit na hindi ko ipagkalat, alam pa rin nila noh," sabi niya at kinuha ang kamay ko sa kwelyo niya. At, bigla niya akong inakbayan.
"Maging babae ka na lang kasi at, be my girlfriend. I'm sure di ka mababsted."
"Girlfriend mo mukha mo," sabi ko at haras na kinuha ang kamay niya sa balikat ko. "Hindi ka nahimatay sa sinabi mo, hindi tsyo talo, bro."
"Alam mo, 4 years mo na akong binasted eh. Mas malala pa yun sa sinapit mo," biro niya.
"Tch...ewan ko sa'yo. Diyan ka na nga!" Dali-dali naman akong umalis at iniwan siya.
Baliw talaga 'tong si Loki. Ang sarap sapakin.
"ANG CUTE MO TALAGA KAPAG NAIINIS KA!" sigaw niya, pinabayaan ko na lang ang baliw na yun at di lumingon.
Sigurado, tuwang-tuwa na naman yun. Masaya kasi yun dahil di ako sinagot ni Minna.
Pagkarating ko sa classroom, sumubsob kaagad ako sa desk ko.
"Sana naging lalaki na lang ako," bulong ko.
Baka nagtataka kayo kung bakit ako ganito. Dahil ito kay Papa. Gustong-gusto niya kasi magkaroon ng lalaking anak, kaya pinalaki niya akong parang lalaki at pinadamit ng panlalaki. Hiwalay na noon sila ni mama ,kaya sa kanya ako lumaki. Kinuha lang ako ni Mama, nung nag-high school na ako.Gusto niya kasi na dito ako mag-aral sa syudad.Kasi wala daw magagandang school sa probinsiya. Ayaw ko sana kaso, para na rin daw sa kabutihan ko. Kaya rin pala ako kinuha ni Mama, dahil ikakasal na si Papa sa iba. Nung nalaman ko yun, halos magwala na ako at susuklaman si Papa. Pero pinaintindi sa akin ni Mama ang lahat. Kaya medyo nabawasan ang inis ko sa kanya.
Napabuntong-hininga na lang ako, at pilit na pinipigilan ang sarili ko na umiyak.
Napaigtad na lang ako nang biglang nagring ang bell at napaayos agad ako ng upo.
BINABASA MO ANG
His boyish Girlfriend
Teen FictionSi Cassandra a.k.a Sun, isang boyish girl. Mahilig magsuot ng panlalaking damit, nagsusuot ng boy's uniform sa school, mahilig sa panlalaking mga bagay at higit sa lahat nangliligaw sa kapwa niya babae, pero yun nga palaging basted. Si Loki, ang fr...