Hi! Kilala niyo pa bah ako? :) Para sa may amnesia kunwari diyan ako nga pala ulit si Samantha Clara de Guzman. Haba ng name ko kaya tawagin niyo lang ako sa kinagisnan kong nickname… Baboy or pupwede din kung mabait kayo at gusto niyo less harsh, ‘piglet’ nalang. HAHAHA. Pero infairness hah, di ako ganong kataba! Na.
Nung bata ako,oo, inaamin ko na bolang-bola akong kalaki ngunit dahil sa tulong ng mga diet programs na yan at exercise, lumiit ako. FYI, sa mga mahilig mamilosopo, lumiit ako as in pumayat, di yung naging dwarf! Chubby siguro, pwede na ;) Pero love ko talaga si pagkain eh, ‘nong magagawa ko? :”>
Kung nagtataka kayo bakit ako daldal ng daldal sa isip ko sa inyo ay eto lang naman ako ngayon sa loob ng klase namin sa third floor. Third year na kasi ako sa high school dito sa IDKS, acronyms ng I DON’T KNOW SCHOOL yan.
Bago lang ang pasukan at medyo tahimik pa klase namin. Heterogenous kasi ang sistema ng skul. Pabago bago nalang ng klasmeyt every year :< Boring masyado lalo't na dinidiscuss pa naman ni Ginoong Mateo ngayon yung History namin. Ay mali. History pala ng Pilipinas :)
Maswerte ako sa year na to ah! Sa may window pala ako nakaupo. XD Di kase eh! Maraming mapagtutuonan mo ng pansin dito! Basta sa mga sitwasyong katulad neto, walang magawa at inaantok ka na sa kakikinig, pwede kang titingin sa labas at baka may maabutan kang magandang eksena. Tulad ngayon, may obvious na nagcu-cutting classes at sweet na sweet pa sa ilalim ng puno! Kita ko na nga maraming langgam na pumupunta sa kanila! Mga echepwerang palakang PDA naman oh! Kulang nalang nakakakilig na love song sa background music, slow motion at kaunting hangin para sa lipad-buhok effect para maging katulad na nun sa mga pelikula -_-
"HOI! ANONG GINAGAWA NIYO DIYAN?!"
Nagsitagbuhan yung magkasintahan. MWAHAHAHA >:D Nakita sila ng student affairs coordinator naming maldita! WHOOO! Karma. Nagpapajelly na kasi sila ng todo eh XD (see? Diba may mini-movie theater ka basta sa may window ka ano? :})
"Babaeng nasa likuran, malapit sa may bintana."
...
*tingin parin sa labas ng bintana*
...
*tingin*
...
*tingin*
...
"PSSST, piglet!"
Tinignan ko kung sino yung tumatawag. Piglet daw eh, sa pagkaka-alam ko, ako lang naman yung piglet ata yung nickname dito sa klase :\
Ah... si Jeric lang pala yung tumatawag, katabi ko. Si Jeric Louis Ocampo ay isang lalaking mas maputi pa sa babaeng katulad ko, mas makinis ang balat at akalain mo naman dahil sa kanyang kagwapuhan ay napaibig niya na halos lahat ng babaeng klasmeyt ko sa first day pa lang nung first year kami?! Oo, crush ko siya nung una pero dahil nga klasmeyt ko sya at naging close na hindi close (O.o hah?) napagalaman ko ang matinding pagka-playful niya at tinuring ko nalang syang , oh well, kaibigan :") Siya lang yung naging klasmeyt ko from 1st to 3rd year highschool kaya feeling niya free na free syang tumatawag sa akin ng piglet -_- feelurs much?!
“Hah? Bakit?” sinabi ko sa kanya ng pabulong.
Sinimangot ko yung mukha ko ng nakausmod yung labi nya sa harapan kasabay ng kanyang mga kilay.
Hmmmm. Familiar ata yan na body language ahhh.... Oo nga pala.
PATAY :|
“Nasa labas ba yung klase hah?” nakahawak na sa bewang si Ginoong Mateo nung humarap na ako sa kanya.
“Ahahaha... Sorry po sir! Meron po kasi akong nakitang Angry Bird eh! Please do continue your most beautiful discussion :D”
Tinaasan niya lang ako ng kilay at mukha nyay bagnot na bagnot na para ng natatae ü
