ONE SHOT STORY
"Sorry, kaibigan nalang ang pagmamahal na meron ako sayo."
Salitang paulit-ulit na lumalabas sa aking isipan, salitang paulit-ulit akong nasasaktan, salitang sobrang nagpadurog sa puso ko, sa puso kong kahit kaila'y di na mabubuo.
Ang saket isipin na sa isang taon at kalahati naming relasyon ay nawala ang lahat. Naglaho ang pagmamahal na matagal na pinanghawakan. Ang saket, ang saket na bumalik kami sa isang PAGKAKAIBIGAN, pagkakaibigan kung saan kami nagsimula at doon din matatapos.
"Ayieeeeeeeeh!" Naalala ko pa ang mga tuksuhan ng mga kaklase namin dati, nung mga panahong gusto ko siya.
"Crush lang naman!" Ang paulit-ulit na tugon ko sa tuwing tinutukso kaming dalawa, sa tuwing tinatanong nila ako kung gusto ko ba siya.
Crush. Yun lang talaga ang nararamdaman ko sakanya, akala ko hindi lalalim na hanggang doon lang yon, pero mali, akala ko lang pala ang lahat.
Lalong lumalalim ang nararamdaman ko sakanya kahit alam kong wala akong pag-asa. Nakakatuwa nga na naging magkakompetensya pa kami sa Top sa section namin. I got the Top 6 and He got the Top 5 na sa akin sana but it doesn't matter anyway. He's not competitive. Wala siyang pakealam kung ma-Top ba siya o hindi, as long as he has a passing grade, okey na sakanya yun.
I got the opportunity na makuha ang number niya. Nakuha ko pero walang lakas ng loob na itext siya. Nahihiya ako at the same time, natatakot akong hindi siya magreply, nakakatakot na mareject niya dahil alam ko kapag nangyari iyon, masasaktan lang ako.
Hanggang matapos ang taon namin bilang 2nd year, nanatili parin ang nararamdaman ko sakanya. Hindi nabawasan pero mas lalong lumalim.
"Mahal ko na ata siya." Iyon ang sinasabi ng puso ko.Pero naisip ko na masyado pa kong bata para doon. Masyado pa kong bata para maramdaman ang ganoong pagmamahal.
Hanggang sa nag3rd year High School kami. Taon na pinakamasaya para sa akin.
I texted him, he replied. I was so happy. Noong una ay natakot pa akong magpakilala, natakot na sabihin na ako yun, na "Si Kylie toh, yung classmate mo Ryan." Nakakatakot na hindi na siya magreply.
That was my first move. Yes, pangit mang pakinggan na ako ang gumawa ng paraan para magkalapit kami, pero Mahal ko siya.
He knew that it was me. I was the one who texted him, but even if he knew that it was me, hindi siya tumigil na replyan ako.
Hanggang sa gabi gabi na kaming magkatext. Walang nakakaalam. I chose to not tell to anyone na nagkakamabutihan na kami, na magkaibigan na kami.
3 months. Tatlong buwan kaming naging magkaibigan and then He told me that he likes me. Hanggang sa niligawan ko siya. Yes! I was the one who took his number, I was the one who made a first move, I was the one who courted him and now I'm the one who suffered the most.
Naging kami, nang una ay mas pinili naming itagong dalawa yung relasyon na meron kami. Pero sabi nga nila walang sikretong di nabubunyag. In the end everyone knows about the relationship that we had.
Masaya naman kami. Pero syempre hindi maiiwasan ang tampuhan. Pero hanggang doon lang yun. Hanggang tampuhan lang at hindi kami umabot sa puntong maghihiwalay but now, everything's gone. Kasalanan ko ang lahat, sa relasyong ako ang bumuo ay ako din pala ang sisira. Ang saket isipin na hanggang dito nalang talaga.
Siya ang inspirasyon ko ng mga panahong iyon. Isa siya sa mga dahilan kung baket nag-aral akong mabuti. He was my first boyfriend and I don't want to break the trust of my parents because of him. Legal kami sa pamilya ko ngunit hindi sakanya. Ayaw ng magulang niyang mag-girlfriend siya kaya pilit naming tinatago. Minsan lang kami lumabas, laging nasa bahay lang kami. It was okey to my parents. Maganda naman ang ganoong set up. I got the Top 1 when I was in 3rd year. Syempre masaya ako, masaya siya at masaya ang mga magulang ko. He was my inspiration.
YOU ARE READING
My Untold Story
Short StoryTrue to life story but some part are Scripted. :) Just a One Shot Story. :)