ASAN KA NA BA?
Message sent. Pang pitong text ko sa kanya. Hindi ko rin mabilang kung ilang beses ko na tong itinanong sa sarili ko. Hindi ko rin alam kung ilang beses ko na rin tiningnan ang phone ko, kung may nag text o nag reply galing sa kanya pero wala talaga. Mahigit isang oras na akong nag hihintay sa kanya at higit isang oras na rin akong hinihintay ng bisita ko sa baba. Nag text ulit ako sa kanya baka sakaling mag- re reply siya.
Asan ka na ba? Reply please.
----------
December 20, 2013
Asan ka na ba?
Kalahating oras na akong naghihintay dito. Para na akong tanga na lingon ng lingon sa tuwing may papasok sa pintuan.
1 message..
Babe, im sorry. Cant go there. Dumating yung parents ni Mayi from abroad. Sinundo nila ako dito sa house. Sorry talaga.
Haaaaaay.
Ok lang. Ingat ka. Btw, Happy monthsary. I love you. I replied.
Thanks, babe. You're the best. He replied.
----------
December 25, 2013
Asan ka na ba?
I texted him again. Nandito ako sa labas nang bahay ng lola ko, hinihintay siya.
Hinahanap ka na ni Mama. Pls reply
After 5 minutes, nag reply siya.
Babe, im sorry. Pumunta yung family ni Mayi dito sa bahay. Hindi na siguro ako makakapunta diyan. Im so sorry.
I smiled bitterly. Pang ilang beses na ba ito?
Ok. Ill just tell mama. Merry Christmas sayo and sa family mo. I love you. I replied.
Thanks, babe. He replied.
Hindi ko namalayab, umiiyak na pala ako.
--------
January 17,2014
Asan ka na ba?
Na ospital ako. Ang taas-taas kasi ng lagnat ko.
Message sent.
Pagkatapos ng ilang segundo, nag reply siya.
Nandito na. After 5minutes nandyan na ako sa harao mo. :)
Ang saya ko! Ang saya ko dahil pupunta siya. Ang saya ko dahil wala akong MAYI na nabasa sa text nya.
Pero mali ako..
Dahil pati si Mayi, nandito din sa harap ko.
Babe, are you okay now? Pinag-alala mo ako.
Kahit papano, napangiti ako. Nag-aalala pa rin pala siya sakin. Kahit papano naiisip nya rin ako.
Okay na. Lagnat laki lang to. Bukas, lalabas na rin naman ako e.
Napangiti siya.
Buti naman.. Uhmm. Babe, hindi kami magtatagal ni Mayi. Ininvite kasi kami ng family nya mag lunch. Sabi nya.
Ahhh, ganon ba? Sige.. Sabi ko.
Panu? Aalis na kami. Pagaling ka ha!
Hinalikan nya ko sa noo. At umalis na kasama si Mayi. Ang sakit lang. Ako ang girlfriend pero parang ako pa ang walang karapatan dito. Ayoko naman maging selfish pero di ko yata kaya ang ganito.
