Let's End it This Way

33 9 16
                                    

"When you love someone and it goes to waste.Can it be worse?"
-Coldplay,Fix you

Lumipas ang panahon,akala ko magtatagal tayo.Akala ko kakayanin ko.Akala ko,magbabago ka.Akala ko lang pala.Langya nga namang akala 'yan,nakakamatay.

One time,nasa park ako.Patambay-tambay lang dahil nagkataong early dismissal namin ng mga barkada ko.Nagtatawanan sila,nagkakasiyahan,pero kahit anong pilit kong makisama ay hindi ko magawa.

Kainis kasi,bakit ba hanap ako ng hanap sa'yo?Bakit sinisiyasat ko bawat mukha at nagbabakasakaling makita 'yang mga mata mo?Matang nakapagpalambot dito sa matigas kong puso.

But no,hours passed at ni katiting na anino mo man lang ay hindi nahagip ng paningin ko.

"Guys uwi na tayo."kalaunan ay napagpasyahan ko na ring mag-ayang umuwi.Wala na kasi eh,nawala na talaga ako sa mood.Paano ba naman,daig ko pa ang nasawi.Gustong-gusto ko na kasi talagang masilayan ka,gusto kong makausap ka.Kahit nga 'yang ngiti mo lang,solve na.

I miss you so much.

"Okie!Tara na!"pagsang-ayon ni Lian,isa sa mga kaibigan ko at ngitian ko siya.'Yun bang ngiting hindi man lang umabot sa mata,malayo sa nakasanayan nila at alam kong napansin nila 'yon pero hindi nalang nakialam.

This is what I love with my friends,alam nila kung kailan gusto ko silang makialam at kung kailan hindi.

Nagsimula na kaming maglakad,nagkekwentuhan sila habang tinatahak ang daan papunta sa terminal at eto nanaman ako,lutang.

"Aray."napadaing nalang ako at napahawak sa noo nung tumama ako sa likod ng isa sa mga kasama ko.Pagkaangat ko ng tingin ay si Angel lang pala.Nilingon niya rin ako at nagtama ang mga mata namin sabay napanguso,natural na 'yon sa kanya kaya ngumisi nalang ako at magpapatuloy na sana sa paglalakad nung bigla akong hinatak sa braso si Thalia na naging dahilan ng paghinto ko at pagkunot ng noo.

Ngayon ko lang din napansin na tumigil na pala kaming lahat sa paglalakad.Ano bang problema ng mga 'to?

Nilingon ko si Thalia pero she just diverted her gaze away from me.As if hiding something.

As if...

"Lucy no,'wag tayo diyan."pipigilan pa sana uli ako ni Thalia pero mabilis kong naiiwas ang katawan ko sa kanya at magpapatuloy na sana sa paglalakad but the sight in front of me immediatly stopped me dead in my tracks.Para 'kong binuhusan ng isang baldeng yelo.

Bakit ba hindi ako nakinig sa mga kaibigan ko?

"Lucy."Paul muttered pero nawalan na ako ng lakas nang loob na panoorin pa ang mga sunod niyang ginawa bago pigil ang mga luhang tumalikod na at binigyan ng I'm-okay look ang mga kaibigan ko.Tinanguan nila ako,Lian gave me a kaya-mo-yan smile before I passed them.

Madiin kong naikuyom ang mga kamao at nakagat ang aking labi pero wala na talaga akong maramdamang mas masakit pa kaysa sa pakiramdam nung nakita ko siya kanina.

Dahil ayon siya,busy sa pakikipag-tawanan sa kaibigan daw niya na kaibigan ko rin habang magka-hawak ang kamay nila.

Friends.Shte na 'yan,may magkaibigan bang nag-HHWW sa isang public place!?Considering na taken pa siya niyan diba!?Shte!

Bakit pa kasi ako umasang mababago ko siya!The more I assume the more na nasasaktan ako.And the more it last,the more na lumalakas 'yung isang parte ng utak ko na nagsasabing nakakasawa na.

"Lucy saglit!"naramdaman ko nalang ang mapwersang paghitak sa aking balikat na naging dahilan ng pag-angil ko.Matalim pa sa matalim ang tingin na ipinukol ko kay Paul noong tumama ang mga mata ko sa nagmamakaawa niyang mga mata.Napairap nalang ako at tiim-bagang na humalukipkip sa harapan niya.

"Ba't?"I spitted the words out and he look taken aback but stay still.Napahilamos siya sa mukha.

Pagod ka na ba?Ang bilis naman ata.Ako nga tatlong taong naghintay,isang taong nagtiis,at hindi mabilang ang panahong nagpakahirap makasama ka lang.

"Lucy,let me explain."mahinahon ngunit puno ng emosyon niyang sabi kung kaya naisuklay ko nalang ang buhok out of frustration.

"Explain?Galing ah.Ano namang ipapaliwanag mo?"matabang na banat ko.A pat on the back for that Lucy,ganyan nga.Huwag mong hayaang daanin ka nanaman niya sa mga salita niya.

Puro pangako,pero lahat ay nauuwi lang sa pagkapako.

Shte.

"Lucy please."hinawakan niya ang mga kamay ko pero tinabig ko ito papalayo.Napabuga siya ng hininga. "Babe,it's not how it looks like.We are just friend--"

"Liar."hindi ko na natiis pakinggan pa ang mga kasinungalingan niya kung kaya wala akong nagawa kung hindi ang putulin ang mga sinasabi niya. "Huwag mo 'kong gaguhin Paul.Dahil kahit anong gawin mo,hindi mo na mabubura sa isipan ko ang nakita ko."dagdag ko pa.

Ilang segundo,hindi,minuto ata ang lumipas at hinintay ko ang magiging sagot niya.Pero wala,tanging guilt lang na nanggagaling sa mga mata niya ang nakuha ko.

Para akong sinaksak ng paulit-ulit.

This time ay hindi ko na kinaya at bumagsak na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.Mga luhang nagsasabi na masakit na.Luhang gustong iparating na tama na.Luha ng pagsuko.

Ayoko na.

Kahit umiiyak ay pinilit ko siyang ngitian.'Yun bang mapait.'Yung mararamdaman niya ang hapdi.'Yung ramdam niya lahat ng emosyon.'Yung malalaman niya na eto na ang huli.

"Paul."pagbanggit lang ng pangalan niya ay ang sakit na,paano pa kaya kapag sinabi ko pa 'yung balak ko?

Mukha namang nahulaan na niya ang trahedya,o kung hindi naman ay ang biyaya na darating sa kanya dahil napaatras siya ng kaunti.He is shaking his head as if telling me to stop whatever bullshit I am about to do.

Napangiti nanaman ako,but this time ay 'yung genuine na.Humakbang ako ng isa,at isa pa,at isa pa,hanggang sa makalapit ako sa kanya.Hinawakan ko siya sa pisngi,noong una ay halatang nagulat siya pero noong tumagal na ay kaagad siyang nagrelax.

"Paul."

He then placed his hands above mine that are holding his cheeks.Pinagintertwine niya ang mga daliri namin at para akong robot na hinayaan lang siya noong inilapit niya ang isa kong kamay sa labi niya at hinalikan ito.Pagkatapos ay pinunasan niya ang mga luha ko,magkahawak pa rin ang mga kamay namin.

I wanna cherished this moment,dahil alam ko at sigurado ako,na hindi na ito magtatagal.

Ito na ang huli.

"No babe,don't do this."

I need no butterflies coz you gave me the whole damn zoo.

I shook my head.Pilit na ibinabalik sa reyalidad ang utak ko at kahit mahirap ay nagtagumpay ako.Binawi ko na ang kamay ko mula sa kanya and disappointment was the first thing I saw from his face,then pain.

I'm so sorry Paul pero buo na ang desisyon ko.

Ipamimigay na kita.

"Paul,always remember that there is this girl,this girl na minahal ka ng todo.Thank you nga pala sa lahat ah.Thank you for the experiences.Thank you for making me feel--"

"Lucy,no.Don't--"

"Paul,I love you."

"I love you t--"

"Goodbye."

End

~•~•~

Enjoy?

Don't forget to leave a vote and some comments.

Special thanks to an awesome wattpad cover maker KhushiArora3

Thanks a lot!

Ciao!

Her SurrenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon