Chapter 1

53 4 0
                                    


#CAFirstKill

Stacey's POV

   CASTER ACADEMY

Pagpasok ko sa bago kong school. Lahat na ng mata ay na saken. Lahat sila nakatingin saken parang gusto na nila kong kainin

Tumungo na lang ako habang naglalakad papuntang Women's Dorm. Nang makita ko na ang dormitoryo ng mga babae pumasok na ko

"Room 365" bulong ko sa sarili ko habang hinahanap ang room ko

Nang makita ko na ang room ko ay lumapit agad ako dito. Bubuksan ko na sana yung pinto ng biglang may pumigil saken

"Oops, who are you?" sabe ng maarteng babae na lumapit saken. Halata kase sa kanya na maarte siya i mean in a cute way. May pagkakikay ganun

"Uhm, transferee ako. Eto kase yung binigay sakeng room number ng dean Room 365" pagpapaliwanag ko sa kanya

"Oww, you will be my roommate. Finally, may roommate na rin ako!" masayang sabi niya at niyakap pa ko. Take note hindi pa siya nakuntento sa yakap bineso niya rin ako. Feeling close lang haha

"Ahh ehh oo roommate mo ko hehehe" tatawa-tawa kong sabi sa kanya

"Tara pasok ka!" hinawakan niya yung left wrist ko at tumungo na kami sa loob ng kwarto

Pagpasok ko sa room namin ay sobrang kalat. Kalat kalat yung mga damit niya, make-up, pati yung mga undergarments niya. Napalunok na lang ako sa nakita ko

"Oh gosh, i'm so sorry. Makalat ako lang kase mag-isa dito kaya makalat. Ngayon na may kasama na ko I promise maglilinis na ko. Sorry talaga" sabi niya habang inaayos yung mga kalat niya

Sa loob ng kwarto ay may dalawang kama at may dalawa ding cabinet

"Okay lang" ang tanging nasabi ko na lang sa kanya. Tumungo na ko sa isang cabinet at nilagay don yung mga gamit at mga damit ko. Habang nag-aayos ako lumapit siya saken

"By the way i'm Hillary Zy. You are?" she offer her right hand for a hand shake

"Stacey, Stacey Perez" hinawakan ko yung kamay niya at nag-shake hands kame. Bumitaw din naman siya agad

"Baket dito?" tanong niya habang naka crossed arms

Napalingon ako sa kanya

"Hah? What do you mean?" takang tanong ko sa kanya

"I mean baket dito? Baket dito mo napiling mag-aral? Bakit dito pa sa Caster Academy?" dahil sa mga tanong niya napatigil ako sa ginagawa ko. Tumingin ako sa kanya at ganun din siya saken

"Teka, di kita maintindihan? Ano bang sinasabi mo?" kunot noong tanong ko sa kanya

"I guess wala kang alam tungkol sa Caster Academy" ewan ko ba pero bigla na lang sumeryoso ang mukha ni hillary kanina kase napaka bubbly ng mukha niya

"Baket? Ano bang dapat kong malaman tungkol sa paaralang ito?"

"Do you really want to know? Handa ka bang malaman kung anong meron sa paaralang ito?" seryosong tanong niya saken. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa tanong niya nag-taasan lahat ng balahibo ko.

"I want to know" nauutal kong sambit sa kanya

"Come with me" hinatak niya ko palabas ng dorm at pumunta kame sa campus ground Umupo kame pareho sa bench.

"Mapanganib ang paaralang ito" bigla akong napalingon sa sinabi niya

"Mapanganib? Panong mapanganib?" kinakaban kong tanong sa kanya

Caster Academy Where stories live. Discover now