Crush
***
Masama bang magkaroon ng crush sa taong di mo naman personally kilala? Or sa taong nagwapuhan ka lang? Kase siguro sakin normal lang yun. Isa kase akong hopeless romantic, NBSB, or whatever you call it. Never pa akong naligawan and never pang nagkaron ng ka-MU. Ewan ko ba kung bakit, di naman ako panget pero di rin naman ako maganda, yun bang sakto lang. Iniisip ko na lang na baka may sinesave na right guy si God para sakin. Or minsan naiisip ko na lang na baka in the near future magmamadre na lang ako.
So eto na nga, may crush ako sa lalaking sa tarpaulin ko lang nakita together with his whole family. I already saw his Dad kase dati yung nangampanya samin and to tell you, ambait ni Tito. Charot.
Everyday kong nakikita yung tarpaulin ng family nila kase nasa tapat nga lang yun ng school na pinapasukan ko. And ewan ko ba pero whenever na napapadaan ako roon napapatitig ako bigla. It seems like he was perfect, that perfect smile, family, and everything makes him so astonishing in my eyes.
Until one day naisipan kong i-search ang pangalan nya. He was named Klein Pangilinan Jr.
To be honest, I was shocked that he 'wasn't' that famous.
Until one day I imagined something crazy. Something only hopeless romantic people will imagine, being couple with your crush, though I know it won't come true. Imagination ko ang limit! Char!
***
Andito ako ngayon sa mall together with my elementary friends, you know get together namin. Si Andree kase galing ng UK tapos three weeks lang sya dito, sinusulit lang namin yung oras.
"San nyo gusto kumain? Libre ko," sabi ni Andree na walang alinlangan. Rich Kid talaga!
Dinaaan ko naman sa biro ang sagot ko, "Iba na talaga pag imported eh noh?"
Nagtawanan silang lahat. Ghad namiss ko sila!
"Bon Chon na lang bes! Libre naman eh," singit ni Lia.
"Jollibee lang afford ko pero since libre, Game! Bon Chon tayo," wika ni Nica at tuloy tuloy sa paglalakad.
"Teka bes! Lampas ka na! Nasa tapat na kaya tayo!" Wika naman ni Raffy.
"Ay, oo na sorry na! Di nyo naman agad sinabi," nagsitawanan ang lahat. Etong si Nica kase laughtrip kung ano ano nalalaman.
Habang umoorder si Andree, nagiintay lang kami ni Lia, Nica, at Raffy sa table nang maisingit ni Gen ang lalaking kakapasok lang sa restaurant.
"Lia, diba si Klein yon? Diba schoolmates kayo? Ampogi noh? Alam mo number?" napatawa naman agad si Lia sa sunod sunod na tanong ni Nica.
PERO TEKA LANG. KLEIN DAW? Napalingon ako sa entrance ng restaurant. Hala si Crush yon! Sa loob ng isang taong pag istalk ko sa kanya, never ko pa syang nakita sa personal. Nakakatulo laway yung dating nya, isama mo na yung kaluluwa ko. Mukhang ako na-drain ngayon.
Naputol ang pagkakatitig ko nang dumating si Andree,"Mga bes, kuha na kayo"
Habang kumakain kami naitanong muli ni Nica kay Lia ang tungkol kay crush.
"Kuya kuyahan ko yun sa school, I mean we're second cousins. Wag ka nang umasa Nica, may nililigawan na yun. Yung Ms. Foundation ng school namin," ika ni Lia. Feel ko gumuho ang mundo ko sa narinig. Ganito ba talaga ang Puppy Love? Masakit din pagnagkataon?
"Ah yun bang si Janina? Eh mukhang bakla yun eh. Kaya siguro nanalo ng title kase mukha na syang foundation," singit naman ni Raffy. Pagkatapos non, nagtawanan kaming lahat.
***
Nakauwi na ako ngayon, actually dapat di ako sasama sa 'get together' namin kase may party kaming aattendan. And when I say 'kami' it means our family. Actually, nag reready na nga ako ngayon. A pair of dress and a pair of heels will do.
Habang ipinapark ni Kuya ang kotse, napaisip ako kung bakit nga ba kami nainvite sa party na toh, eh hindi naman kami mayaman. I mean ayos lang ang pamumuhay namin pero ang maimbita sa engrandeng lugar na toh? Rare.
"Kuya ba't ba tayo nandito? Sure ka bang dito talaga destination natin?" Tanong ko kase talaga namang nakakapagtaka. It was like nasa event kami ng mga 'celebrities' or 'politicians'.
"Dito yung tinext ni Dad eh. Well, only one way to find out," Kuya said and then started walking. Sinundan ko si Kuya. Hanggang sa makarating kami sa main entrance.
"Sir, name?" wika nung malaking lalake, well mukha syang bouncer.
"Travis Hidalgo," Kuya said confidently.
"Welcome po sa party ng Pangilinan," wika naman ni Koyang Bouncer at pinapasok na kami.
Pero teka ha, PANGILINAN!?
Posible kayang andito si Klein. Di ako aware hala, RETOUCH!!"Travis, Thalia, buti naman nakarating kayo," wika ni Mama "Hali kayo at papakilala ko kayo kay Pareng Lein"
Sinundan namin si Mama hanggang sa makaharap namin ang isang pamilyar na mukha. HALA SI TITO!! Yung tatay ni Klein.
"A-ah h-hello p-po," sabi ko habang nauutal pero ngiting ngiti. Duh, kailangan kong mag iwan ng first impression.
"Nice to meet you too. You look really a lot like your dad," ika nito. Mukha ba akong lalake? Char.
"Let me introduce to you, Kaleb, my youngest son, Kaizer, my second son, and wait, where is that boy," napatigil si Tito, charaught! Pero habang binibigkas nya yon ay nakikipag handshake ako kina Kaleb at Kaizer. Pucha ang lambot ng kamay. Akala mo Unan. Tas yung ngiti nilang dalawa, makalaglag pustiso chosera! Si Kaleb, medyo blonde buhok nya tas yung kay Kaizer brownish bes! Yung kay Crush nga eh, pure black kaya mukhang maangas dating nya.
"Klein!"
Pucha, napalingon ako bigla. Hindi naman halata na gusto ko talaga syang makita diba? Hehe!
"What?" Ika ni Klein habang papalapit. Nang makalapit sya samin ay napatingin sya sa gawi ko. Pucha mga bes, mas deep yung eyes nya sa personal.
"Meet your Tita Allaine's son and daughter, this is Travis," ika ni Tita, chos. Nakipag handshake naman si Klein kay Kuya. "This is Thalia," Tita added. Klein looked at me intently. Pucha, mukha akong malulunod sa titig nya.
"Thalia," he repeated my name without removing his stare. CRUSH NA CRUSH KO NA TALAGA TOH.
Hanggang ngayon di ko pa rin gets kung bakit nangyayari toh. Duh, di kami involve sa 'politics'.
Nagsimula na yung party. Grabe bongga yung mga cheverlu something. May pa DJ pa, marami din kaseng teens na nandito, though may class yung tao.
Natigilan ako nang biglang may sumulpot na girl sa tabi ko.
OMG! SI SISTER IN LAW TO!
"Hi I'm Kye! You are?"
"Thalia," I said smiling. Duh, kailangan magustuhan nya ko. Hello? First Impression lasts kaya.
"So Thalia, do you drink?" She asked smiling
Uh-oh
Not that I do not drink it's just that, marami akong nasasabi tuwing lasing. In short, napapaamin ako ng mga bagay bagay pag lasing. The last time I drank, I confessed how I broke Kuya's Lambho toys. I woke up na galit si Kuya. Pero siguro naman pede na akong uminom ngayon kase wala naman na akong secrets.
"Sure," I told her.
"Great! Wait, kukuha lang kita. I'll be right back," she told me. She's nice though for someone I've just met.
Pagkatapos nun, bumalik syang may dalang drinks. Nakarami ako ng inom and I couldn't handle myself anymore. The next thing I knew was I was walking up the main stage holding a microphone. Napatigil yung nagsasalita kase inagaw ko sa kanya yung mic. Napatingin sakin lahat ng tao.
And the worst thing happened.
"CRUSH NA CRUSH KITA KLEIN! PANSININ MO KO!"
Nakita kong nakatingin si Klein sakin. Fvck, I'm doomed.